You are on page 1of 13

Elizabeth Seton School

S.Y. 2017- 2018


FILIPINO 10

TAKDANG ARALIN SA
FILIPINO UKOL SA
PANITIKAN NG MUNDO AT
PANDIWA

Isinumite ni:
Eugene Spencer C. Lopez

Guro:
G. Argel Joseph A Bernardino
Eugene Spencer C. Lopez 10 LDS

Filipino

Panitikan
Ito ay ang koleksiyon ng ibatt ibang mga pangarap, paniniwala, damdamin, at ideya ng
tao na maaaring isulat sa paraang tuluyan at maaari ring patula. Ito ay nagmula sa salitang pang-
titik-an na kung saan ang titik ay nangangahuluhang literatura.
May ibat ibang uri ng panitikan ang mundo at kadalasay nahahati ito base sa kung saan
ito nagmula. Kung ating pagsasamasamahin ang lahat ng panitikan ng mundo ay mabubuo natin
ang panitikan ng daigdig.

Katangian ng Panitikang Daigdig


Ito ay isang malawak na pag-aaral ng maraming uri ng panitikan na nagmula pa sa ibat
ibang bansa ng mundo. Para maituring na parte ng panitikang daigdig ang isang panitikan dapat
ito ay nangungusap hindi lamang sa kalahi ng may-akda kundi pati na rin sa mga taong mula ibang
lahi ().

Pagkakahati ng panitikan ng daigdig


Ang Panikitikang pandaigdig ay isang malawak na pag-aaral ng iba't-ibang pantikian mula
sa iba't ibang lugar ng mundo. Mga halimbawa nito ay ang mga likha ni Shakespeare, Harper Lee,
Leo Tolstoy, George Orwell, at iba pang kilala at di kilalang awtor. Ilan sa mga pagkakahati nito
ay ang panitikang
Panitikang Arabe
Ang panitikang Arabe ay nakasulat sa salitang Arabic. Puno ang panitikan nito ng mga liriko,
kasabihan, elehiya, talambuhay, at kasaysayan. Isa sa mga kasapi ng panitikang ito ay ang
panitikan ng Palestina na kung saan ang pinakapaksa ng kanilang panitikan ay ang pagkawala ng
lupain at karaniwang tungkol din sa politika.
Panitikang Aprikano
Ang tatlong pangunahing wika nila ay ang Ingles, Portuges, at French na nagpapahiwatig
na ang kanilang panitikan ay maaaring nakasulat sa alin man sa mga salitang ito. Dagdag pa rito
ang ilan sa mga katutubong salita na mayroon sila. Ilan sa mga kilalang makata ng Aprika ay si
Phillis Wheatley at si Olaudah Equiano.
Panitikang Amerikano
Ang Panitikang Amerikano ay nag-uumpisa bilang nakakawing sa mas malawak na
tradisyon ng panitikang Ingles. Subalit ang natatanging mga katangiang Amerikano at ang lawak
ng produksiyon nito ang karaniwang nakapagsasanhi upang ituring ito bilang isang nakahiwalay
na daan at tradisyon.
Ilan sa pinakamaagang mga anyo ng panitikang Amerikano ay mga pampleto o mga
sulating pumupuri sa benepisyo ng mga kolonya kapwa sa madlang Europeo at kolonista. Naging
paksa ang mga alitang pampananampalataya na naging nagbigay ng dahilan sa pagkakaroon ng
maliliit na mga pamayanan sa Amerika na may ibat ibang pananampalataya.
Nasa ilalim din ng panitikang ito ang panitikang Karibe.

Panitikang Asyano
Ang panitikan ay minanang hiyas na nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa atin sa ibaibang
kultura ng bansa sa daigdig. Sa bawat pahina ng panahong nagdaan, nabubuksan din ang ating
kamalayan at pag-unawa sa natatanging kontribusyon ng Panitikang Asyano sa daigdig ng mga
alamat, maikling kuwento, sanaysay, dula, tula, pabula, at iba pa.
Panitikang Europeo,
Isang parte ng panitikang ito ay ang panitikang Gresya na kung saan nasasalamin sa kanilang mga
mitolohiya ang kanilang panitikan. Nahahati rin ang kanilang panitikan sa tatlong era:
1. Pre-Homeric Age
2. Period to the Golden Age of Pericles
3. Period of Decline
Ilan naman sa mga kilalang manunulat nila ay sina Homer, Aristotle, Plato at ang iba pang mga
pilosopo.
Sa panitikan naman ng Ruso nandito ang mga kilalang manunulat kabilang na si Gavrila
Derzhavin, Denis Fonvizin, at Ivan Krylov. Kasama rin dito ang isa sa pinakakilalang manunulat
na si Leo Tolstoy na siyang gumawa ng librong War and Peace at Anna Karenina
Panitikang Australyano
Nagsimula ang panitikang Australyano pagkaraan ng pagkakaroon ng maliliit na mga
pamayanang Europeo sa bansang Australya. Kabilang sa pangkaraniwang mga tema o paksa ang
katauhang indihena o katutubo at taong dayo na namirmihan sa lugar na ito, alyenasyon o
pagkakahiwalay o paglayo ng sarili, pagkakapalayas at kaugnayan o relasyon sa lugar na ito.

Uri ng Panitikan
1. KATHANG-ISIP (FICTION)
Mga panitikan na nakabase lamang sa imahinasyon ng tao. Itoy hindi totoo ngunit ang
mga aral mula rito ay maaaring maiaplay sa tunay na buhay. Ilan sa halimbawa ay ang
pabula, alamat, at mitolohiya.

2. HINDI KATHANG -ISIP


Mga panitikan na nakabase sa katotohanan. Ilan sa mga halimbawa ay ang nobela,
maikling kwento, talambuhay atbp.

Anyo ng Panitikan

1. TULUYAN o PROSA
- Ito ay nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA
- Itoy nagpapahayag ng damdamin. Hindi mahalaga ang gramatika dito. Ito'y isinusulat ng
pasaknong.

Mga akdang tuluyan

Alamat
Itoy panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Karaniwang kinukwento nito ang mga pangyayari hinggil sa tunay na pinagmulan ng mga tao at
pook.
Anekdota
Itoy isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa mga pangyayaring naganap sa buhay ng isang
tao. Itoy kapupulutan ng aral.
Nobela
Ito ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Hindi ito natatapos
basahin sa isang upuan. Itoy may maraming pinagtagni-tagning plot.
Pabula
Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan. Itoy masasabing nakakaaliw habang kapupulutan din ng aral.
Parabula
Ito ay isang maikling kwentong may aral. Itoy karaniwang hinahango mula sa Bibliya. Ilan sa
mga halimbawa ay ang mga parabula ukol sa Kaharian ng Diyos
Maikling kwento
Itoy isang maiksing salaysay o kwento hinggil sa isang mahalagang pangyayari. Kinasasangkutan
ito ng isa o iilang tauhan at may iisang kakintalan at banghay lamang.
Dula
Itoy isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro na kinabibilangan ng mga aktor. Nahahati
ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Sanaysay
Itoy isang maiksing komposisyon na naglalaman ng personal na opinyon at karanasan ng may-
akda.
Balita
Itoy mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.
Kwentong bayan
Itoy mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan. Ito ay pasalin-dila na ang ibig sabihin ay nalilipat sa pamamagitan ng pagkwento.

Mga akdang patula

Awit
Uri ng patulang panitikan na binubuo ng tig-aapat na taludturan na may labindalawahing pantig.
Korido
Uri ng patulang panitikan na mayroong apat na taludtod na tig-wawalo ang pantig kada linya.
Epiko
Uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway. Ang mga tauhan ay nagmimistulang may mga kapangyarihan na halos hindi
mapaniwalaan. May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Tanaga
Isang maikling tula na naglalaman ng pang-aral at pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapagunita sa mga kabataan.
Mayroon itong apat na taludtod at pitong pantig kada taludtod.

Pandiwa
Isang salita na nagsasaad ng kilos, pangyayari, o katayuan. Ito ay nagbibigay buhay sa mga
salita. Ito ay kinatatagpuan ng mga panlapi at ng salitang ugat. Panlaping makadiwa ang tawag sa
mga pandiwang may pandiwa. Ito ay may mga aspeto, uri, pokus, at layon.

Uri ng Pandiwa
Palipat
Masasabing palipat ang pandiwa kung ito ay may direktang pinatutunguhan ng aksyon.
Ang layong pinagtutuunan ng aksiyon ay karaniwang kasunod lamang ng pandiwa.
o Hal. = ng, ng mga, sa, sa mga, kay, at kina.
Halimbawa:
1. Si Ethan ang kumain ng tinapay.
2. Itoy kanyang pinalitan ng makukulay na palamuti.

Katawanin
Masasabing hindi tuwirang layon ang isang pandiwa kapag ito ay hindi nangangailangan
ng tuwirang layon.
Halimbawa:

a. Pandiwang naglalahad ng kilos, gawain o pangyayari


1. Namatay si kontrabida ng storya.
b. Mga pandiwang likas na walang simuno
1. Sunog!
2. Lumilindol!

Aspekto ng Pandiwa

Aspektong Naganap o Perpekto

ito ay nagsasaad ng kilos na tapos nang gawin.


Halimbawa:
Ginawa ko na ang aking takdang aralin kahapon pa.

Aspektong Katatapos

katatapos pa lamang ng isang kilos o pandiwa. Binubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay


ng panlaping ka- at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay sakop din ng aspektong
perpektibo.
Halimbawa:
Kanonood lang namin ng isang pelikula kanina.

Aspektong Nagaganap o Imperpektibo

ito ay nagsasaad ng ang isang kilos na sinimulan at patuloy pa ring ginagawa sa


kasalukuyan at hindi pa tapos.
Halimbawa:
Nagpapasalamat ang mga tao sa kanya dahil sa kanyang kabayanihan.

Aspektong Magaganap o Kontemplatibo

itoy nagsasaad ng isang kilos na hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.

Halimbawa:
Mamaya ko pa lang gagawin ang proyekto sa asignaturang Filipino.
Pokus ng pandiwa

1. Pokus sa actor o sa tagaganap


Ang paksa ang binibigyang pokus ng kilos. Itoy sumasagot sa tanong na sino?.

HALIMBAWA:
Ang Diyos na mismo ang sumagot sa kanyang dalangin.

2. Pokus sa Layon o Gol


Ang tema o paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na
ano?.
HALIMBAWA:
Inaral nang mabuti ni Ethan ang kabanata 1 ng nobela.
3. Pokus sa lokatib o ganapan
Ang paksa ng pandiwa ay ang lugar na ginaganapan. Ito ay sumasagot sa tanong na
saan?.
HALIMBAWA:
Pinanggalingan ng kantang Hiling ang bansang Pilipinas.
4. POKUS SA BENEPAKTIB O TAGATANGGAP
Ang paksa ng pandiwa ay ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa
tanong na para kanino?.
HALIMBAWA:
Ipinagdasal ni Ethan si Kath para sa kanyang paparating na pagsusulit.

1. POKUS SA INSTRUMENTAL O GAMIT


Ang paksa ng pandiwa ay ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang magawa ang kilos
ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na sa pamamagitan ng ano?.
HALIMBAWA:
Ginamit ni Celine ang libro bilang pamatong sa sinusulatang papel.
2. POKUS SA KOSATIB O SANHI
Ang paksa ng pandiwa ay ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa. Ito ay
sumasagot sa tanong na bakit?.
HALIMBAWA:
Ikinalungkot ni Ethan ang malamig na pakikitungo sa kanya ng kaniyang kaibigan.

Sanggunian:

Pandiwa. (n.d.). In Wikipedia. From https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandiwa

Garner, G. (2012, June 2). What are the types of literature?. Retrieved August 15, 2017, from

Quora website: https://www.quora.com/What-are-the-types-of-world-literature


Marollano, G.A. (2015, October 4). Mga uri at aspeto ng pandiwa. Retrieved August 15, 2017,

from Slide Share website: https://www.slideshare.net/cli4d/mga-uri-at-mga-aspekto-ng-

pandiwa

(2013, February 23). Pokus ng pandiwa. Retrieved August 15,2017, from Shiela0016

website:https://shiela0016.wordpress.com/2013/02/23/pokus-ng-pandiwa

Peret, N.T. (2013, March 17). Pagbasa ng obra maestra ng panitikan. Retrieved August 15, 2017,

from Scribd website: https://www.scribd.com/doc/130846894/Pagbasa-ng-Obra-Maestra-

sa-Panitikan

Del Rosario, M.G. & Marasigan, E.V. (2017). Pinagyamang pluma 10. Quezon City: Phoenix

Publishing House, Inc.

You might also like