You are on page 1of 31

Fall Background

Here is where your presentation begins

Aeneid
Virgil
Nilalaman ng Aralin

1.Talas-Salitaan
2.Virgil
3.Mga Tauhan
4.Aeneid
Talas-Salitaan
Baybayin
- anyo ng lupang mabuhangin na
katabi ng dagat.
Tarangkahan
- malakíng pinto sa gawing harap
ng bakuran, kuta, o palasyo.
Nagapi
- Nadaig, nalupig, natalo
Nagpabatid
- Naunawaan, nalaman
Si Publius Vergilius Maro
Virgil (Oktubre 15, 70 BKE–19
BKE) ay isang sinaunang
makatang Romano ng
Panahong Augustan. Kilalá
siya dahil sa kaniyang
tatlong pangunahing akda sa
panitikang Latin, ang
Eclogues (o Buocolics), ang
Georgics, at ang epikong
Aeneid.
Mga Tauhan
Aeneas /e-ni-yas/
- isang bayani ng Troy, anak ni
Prinsipe Anchises at ng
diyosang si Venus. Pinsan din
siya ni Haring Priam ng Troy.
Nakatala ang paglalakbay ni
Aeneas mula Troy, na nauwi sa
pagkatatag ng lungsod na
magiging Roma.
Mga Tauhan

Dido
- reyna ng Carthage.
Umibig kay Aeneas na
nagbunsod sa
pagnanais niyang
magpakasal dito.
Mga Tauhan

Anchises
- Ama ni Aeneas at
isang mortal na
inibig ng diyosang
si Venus.
Mga Tauhan

Haring Priam
- Hari ng Troy,
pinsan ni Aeneas.
Ama ni Hector at
Paris.
Mga Tauhan

Cupido
- diyos ng pag-ibig
(Roma). Pumana
kay Dido para
umibig kay Aeneas.
Mga Tauhan
Juno
- reyna ng mga diyos at
diyosa (Roma).
Nagutos kay Cupido
na panain si Dido
upang ito’y umibig kay
Aenas.
Mga Tauhan
Jupiter
- Hari ng mga diyos at
diyosa (Roma).
Nagutos may Mercury
upang ipaalala sa
kaniya ang kaniyang
kapalaran.
Mga Tauhan
Mercury
-mensahero ng mga diyos
(Roma). Nagpaalala kay
Aeneas upang ipagpatuloy
ang paglalayag sa dagat
Mediteraneo.
Mga Tauhan

Haring Latinus
- Pinuno ng tribong
Latin.
Mga Tauhan

Lavinia
-anak na babae ni
haring Latinus.
Napangasawa ni
Aeneas.
Mga Tauhan

Turnus
- Hari ng tribong
Rutili. Anak ni
Daunus at ng nymph
na si Venilia.
Fall Background
Here is where your presentation begins

Aeneid
Virgil
Napadpad si Aeneas at ang
kaniyang mga sundalo sa isang
di-pamilyar na baybayin na
bahagi pala ng Cartahge, isang
maunlad na sinaunang
lungsod. Dinala siya at
iniharap kay Dido, ang reyna
ng Cartahge. Ikinuwento ni
Aeneas sa reyna ang
pagbagsak ng Troy.
Ayon kay Aeneas, isang
malaking kabayong gawa sa
kahoy ang nakita nila sa
baybayin ng Troy. Ipinasok nila
ito sa kanilang bayan bilang
paalala ng kanilang
pagkapanalo laban sa mga
Griyego. Nagbabala ang punong
pari na huwag itong gawin
ngunit hindi nakinig sa kaniya si
haring Priam
Kinagabihan, lumabas
ang mga Griyego mula
sa kabayong kahoy at
binuksan ang mga
tarangkahan ng bayan
upang papasukin ang
kanilang mga
kasamahan.
Pinuksa ng mga Griyego ang
bayan at pinatay si haring Priam.
Nakatakas si Aeneas at ang
kaniyang ama at anak, ngunit
naiwan ang asawa ni Aenas. Nang
balikan niya ito, ang natagpuan
lamang niya ay ang kaluluwa nito
na nagpabatid sa kaniya ng
kaniyang kapalaran na magtatayo
siya ng isang dakilang bayan sa
kanluran at magkakaroon ng
bagong kabiyak.
Nang patapos na ang kaniyang
pagsasalaysay, tinamaan si Dido
ng pana ni Cupido at napaibig
ang reyna sa kaniya. Pakana ito
ni Juno upang hindi lisanin ni
Aeneas ang Carthage. Tutol si
Juno na maitatag ang Roma
dahil makakadigma at
mawawasak nito ang Carthage
na isang lungsod na mahal niya.
Ipinadala ni Jupiter ang
kaniyang mensaherong si
Mercury upang ipaalaala
kay Aeneas ang paglalayag
sa dagat Mediteraneo upang
hanapin ang bayang hahalili
sa Troy. Nagpakamatay si
Dido dahil sa pagkabigo sa
pag-ibig kay Aeneas.
Nakarating sina Aeneas sa
Cumae. Sinamahan si Aeneas ng
isang babaylan ni Apollo sa
kabilang buhay. Doon nakita
niya ang kaluluwa ni Dido na
nagdurugo parin ang puso at
hindi nangungusap, gayon din
ang kaniyang amang si Anchises
na nagpahiwatig sa kadakilaan
ng Roma sa hinaharap.
Aniya, isang kaapo-apuhan
niya, si Romulus, ang
magtatatag ng Roma.
Maaabot nito ang Gintong
Panahon sa pamumuno ng
isang Cesar na kaapo-apuhan
din niya. Bumangon si Aeneas
mula sa kabilang buhay na
batid ang kaniyang
mahalagang misyon.
Sa paanyaya ni haring Latinus, at sa
pagsang-ayon ng mga diyos,
nanahan si Aeneas sa Lacio, isang
rehiyon sa kanlurang Italya.
Sinimulang ligawan ni Aeneas ang
anak ni Latinus na si Lavinia.
Gayumpaman, iniibig din ang dalaga
ni Turnus, ang hari ng tribong Rutili.
Ang pagtutunggaliang ito sa pag-ibig
ay pakana na naman ni Juno upang
hindi maitayo ang Roma.
Sa huli, pinakasalan ni Aeneas si
Lavinia na nagbunsod naman kay
Turnus upang makipagdigma.
Mas marami ang mga Rutili
kaysa sa mga Latino at taga-
Troy. Dahil dito, humingi si
Aeneas ng tulong sa mga Toscano
at mga Arcadio sa pakikilaban.
Nagapi ang mga Rutili, pinatay
ng nagngangalit na si Aeneas ang
sugatang si Turnus.
Palalimin ang Pag-unawa
1. Anong patibong ang inihanda ng mga Griyego laban sa mga taga
Troy?
2. Paano sinalakay ng mga Griyego ang Troy? Paano nawasak ng
mga kalaban ang Troy?
3. Ano ang sinasabing mabuting kapalaran ni Aeneas? Papaano niya
ito tinupad?
4. Paano tinangkang pigilan ni Juno ang pagtupad ni Aeneas sa
kaniyang kapalaran?
5. Paano mo ito ihahambing sa ating lokal na epiko na napag-aralan
mo sa baitang 7?

You might also like