You are on page 1of 7

Written output

I.P. Paper

I.P. Proposal

Science Sharing

Reporting

Formative Output

Quizzes

Seatwork

Worksheet

Assignments

Summative Output

Chapter Tests

Long Tests

Second Term Exam

Third Term Exam


Scroll 1: Clock

Nagsimula ang kwento ni Elias sa kanyang nuno 60 taon nang nakalilipas. Ang kanyang nuno ay nasabing naging book keeper na
kung saan napagbintangan ng panununog. Siya ay pinagbintangan sa paraang hindi makatarungan. Dahil sa kadahilanang mahirap
sila, ay hindi ito nakakuha ng abogadong mahusay kayat pinarusahan sa pamamagitan ng paglalatigo habang ipinaparada sa
Maynila.

Scroll 2: Mountain

Nang gumaling ang mga sugat ay pumunta sila ng kanyang asawa na nooy buntis sa kabundukan upang doon manirahan.
Nanganak ng lalaki ang babae ngunit ito ay namatay agad. Isang araw ay natagpuan na lamang na nakabigti ang nuno ni Elias sa
isang puno. Ang amoy ng bangkay ay nakarating sa mga makapangyarihan kung kayay inakusahan naman ang kaniyang asawa.
Ipinagpaliban muna ang pagpaparusa sa asawa hanggang sa pagsilang ng anak. Matapos isilang ang anak ay muli siyang tumakas
sa kabundukan upang manirahan.

Scroll 3: Fire

Nang lumaki ang panganay na anak ay naging tulisan ito; nanunog at pumatay ng tao. Naging kilabot ng bayan silang mag-ina at
nakilala sa bansag na Balat. Ang tanging naiiba sa katangian ay ang bunsong kapatid na nanatiling mabait. Patuloy na lumaganap
ang pagiging kilabot nila hanggang sa araw na nakitang patay na ang ina kasama ang panganay na kapatid. Parehas silang duguan
at walang buhay. Umalis ang bunsong kapatid at namasukan sa isang obrero.

Scroll 4: Heart

Nakagiliwan ang bunsong kapatid dahil sa mabuting ugali. Dahil sa kasipagan ay nakaipon ito ng pera at napagdesisyunang
magpakasal sa babaeng mahal niya. Ngunit dahil sa takot na maungkat muli ang kanyang kahapon ay nagdalawang isip siya kung
hihingin niya ang kamay ng dalaga. Pero nanalo pa rin ang pag-ibig kaya pinagpatuloy niya ang manhikan.

Scroll 5: Key

Hindi natuloy ang kasal dahil naungkat ang kahapon ng bunsong anak kaya naman pinaghiwalay sila ng kanyang kasintahan.
Nagsilang ang babae ng kambal, isang babae at isang lalake. Isa roon si Elias. Dahil sa mayaman ang lolo ng kambal ay nagkaroon
sila ng masayang kabataan. Namulat din sila sa paniniwalang patay na ang kanilang ama. Patuloy silang namuhay nang mapayapa
hanggang sa napagdesisyunan ng babaeng kapatid na magpakasal. Noong mga panahong iyon ay may nakagalit si Elias na kamag-
anak kaya naman naisiwalat muli ang pangit na kahapon ng angkan nila.

Scroll 6: Teardrops

Hindi natuloy ang kasal ng babaeng kapatid ni Elias. Bukod pa dito napatunayan ang mga paratang ng kamag-anak ng isang
utusang matanda. Ito pala ang kanilang ama. Lumisan ang kambal at ang kanilang ama patungo sa kabundukan. Doon ay
pinagtapat ng kanyang ama sa kanila ang kasaysayan nila. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay rin ito. Ito namay sinundan ng
pagkawala ng babaeng kapatid ni Elias na natagpuang patay makalipas ang 6 na buwan.

You might also like