You are on page 1of 18

Ano

ang opinyon?

Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula
sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong
pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyong
batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba
ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng
impormasyon at hindi maaaring mapatunayan
kung totoo o hindi.

Halimbawa:

Kung ako ang tatanungin, mahalaga
sa magkaibigan ang pagtitiwala sa
isa’t isa.

Sa aking palagay, mas payapa ang
buhay ng isang tao na may takot sa
Diyos
Ano ang sariling pananaw?

Ito ay ang pagbibigay ng sariling
pinaniniwalaan hinggil sa isang paksa,
isyu o usapin. Maaari itong negatibo o
positibo depende sa taong tumitingin sa
konsepto.

Halimbawa:

Sa tingin ko, matatagalan pa bago tayo lumaya sa
pandemyang nararanasan natin sa kasalukuyan
hangga’t wala pang naiimbentong gamut para
rito.

Hindi makatwiran gumastos sa isang bagay na
walang kapararakan.

Ano ang saloobin?
•  Ito naman ay ang nararamdaman o
emosyong naghahari sa isang
sanaysay na sumasalamin sa
pakiramdam ng sumulat. Iba’t iba
ang saloobing maaaring
maramdaman sa sanaysay batay sa
paksa o temang tinatalakay rito.
Halimbawa:
•  Nakatutuwa ang hakbang na ginagawa ng
mga lokal na pamahalaan upang
makatulong sa pagsugpo o pagpigil sa
pagkalat ng virus.
•  Nakagagalit ang paglaganap ng
masasamang elemento sa ating lipunan.

Mga Hamon sa Bagong Kadawyan
ni: Joel Costa Malabanan, Setyembre 5, 2020

Ang pinakamalungkot na yugto sa buhay
ng isang guro ay ang matuklasan na siya
lamang ang interesado sa kaniyang
tinatalakay. Sa Google Meet o sa Zoom,
palaging may pagdududa kung nakikinig ba
talaga ang mga mag-aaral habang tinatalakay
ng guro ang laman ng kaniyang powerpoint
presentation.
Pagdarasal sa gitna ng sementeryo ang
katulad ng pagsasalita sa harap ng screen at
animo puntod ang bawat nakasarang kamera
at naka-mute ang mike ng mga kausap.
Suliranin kung paano gagawing kawili-wili
ang klase at nang hindi maging Ibong Adarna
ang guro sa harap ng mga nahihimbing
niyang mga mag-aaral. Masusukat ang
katapatan ng mga mag-aaral na hindi
mandaya at ipasa sa kaklase ang screen shot
ng kaniyang sagot sa pagsusulit.
Ano bang kasiguraduhan ng guro kung tunay
ngang ang mag-aaral ang lumikha ng kaniyang talata
sa google slide? Kailangang iangkop rin ang mga
pagtataya sa bagong paraan ng pagtuturong naka-
angkla sa bilis o bagal ng internet at sa mga
applications na angkop sa pagtuturo. Nakalulungkot
na baka sa hinaharap, hindi na rin kailanganin ang
mga guro dahil may sapat nang teknolohiya ng
artificial inteligence at software na pwedeng pumalit
sa mga guro. Sa panahong itong madaling kumuha
ng impormasyon habang sistematiko rin ang
panlilinlang sa industriya ng trolling, lumalala ang
pagsasamantala ng mga naghahari sa lipunan.

Malaking hamon sa mga guro kung
papaano gagamitin ang teknolohiya sa
pagtataguyod ng katotohanan at ng
karapatang pantao. Kailangang
maproseso ang mga aral ng karanasan
sa pandemya at magamit ito sa
pakikibaka laban sa pagsasamantala.
Ang pagmumulat at pag-oorganisa ay
obligasyon ng bawat gurong nais
isabuhay ang mantra ng STP.
Tanong
1. Sa binasang teksto, anong bahagi ng akda
ang nakapukaw ng iyong interes? Bakit?

2. May katotohanan ba ang mga ipinahayag
ni Joel Costa Malabanan sa kaniyang
sanaysay na “Mga Hamon sa Bagong
Kadawyan?

Tanong
3. Paano inilahad ng may-akda ang
kaniyang mga kaisipan, opinyon at
saloobin?

4. Anong uri ng wika ang ginamit ng
may-akda sa pagpapalutang ng
kaniyang kaisipan o mensahe?
Elemento
• Anuman ang nilalaman
ng isang sanaysay ay
Tema at itinuturing na paksa dahil
Nilalaman sa layunin
sapagkakasulat nitoat
kaisipang ibinahagi
• Maayos na
Anyo at pagkakasunud-sunod
Istruktura ng ideya o
pangyayari

• mga ideyang
Kaisipan nabanggit na
kaugnay o panlinaw
sa tema
Elemento ng SANAYSAY
• mabuting gumamit ng
simple, natural at
Wika at matapat na mga
pahayag
Istilo

•  nilalarawan ang buhay sa isang


makatotohanang salaysay
Larawan •  masining na paglalahad na
gumagamit ng sariling himig
ng Buhay ang may akda
•  naihahayag ang damdamin
nang may kaangkupan at
Damdamin kawastuhan sa paraang
maykalawakan at
kaganapan

Himig naipapahiwatig ang


kulay o kalikasan ng
damdamin
Himayin ang sanaysay ayon sa sumusunod.
Isulat ang sagot sa grapiko.

You might also like