You are on page 1of 2

Speech :

Mula sa kagawaran ng Edukasyon sa Lungsod ng Silay. Ang paaralang Dona A JMMNHS kasama ang
Komisyon sa wikang Filipino ay nakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa taong
2021 na may TEmang : Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga
Pilipino.” Ang layunin ng pagdiriwang ay iwaksi ang kolonyal na kaisipan at pagyamanin ang wikang
Filipino at wikang katutubo upang mabuhay totoong tatak nating pagkaPilipino.
Mabuhay ang WIKANG FILIPINO at mga katutubong wika sa PILIPINAS!

Narito ang ilang mensahe mula sa kapwa ko mga guro sa pakikiisa sa programa.

Kami nga mga Ilonggo, kilala kami kuno nga malolo maghambal bisan akig na , Parehos sini “ Langga,
Madakpan taka, Andaman mo lang kay sumbagon tagid ka karon”. “ aragay kasakit! -

Ang pagkamalumanay namin sa pagsasalita ay tatak naming mga Ilonggo. Kung kaya’t nakikilala kami
saan mang dako sa Pilipinas.
Isang mapagpalang -Umaga sa inyong Lahat. Ako po si Gng. Dionisio Y. Soguilon – Punong Guro ng
Paaralang Sekondarya ng Doña Angeles J. Montinola Memorial National High School ay nakikiisa sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto dalawang libo dalawang put isa. Na may
Temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Ibunyi ang Wika Filipino ! Mabuhay ka Pilipino. – Dionisio Y. Soguilon

Mabuhay ka Pilipino at ang Kalayaan ay nakamtan!

Bilang pag-alala sa Kalayaan nakamtan nating mga Pilipino, mula sa Departamento ng Araling
Panlipunan Ako po si Gng. May Ann M. Franco guro sa Mababang Paaralang Sekondarya ng
Dona Angeles J. Montinola Mem. National High School ay nakikibahagi sa pagdiriwang ng
Buwan ng Kasaysayan na may Temang “ Celebrating #VictoryAndHumanity”, ngayon buwan ng
Agosto alinsunod sa Proklamasyon Blg 339.

Sa pagdiriwang na ito kinikilala ang ginampanan ng ating mga ninuno sa pagkamit ng tagumpay
at pagpapatingkad ng ating pagka-Pilipino limangdaang taong na ang nakalipas na patuloy pa rin
nagbibigay-inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon.

Panalo ka Pilipino ! – May Ann M. Franco

Sa muli, mula sa aming mga guro kami po ay nakikibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng wikang
Pambansa. Maraming Salamat. Mabuhay ka Filipino! - Teachers.

You might also like