You are on page 1of 2

Ano ang anekdota?

Ito ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao. It


is a short tale of an amusing incident in the life of a person.

Ang anekdota ay isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang kawili-wling


insidente o pangyayari.

Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang magandang


karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.

Ang isang anekdota ay isang maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang mga
pangungusap lalung-lalo na ang pambungad na pangungusap ay maging
kapanapanabik. Ang isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mga
mambabasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng anekdota.

Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyang kahulugan
sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay ng kahulugan
sa ideyang nais ipadama.

Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa


kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di-dapat mag-iwan ito ng anumang
bahid ng pag-aalinlangan na may mga susunod pang mangyayari.

Halimbawa ng Anekdota

Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, naklilibang o


patalambuhay na pangyayari.

Heto ang isang halimbawa ng anekdota:

Isang mahirap na tao ang tumama ng suwipstik. Siya ay maysakit sa puso kaya’t ang
ahenteng binilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang balita nang
hindi aatakihin sa puso ang tumama.

Sa kanilang pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano ang magiging damdamin ng tao
kung malaman na ito ay tumama sa suwipistik.

Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Ang
ahente ang inatake sa puso.
Ano ang anekdota?

Ang anekdota ay isang maikli ngunit interesanteng storya ng isang nakatutuwang


pangyayari na kadalasang ginagamit upang suportahan o patunayan ang isang punto
ng diskusyon sa pamamagitan ng pagpapatawa sa mababasa o nakikinig.

Ano ang Anekdota


Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri:
kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga
ginagawa ng mga tao.

Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala sa iba’t ibang larangan ng buhay. Layunin
nito ang ipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota
ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay
bungang isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay.

Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula na rin, ngunit dahil
sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi mga tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng
anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan

You might also like