You are on page 1of 3

ANO ANG PAGSASALAYSAY?

LAYUNIN:

a. Natutukoy ang kahulugan ng pagsasalaysay

b. Nakagagawa ng isang sulatin na pagsasalaysay gamit ang unang panauhan.

c. Napahahalagahan ang gamit ng pagsasalaysay.

PAGSASALAYSAY

Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay . Katulad ito ng pagkukuwento ng mga
kawili-wili na pangyayari, pasulat man o pasalita.

 Itinuturing na ang pagsasalaysay ang pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng


pagpapahayag.

 Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang
alamat, epiko at mga kwentong bayan.

Mga katangian ng pagsasalaysay

• May maganda at mabuting pamagat- nakakaakit sa mga mambabasa at makikinig

• May maganda at mabuting pamagat- maikli, May orihinalidad at di-karaniwan, hindi katawa-
tawa, lumilikha ng pananabik

• May mahalagang paksa o diwa- dapat kapulutan ng aral.

• Magiging mahalaga lamang ito kapag ito ay kapaki-pakinabang.

• Simula, Gitna, Wakas- may wasto o maayos na pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari.

• May kaakit-akit na simula- ang unang pangungusap ay dapat kaakit-akit o makalikha ng


pananabik upang makapili at magpatuloy.

• Kailangan sumunod agad sa kasukdulang pangyayari.

• Kasiya- siya ang wakas- dapat ang wakas ay nagbibigay impresyon sa isip ng babasa.

Pananaw sa pagsasalaysay
Unang Panauhan

-Ang nagsasalaysay o ang gumaganap sa kilos ng pagsasalaysay. Kadalasang ginagamit


ang salitang “AKO”

Ikalawang Panauhan

-Isang tagamasid na may limitadong akses ang nagsasalaysay. Tinutukoy niya ang mga
pangyayari batay sa nasaksihan.

Ikatlong Panauhan

-Kinikilala rin ito bilang “Omniscient Point of View” sapagkat taglay ng tagapagsalaysay
ang kapangyarihang matukoy ang damdamin at iniisip ng mga tauhan sa kanyang isinasalaysay

MAHAHALAGANG KASANGKAPAN SA PAGSULAT NG ISANG MAGANDANG SALAYSAY

Mahalagang kasangkapan sa pagsulat ng isang magandang salaysay:

• Ang tema
Ang tauhan

• Ang aksyon o pangyayari

• Ang tagpuan
Ang himig

• 1. Ang tema

• - Isang kongkretong panlahat na nagsasabi ng katotohanang galing sa karapatan at pinagtibay ng


pananaliksik. Ito ay hindi isang bagong tuklas na katotohanan kundi dati na at palaging
natutunghayan araw-araw.

• 2. Ang tauhan

• - Ito ang na-iisip at kumikilos sa kuwento kaya nagkakaroon ng mga pangyayari. Ang takbo ng
mga pangyayari ay nasusundan ng tagapagsalaysay sa pamamagitan ng tauhan.

• 3. Ang aksyon o pangyayari

• - Ito ang kalansay na kinakapitan ng iba pang mahahalagang sangkap para mabuo ang anyong
kalamnan. Kinakailangang ito ay maanyo at kawili-will.

• 4. Ang tagpuan
a. Nakapagpapakilala ng tauhan dahil sa mga gawaing kaiba at nakapagbibigay ng tiyak na
katibayan.
• b. Nagbibigay ng kapaligirang tumutulong sa klase ng emosyon gustong palutangin sa salaysay at
pukawin sa mambabasa.

• c. Isinasanib ang sariling kahulugan sa kahulugan ng salaysay para makamit ang kaisahan sa
kahulugan ng kabuuan.

• 5. Ang himig

• - Ito ang pamamaraan ng pagsasalaysay kung saan ang isang pangyayari ay lumalabas nang
naayon sa kagustuhang mangyari ng tagapagsalaysay at ang epektong gustong nyang
maramdaman ng tagapagpakinig o mambabasa.

Ano nga ba ang kahalagahan ng isang Pagsasalaysay?

You might also like