You are on page 1of 24

Kaligirang

Pangkasaysayan
ng Maikling
Kuwento sa
Daigdig
Nilalaman ng Aralin
01 Panimula

02 Mga Kilalang Mangangatha sa Daigdig

03 Pagkasilang ng Maikling Kuwento

04 Ang mga Panghalip bilang Panuring sa mga


Tauhan
Panimula
Mauugat ang pag-unlad ng maikling kuwento
bilang genre ng panitikan sa matandang
salaysayin. Dahil wala pang konsepto ng
propesyonal na manunulat noong unang
panahon, karamihan ng matatandang
salaysayin ay nasa tradisyunal na pasalita.
Panimula
Halimbawa nito ang alamat, ang pabula, ang
kuwentong –bayan, ang mito, at ang epiko.
Ang mga sumusunod na indibidwal ay ang
mga kilalang mangangatha o manunulat sa
daigdig:
Home
r
Kumatha ng Iliad at
Odyssey.
Ovid
Isang Romano na
kumatha ng mga
kuwentong ibinatay sa
mitolohiyang Griyego,
ang Metamorphosis.
Aesop
Pinagkakautangan
ng mga unang
pabula sa daigdig.
Geoffrey Chauser

Isang manunulat na
Ingles. Sumulat ng
Canterbury Tales,
isang kalipunan ng
mga kuwento mula
1387-1400.
Giovanni
Boccaccio
Sumulat ng Decameron.
Itinuturing na nagpasimula
ng maikling kuwento sa
wikang Italyano.
Washington Irving
Kinilala bilang unang
Amerikano ng panitik.
Naging bantog sa
pagsulat ng The Legend
of the Sleepy Hollow at Rip
Van Winkle.
Pagkasilang ng
Maikling Kuwento
Isinilang bilang lehitimong genre
ng panitikan ang maikling
kuwento noong ika-19 na siglo
bilang bunga ng edukasyon at
pag-usbong ng mga magasin at
pahayagan.
William Boyd
May-akda ng “A
History of Short
Story”, isang
online na
artikulo.
William Boyd
Ayon sa kaniya, mauugat ang
maituturing na unang
maikling kuwento kay Walter
Scott ng United Kingdom, sa
kaniyang The Two Drovers
na inilimbag noong 1827 sa
Canongate.
Edgar Alan
Poe
Unang nagsuri ng
pagkakaiba ng maikling
kuwento at nobela. Nakita
niya na may tatlong
katangian ang isang
maikling kuwento.
Tatlong katangian ng
Maikling Kuwento

1. Maikli lamang at natatapos


basahin sa isang upuan.
2. May buong banghay ukol sa
pangunahing tauhan.
3. Nagiiwan ng isang kakintalan
o impresyon.
Anton Cheklov
Itinuturing na “pinaka
mahusay na manunulat
ng maikling kuwento”
sapagkat binagi niya ang
naratibo nito.
Anton Cheklov
Ang maikling kuwento niya ay
karaniwang nagpapakita ng
pagdurusa ng tao gaano man
siya kabuti. Lagi ring
nakatatagpo ng kamalasan sa
buhay ang kaniyang tauhan.
Samakatuwid, ang mga maikling
kuwento ay kasasalaminan ng mga
pangyayaring totoo sa buhay ng tao,
magagandang pangyayari man ang
mga ito o kasawiampalad.
Ang mga Panghalip bilang Panuring sa
mga Tauhan

Panghalip Panao
– mga salitang humahalili o
pumapalit sa mga
pangngalan ng tao.
Ang mga Panghalip bilang Panuring sa
mga Tauhan
Mga Paraan ng Paggamit ng Panghalip
bilang Panuring sa Tauhan

1. Anapora – kung sa isang pangungusap o


teksto ay nauuna ang pangngalan.
Sumusunod naman ang panghalip upang
maiwasan ang pag-uulitng katulad na
pangngalan.
Ang mga Panghalip bilang Panuring sa
mga Tauhan
Halimbawa:
a.Si Barnabas (pangngalan) ay nagtatanghal upang
mabuhay. Siya (panghalip) ay nagsisikap sa halip
na gumawa ng masama.
b.Ang mga monghe (pangngalan) ay naglalaan ng
kanilang talento sa Diyos. Sila (panghalip) ay
naglilingkod sa Panginoon sa pag-aalay ng
kanilang mga sarili.
Ang mga Panghalip bilang Panuring sa
mga Tauhan
Mga Paraan ng Paggamit ng Panghalip bilang
Panuring sa Tauhan

2. Katapora – kung sa isang pangungusap o teksto


ay ay nauuna ang panghalip. Sumusunod naman
ang pangngalang hinahalinhan. Sa pagsasama ng
dalawa, naiiwasan ang paulit-ulit na paggamit sa
katulad na pangngalan.
Ang mga Panghalip bilang Panuring sa
mga Tauhan
Halimbawa:
a.Ito (panghalip) ay dumaranas din ng hirap. May
mga mamamayan ding walang trabaho at
nagugutom sa France (pangngalan).

b.Sila (panghalip) ay dumapa nang makita ang Mahal


na Birhen. Agad-agad nagbigay-galang ang
mga monghe (pangngalan).

You might also like