You are on page 1of 28

AFRICA AT

PERSIA

Mitolohiya
• Africa – ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa buong
mundo at pangalawa rin sa dami ng populasyon sa buong
mundo. Kahit na ganoon ang kulay ng mga Aprikano doon,
magalang sila at mabait ay may angking talino na
ipinagmamalaki. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o
bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga
estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng
ito.
• Ang Africa ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika.
Sa kanilang pahayag, sila ay namumuhay ng simple at
nagkakaisa upang umunlad ang kanilang interaksyon sa isa't
isa.
Estado ng kanilang pamumuhay
• Mahirap at simple lamang ang pamumuhay ng mga taga-Africa.
• May iilang lugar rin sa kanila na ang mga mamamayan ay hindi
nakapag-aral dahil sa hindi nabibigyan ng karapatan.
• Sila ay nakakaranas rin ng Rasismo dahil sa kulay ng kanilang balat.
• Ngunit, ganon paman may angkin silang tapang na lumaban para sa
kanilang lahi at sa kanilang pagkatao.
Kultura
• Ang kultura ng Aprika ay sumasaklaw at kinabibilangan ng lahat ng mga kultura na
nasa loob ng kontinente ng Aprika. Mayroong pagkakahating pampolitika at
panglahi sa pagitan ng Hilagang Aprika at ng Aprikang Subsaharano, na nahahati-
hati pa sa isang malaking bilang ng mga kulturang etniko. Sari-sari at masigla ang
mga kulturang Aprikano, at katulad ng karamihan ng iba pang mga kultura ng
mundo, naapektuhan ito ng mga puwersang panloob at panlabas.

• Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng iba"t ibang kultura ng aprika


• Ang Aprika ay mayaman din sa tradisyon ng sining at crafts.African sining at crafts
ay naipapakita sa isang iba't ibang mga woodcarvings, tanso at katad gawa ng
siningAfrican sining at crafts din isama sculpture, paintings, pottery, seremonyal at
relihiyosong gora at damit.
• Tulad ng lahat ng tao kultura, African alamat at relihiyon ay
kumakatawan sa isang iba't ibang mga social facets ng iba't-
ibang kultura sa Africa.
• Traditional Sub-Saharan African musika ay bilang
magkakaibang bilang iba't-ibang mga populasyon ng
rehiyonAng mga karaniwang pang-unawa ng Sub-Saharan
African musika ay na ito ay maindayog musika nakasentro sa
drums, at sa katunayan, ang isang malaking bahagi ng Sub-
Saharan musika, higit sa lahat sa pagitan ng mga nagsasalita
ng Niger-Congo at Nilo-Saharan wika, ay maindayog at
nakasentro sa ang drum
PERSIA
• PANINIWALA●
• Si Taurvi at si Zairicha

• Ibang-iba ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga


Persiyano. Nakakaloko mang isipin ngunit mayroong
mga pinaniniwalaang mitolohiya itong mga Persiyano.
Mayroon itong mga Persian Folklore at storya, kung
saan ito at kinapapalooban ng mga hindi
pangkaraniwang tao. Kung tutuusin, hindi talaga ito
kapanipaniwala. Ang aking magiting na kaibigan, si
Frederiko, ay naghanap ng mga sagot patungkol sa
mga misteryosong paniniwala na ito. Nagkaroon man
kami nang mga ideya ngunit walang sinuman ang
nagkwento tungkol rito. "Di nga?", iyon na din lamang
ang nasasabi ng aking mga kaibigan noong
ikunukwento ko ang tungkol sa mitolohiya nina Taurvi
at Zairicha. Ngunit hanga padin ako rito sa paniniwala
ng mga Persiyano pagkat ito ay kakaiba at iyon ang
bumubuo ng kanilang bansa ngayon.
KULTURA
• Ang kultura ng bansang Persia na ngayo'y tinatawag na
Iran ay isa sa pinakaluma at pinakatanyag na bansa na
may maraming kilalang kultura pagdating sa Gitnang
Silangan o Middle East. Ito ang may pinakamayamang
pamana ng sining sa kasaysayan ng mundo at
sumasaklaw ng maraming mga disiplina kabilang na
ang arkitektura, pagpipinta, habi, kaligrapiya at iba
pang kontemporaryong sining.
• Simpleng pamumuhay ng mga taga-Persia at sinauna o
lumang gusali ang makikita dito ngunit ito'y isa sa
pinakasikat na obra ni Abbas Rostamian sa larangan ng
sining na umani ng maraming papuri at naging daan upang
mas makilala pa si Master Abbas. Karaniwang naka base ang
kanyang mga obra sa kultura ng kanyang pinagmulang bansa,
ang Persia, katulad ng mga sinaunang gusali at
imprastuktura.
• Zoroastrianismo ang relihiyon sa bansang Persia, ito'y
batay sa mga katarungan ng propetang si Zoroaster. Ito ay
itinatag noong mga panahong bago ang ika-6 siglo BCE sa
silangang bahagi ng Persia. Sinasabi sa relihiyong ito na
ang kabutihan at kasamaan ay may dalawang mga
natatanging pinagmumulan na ang masama ay sumusubok
na wasakin ang nikiha ni Mazda (asha) at ang mabuti ay
sumusubok na panatilihin ito. Sapagkat ito ay kalaunang
itinuring na mababa ng relihiyong Islam mula pa sa
ikapitong siglo CE.
• Mayroong dalawang yugto ang tipikal na kasal sa bansang Persia. Ang
unang yugto ay ang "Aghd" kung saan and dalawang bagong kasal
kasama ang kanilang mga magulang ay pipirma ng 'marriage contract'
ngunit ito'y ginaganap sa bahay ng babaeng asawa. Pagkatapos nito ay
ang iklawang yugto naman na kilala bilang "Jashn-e Aroosi". Dito
naman magaganap ang pagtanggap sa kasal o wedding reception kung
saan ito'y nagtatapos mula sa ikatlo hanggang pitong araw ng
reception.

Karpet
• Ito'y naging bahagi na ng kultura ng Persia. Ang mga taga-Persia ay isa
sa mga taong unang naghabi ng mga karpet sa kasaysayan. Nagsimula
ito bilang pangunahing pangangailangan ng mga taong tinatawag na
'nomads'. Nagsilbi itong panlatag upang ang taong gumagamit nito ay
hindi malamigan sapagkat ito'y nakalatag sa sahig. Subalit sa paglipas
ng panahon, ang kagandahan ng mga karpet na ito ay naging kilala at
kalaunang naging pangdisenyo. Ito'y medyo may kamahalan sa ngayon
ngunit patuloy pa rin ang paghahabi at pagbebenta ng mga ito.

Pagkain
• Ang mga pagkain dito ay isa sa mga sinaunang pagkain sa buong
mundo. Ang tinapay na isa sa pinakaimportanteng pagkain dito sa
Persia sapagkat marami kang mapagpipilian mula sa iba't ibang uri ng
tinapay. Ito'y niluluto sa mga malalaking 'clay ovens o tuners'. Kasama
pa dito ang iba't ibang 'dairy products' na kadalasang ginagawang
sabaw ng mga taga dito.

Mga Kababaihan
• Simula ng rebolusyon noong 1979, ang mga kababaihan ay mayroon na ng mga
oportunidad sa iba't ibang larangan. Naging malaking bahagi ng rebolusyong ito ang
partisipasyon ng mga kababaihan sa mga demonstrasyon upang tuluyang iwaksi ang
monarkiya. At dahil dito, nagkaroon ng tiwala sa sarili ang mga kababaihan at
nagbigay ng oportunidad upang makapag-aral pa ng mas mataas na antas sa larangan
ng edukasyon. Kaya naman, dahil dito nagsimula na rin silang iluklok sa iba't-ibang
posisyon sa kanilang gobyerno.

Ang pagkakaroon ng kultura ng isang bansa ay nagsisilbing importanteng bahagi ng


pagkakakilanlan sa isang bansa. Kaya naman, ay dapat nating pagyamanin pa ang mga
kulturang meron tayo upang sa gayo'y hindi ito malimutan ng susunod pang mga
henerasyon sapagkat ito'y mananatili sa ating puso at isipan.
• Sa kabila nito, nakaa-aliw at nakalilibang ang panitikan
ng Africa. Ito'y binubuo ng iba't-ibang genre, pasalita
man o pasulat na gamit.
• Napapabilang sa kanilang oral literature ang kuwento,
dula, bugtong, kasaysayan, mito, awit, at salawikain na
nagtuturo at nakalilibang sa mga bata.
• Taliwas sa nakasanayan natin, ang nagsasalaysay ay
gumagamit ng call-response technique sa nga
tagapakinig.
• Ang griot (praise singer) ay nagsasalaysay naman
kasabay ng saliw ng musika. Sa tingin ko nakakaantig
sa pakiramdam ang musika ng aprika dahil sa bawat
musika na ipinapatugtog nila ay sinasabayan naman

Literatura nila ito ng sayaw.


• Sa larangan naman ng tanawin, isa sa mga pinakasikat na
lugar sa Aprika ay ang Sahara Desert. Bagaman isang tigan na
pook, mahalagang tulay ito sa Mediterranean at sa bahaging
Timog Africa. Tinatawid ng mga tao ang kalawakan ng disyerto
gamit ang mga camel. Ayon sa mga tao na tumtungo sa
disyerto ay kahit na matindi ang init doon ay may pantawid
naman sila ng uhaw at gutom. Hindi ko akalain na ganito
katatag ang mga Aprikano doon at ganito sila katapang sa
disyerto.
• Ang Persia o mas kilala na bilang Iran sa kasalukuyan ay isa sa
may pinakamatandang panitikan sa daigdig. Ang panitikan ng
Persia ay sumasalamin sa isang maluwalhating kultura at
sibilisasyon, pinalamutian ng mga hiyas ng karunungan, sining
at imahinasyon ng mga persyano sa paglipas ng maraming
siglo. Ito ay isa sa mga pinakalumang literatura sa buong
mundo. Maliban sa mainit at maumidong mga baybaying lupain
ng Gulpo ng Persia, ang lupain ay pangunahin nang binubuo ng
timugang bahagi ng baku-bakong Kabundukan ng Zagros, na
may pagi-pagitang mahahaba at matatabang libis na may
magubat na mga dalisdis.
• Magigiting na mandirigma ang mga Persiano at matatalino ring
mga pinuno. Walang takda ang kanilang kapangyarihan.
Taliwas sa ibang hari, lalo na mga Assyrian, makatarungan at
tapat sa pakikitungo sa mga tao ang mga haring Persiano.
Makatarungan ang mga batas nito tungkol sa pagbubuwis.
Naging bantog ang kabutihan ni Cyrus dahil sa kanyang
prinsipyo na dapat maging pantay sa lahat ng tao ang batas.
• Ang mga akda ng Africa at Iran ay nagdala ng kakaibang pagbabago
sa mundo ng panitikan. Isa sa mga naiambag ng dalawang bansa ay
ang kanilang mga mahuhusay at malikhaing manunulat na
nagpapakilala sa kanilang paniniwalang Sufism kung saan ang isang
indibidwal ay napapaunlad sa pamamagitan ng kanyang pandama. Ang
kawastuhan at katapatan sa pagsulat ay isa rin sa mga naibahagi ng
mga bansang ito sa mundo ng panitikan lalo na sa larangan ng
pilosopiya at paniniwala. Naniniwala ako na marami pa ang
maiaambag ng Aprika at Persia sa mundo sa larangan ng panitikan.
Naniniwala rin ako na uunlad ang bansang pinagmulan ng mga
Aprikano at sisikat ang kanilang angking galing at diskarte.

You might also like