You are on page 1of 12

PAGSASALAY

SAY
Ang Pagsulat ng Kwento
•Ang maikling kwento ay isang halimbawa ng
pagsasalaysay.
•Ang pagsasalaysay ay isang uri ng
pagpapahayag na may layuning ikuwento ang
mga kawil na pangyayari na maaaring
pasalita o pasulat.
•Ito ay ang pinakagamitin sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan sa kapwa.
Ang pagsasalaysay ay maaaring
ibatay sa mga sumusunod:
•sariling karanasan
•nasaksihan o napanood
•napakinggan o nabalitaan
•nabasa
•likhang-isip
•Sa paglikha ng isang salaysay, ang
may-akda ay dapat na maging
malikhain at magtaglay ng malawak
na imahinasyon sa paglikha ng bisa ng
simula at wakas.
• Sa paglikha ng salaysay, ang
may-akda ay dapat na maging
malikhain at magtaglay ng
malawak na imahinasyon sa
paglikha ng bisa ng simula at
wakas.
MGA KATANGIANG DAPAT
TAGLAYIN NG ISANG
TALATANG
NAGSASALAYSAY NA
ISASAALANG-ALANG SA
PAGSUSULAT NG ISANG
MAIKLING KWENTO
• May maganda o mabuting pamagat - ito ay dapat
na maging maikli lamang, hindi katawa-katawa at
lumilikha ng pananabik.
• May mahalagang paksa o diwa – kinakailangang ito
ay kapupulutan ng aral at maging kapaki-
pakinabang sa babasa. Nagbibigay rin ito ng mga
bagong kaalaman sa mga babasa o makikinig o kaya
naman ay naiuugnay sa sariling karanasan o
kalagayan na makatutulong sa pag-unlad ng
kanilang pagkatao.
• May wasto o maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari – ang karaniwang pagsasalaysay ay
nag-uumpisa sa simula ng mga pangyayaring
sinusundan ng mga gitnang pangyayari at
pagkatapos ay wakas na pangyayari.
• May kaakit-akit na simula – ang unang
pangungusap ng salaysay ay dapat na makalikha ng
pananabik sa babasa o makikinig upang makuha
ang atensiyon at interes nito hanggang sa matapos
niya ang pagbabasa o pakikinig.
•May kasiya-siyang wakas
– kinakailangang ang wakas ay
nagkikintal o nag-iiwan ng isang
impresyon sa isip ng babasa upang
magkaraoon ito ng bisa.
Ang isang talatang nagsasalaysay ay dapat
magtaglay ng sumusunod na mga katangian
upang maging mabisa:
• Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng
kaisahan.
• Kinakailangang ito ay nagbibigay-diin sa mahahalagang
pangyayaring isinasalaysay.
• May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at buhay
ang mga pangyayari.
• May kasukdulan na siyang lumilikha ng pananabik sa
bumabasa o nakikinig.
Tatlong Uri ng Pananaw o Paningin sa Pagsasalaysay
• Dito mababatid kung sino ang naglalahad o nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa kuwento.
1. Unang Panauhang Pananaw (First Person Point of View) – ang naglalahad
o nagsasalaysay ng mga pangyayari ay gumagamit ng unang panauhan o
ng panghalip na panaong “ako”. Maaaring ang nagsasalaysay na
gumagamit ng “ako” ay isa sa mga tauhan ng kuwento o maaari ding ang
awtor o manunulat mismo.
2. Ikatlong Panauhang Pananaw (Third Person Point of View) – ang
tagapagsalaysay ng mga pangyayari ay gumagamit ng panghalip panaong
“siya”. Sa ganitong uri ng pananaw ay limitado lamang sa nakikita ng
tagapagsalaysay ang kanyang nailalahad. Hindi niya kasi mababasa ang
iniisip ng tauhan gayundin ang damdaming taglay ng mga ito.
3. Mala-Diyos na Pananaw (Omnipotent Point
of View) – ang tagapagsalaysay ng mga
pangyayari ay gumagamit din ng panghalip
panaong “siya o sila” subalit sa pagkakataong
ito, hindi lamang limitado ang kanyang
pagsasalaysay sa nakikitang panlabas na kilos ng
mga tauhan. Maaari din niyang mabasa ang
isipan at matukoy ang damdamin ng mga
tauhan.

You might also like