You are on page 1of 49

Layunin:

• Mahinuha kung bakit itinuturing na bayani


sa kanilang lugar at kapanahunan ang mga
tauhan sa akda.
• Maibigay ang sariling interpretasyon kung
bakit ang mga suliranin ay ipinaranas ng
may-akda sa pangunahing tauhan sa
epiko.
• Mabigyang puna ang bisa ng paggamit ng
mga salitang may matinding damdamin
• Masuri kung bakit nangangailangan ng
isang bayani
• Makabuo ng isang paglalarawan ng
kabayanihan sa pamamagitan ng isang
poster/islogan
Suriin ang patalastas at
suriin ang konsepto o
karakter ng isang bayani
sa naturang patalastas.
Pagsusuri sa pinanood
1. Paano naipakita ng pangunahing tauhan sa
komersyal ang kabayanihan?
2. Paano masasabi na ito’y kabayanihan?
3. Ano-ano ang iba’t ibang porma ng
kabayanihan?
4. Aling bahagi ang nakapagbigay ng
inspirasyon sayo? Bakit?
5. Paano ka magiging bayani sa iyong sariling
paraan?
• Hadlang ba ang suliranin
upang gumawa ng
kabayanihan? Bakit?
Ang epiko ni Aeneas ay isang epiko ng
mga Romano na naisulat sa pagitan ng 29
at 19 BC. Nagsasalaysay ito ng kuwento ni
Aeneas na makipagsapalaran patungong
Italya at kinilala bilang bayani ng mga
Romano. Nakilala na rin ang karakter ni
Aeneas bilang bahagi ng mitolohiyang Illad.
Ang Epiko ni Aeneas
Epiko ng mga Sinaunang Romano
Muling pagkukuwento ni Evangeline Alvarez-Encabo
Ano ang pinaniniwalaang
tadhana ni Aeneas?
Ano-ano ang maituturing na
hadlang sa pagtupad ni
Aeneas sa kaniyang tadhana?
Paano ipinakikita sa epiko
ang impluwensya ng
tinatawag na tadhana sa
mga tauhan mo?
Anong ugali mayroon si
Aeneas bilang isang tauhan
sa kwento?
Bakit pinamagatang
“Ang Epiko ni Aeneas”
ang akda?
Paano natin maiuugnay sa
realidad ng buhay ang naganap
kay Aeneas?
Tunay nga kayang mahirap ang
pagdadaanan natin bago
magtagumpay?
Paano natin
maisasabuhay ang
mga paglalakbay ni
Aeneas?
Suriin ang karakter ni
Dido, ano ang nagtulak
sa kanya upang kitlin ang
kanyang buhay?
Paano natin
maisasabuhay ang
mga paglalakbay ni
Aeneas?
Bagamat maraming naging
pagsubok ang napagdaanan
ni Aeneas ay
napagtagumpayan niya na
matagpuan at makapagtayo
ng bagong lungsod sa Italya.
Ano ang mga nagiging
hadlang upang
marating tao ang
kanyang hangarin?
Laging tandaan:
Anumang bagay na nais
nating pagtagumpayan ay
kailangan nating
paghirapan.
Batay sa nilalaman ng awit na
“Panday”
1. Bakit itinuturing na
bayani si Panday sa
kanilang lugar?
2. Bakit nangangailangan
ng isang bayani noong
panahong iyon?
3. Ano ang pagkakatulad
ng kuwento ni Panday
sa kuwento ni
Aeneas?
• Sino-sino ang matatawag na
mahahalagang tauhan sa epiko
maliban kay Aeneas?
• Paano nagsisilbing malaking
elemento ang mga diyos, hari at
reyna sa daloy ng naturang epiko?
• Bakit madalas tinatalakay ang
pakikipagdigmaan sa akda?
• Ano ang pinakamahalagang
mensahe ng epiko?
EPIKO
(Kahulugan at mga Salik)
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko ay galing sa tradisyong oral,
ang epiko ay isang mahabang naratibo
tungkol sa pakikipagsapalaran at
tagumpay ng isang bida. Mula sa
mahabang panahon ng pagsasaling-bibig
nito sa iba’t ibang henerasyon isusulat ito
upang mapreserba ang kaakibat na
kalinangan at kasaysayan ng epiko.
Mahahalagang Salik
ng Epiko
1.Bayani
Bakit ipinararanas
ang suliranin sa isang
bayani?
2. Tagpuan
3. Diyos at Diyosa at iba
pang mga
Makapangyarihang
Nilalang
Ano ang nagiging
tungkulin ng mga diyos at
diyosa sa isang epiko?
4. Kalinangan at
Kasaysayan
Anong kasaysayan ang
mababakas sa epikong
binasa?
5. Mahahabang tula
Ang Kapalaran para
sa mga Pilipino
Sino rito ang naniniwala sa
mga horoscope?
Naniniwala ka ba na ito
ang magiging takbo ng
buhay ng tao?
• Tulad ng mga bayani sa isang epiko,
ang mga OFW na itinuring nating mga
bagong bayani ay naniniwalang may
magandang kapalarang naghihintay sa
kanila sa ibang bansa kung kaya
kinakailangang iwan nila ang kanilang
sariling bayan upang
makipagsapalaran.
• Tulad ng mga tauhan sa “Epiko ni Aeneas”,
naniniwala pa rin ang mga Pilipino sa
kapalaran. Marami pa rin ang may pananaw
na nakaguhit na o itinadhana na ang kanilang
bukas. Iba-iba ang paraan ng
pakikipagsapalarang sinusuong ng mga
Pilipino upang madiskubre kung ano ang
nakatadhana para sa kanila.
• Sa huli, tulad parin ng mga bayani sa
epiko, bumabalik pa rin sa bayang
tinubuan ang mga kababayan nating
OFW.
Ikaw naniniwala ka ba sa tadhana?
Naniniwala ka bang nakaguhit na sa
iyong kamay ang iyong kapalaran?
• Ano sa tingin mo ang iyong
kapalaran?
• Naniniwala ka ba na ang tao
ang gumagawa ng sariling
kapalaran o sadyang nakaguhit
na sa iyong palad ang iyong
kapalaran?
Laging tandaan:
Ang kapalaran ng tao ay
nakasalalay sa kanyang mga kamay.
Ang kasalukuyan ay paghahanda
para sa darating na hinaharap.
Kung hindi ka kikilos
ngayon, kailan pa?
Anong pelikulang
napanood o librong
nabasa ang hindi
mo malilimutan?
Hinahangad mo rin
ba na ang iyong
napanood o nabasa
ay ibahagi sa iba?
Mga Salitang
Pangtransisyon
• Ang mga salitang pantransisyon ay mga
pang-ugnay na nakatutulong sa maayos
at malinaw na paglalahad ng pagbabago
ng ideya, pagkakasunod-sunod ng
pangyayari, pagpapakita ng dahilan at
epekto, pagbibigay-pokus sa panahon at
lugar ng pangyayari, at paglalahad ng
pagkakatulad at pagkakaiba.
• Maraming uri ng mga salitang
pantransisyon at ang bawat isa ay
gumagabay sa mga sariling mambabasa
upang maunawaan ang takbo ng mga
pangyayari, makabuo ng sariling
kaalaman o kaya nama’y
makapaghambing ng mga ideya, o
makabuo ng konklusyon mula sa mga
nalaman.
Narito ang ilan sa mga salitang
pantransisyon na naghuhudyat sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari:
Bago Nauna rito Ngayon Susunod
Sa simula Pagkatapos Noon Sa huli
Sa katapusan Nang malaon Noon pa man Sumunod
Hanggang Hindi nagtagal Habang Sa kasalukuyan
Mula Kinagabihan/ki Kinabukasan Makalipas
naumagahan
Una/pangala Kasunod nito kinalauanan Sa wakas
wa/pangatlo,
at iba pa

You might also like