You are on page 1of 6

Ang Epiko ni Aeneas

Sa pagwawakas ng Digmaang
Trohano, pagkaraan ng pagtakas ni
Aeneas mula sa Troyang nawasak ng
mga Griyego, at pagkalipas ng
maraming ulit na kabiguan sa
pagtatatag ng panibagong Troya sa
ibang mga pook, narating ng
kaniyang barko ang Hilagang Aprika,
kung saan tinanggap sila ni Reyna
Dido (o Didon) ng Cartago.
Napaibig si Dido kay Aeneas ngunit naging
sagabal ang mga diyos, sapagkat nakatalaga ang
kapalaran ni Aeneas na maglakbay papuntang
Italya, kung saan ang mga inanak ng lahi niya
ang siyang magtatatag ng bayang Romano.
Nagpatiwakal si Dido dahil sa kabiguang ito sa
pag-ibig. Naglakbay sa Dagat Mediteraneo si
Aeneas at ang kaniyang mga kasama hanggang
sa marating nila ang Cumae, Italya, kung saan
nakatagpo niya ang isang babaeng propetang,
isang sybil.
Habang pinapatnubayan ng babaeng propeta,
narating ni Aeneas ang mundong pang-ilalim
kung saan nakasalamuha ni Aeneas ang mga
kaluluwa ng kaniyang amang si Anchises
(bagaman nasagip mula sa Troya, binawian na
rin ng ito ng buhay sa kalaunan) at ang mga
kaluluwa ng hinaharap na naghihintay lamang
sa panahon ng kanilang mga pagsilang,
kabilang ang emperador na si Augustus, isang
kaibigan ng umakda sa Aeneis (si Vergil).
Sa pagkakatong ito sinabi ni Anchises kay
Aeneas na si Aeneas nga mismo ang
maglulunsad ng isang lungsod sa gitnang
Italya, at ang mga magiging inaanak nito
ang magiging mga tagapagtatag at mga
mamamayan ng Roma. Sa huling anim na
aklat ng Aeneis, nilahad ang tungkol sa
pamayanang Troyano ni Aeneas sa Italya,
at ang pakikipaglabanan ng mga ito laban
sa ilang mga katutubong Italyano.
Nagwakas ang akdang tula sa
pagtutunggali ni Aeneas at ni
Turnis, ang pangunahing kaaway
ni Aeneas. Napatay si Turnus,
kapalit ng tiyak na pananagumpay
ni Aeneas

You might also like