You are on page 1of 29

1

PAG-IBIG
 
Jose Corazon de Jesus
1926
I
 Isang aklat na maputi, ang
isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa
mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating
pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa 2

maunawa.
II
 Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-
puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo
makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y
naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang 3

pagsuyo!
III
Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang
matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng
kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang
nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't 4

minsan lamang.
IV
Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't
walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha,
walang lunos!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang
inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa 5

pag-irog!
V
Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa
aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang
ilaw,
Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y
nalimutan ---
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin 6

mo't puso lamang!


VI
Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa
panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong
isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa
umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!
7
VII
Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay
di bulag;
Ang marunong umibig, bawat sugat ay
bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng
kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
8
VIII
"Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay
nakabantay!"
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa
minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng
hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang
9

buhay!
IX
Kayong mga kabataang pag-
ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa
ilawan lumiligid,
Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin
ang panganib,
At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!
10
11
Si Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de Jesus o mas
kilala sa pangalan na Jose Corazon de Jesus (1894-1932),
may palayaw na Pepito Matimtiman, Huseng Batute,
Huseng Katuwa, Anastacio Salagubang, Sundalong Lasing,
Viterbi, Paruparong Asul, at Bayaning May Sugat, ay isang
mamamahayag, makata at manunulat, at tulad din ni
Balagtas at Rizal ay nakapagsulat ng maraming tula.
Ipinanganak siya noong 22 Nobyembre 1894 sa Sta. Cruz,
Maynila at pangalawa sa tatlong anak nina Dr. Vicente de
Jesus at Susana Pangilinan. Lumaki si Jose Corazon de
Jesus sa Santa Maria, Bulakan at nagtapos ng hayskul sa
Liceo de Manila, at kumuha ng abogasya sa Escuela de
Derecho. Nag-aral din siya ng humanidades, operang
12
Italyano, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas.
“Isang aklat na maputi, ang isinulat:
Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa
mang talata; Kinabisa at inisip
mulang ating pagkabata; Tumanda
ka't nagkauban, hindi mo pa
maunawa.”
13
“Paghihinagpis”

Patunay: “Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!


Kaya wala kang
mabasa kahit isa mang talata; Kinabisa at inisip mulang
ating pagkabata; Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa
maunawa.”

Paliwanag: Ito’y nalalapatan ng pagdulog romantisismo


dahil ang sentro ng emosyon nito ay pagkahapis. Bukod
sa salitang luha na nagpapakita ng paghihinagpis, ang
unang saknong partikular na sa una at ikalawang
14
taludtod ay nagsasaad ng kalungkutan habang ginagawa
ang isang liham.
“Ang Pag-ibig, isipin mo,
pag inisip, nasa-puso! Pag
pinuso, nasa-isip, kaya't
hindi mo makuro.”
(1 at 2 taludtod, ikalawang saknong)

15
“Kilig”
Patunay: “Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-
puso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo
makuro.” (1 at 2 taludtod, ikalawang saknong)

Paliwanag: Ipinapakita ng patunay sa ikalawang


saknong ang kilig na nadarama. Dahil kapag umiibig
ang isang tao palagi niyang iniisip ang kanyang
minamahal at minsan ay biglang napapangiti na
lamang. Hindi nito alam ang gagawin o dahilan ng
nararamdaman sa tuwing nakikita ang kanyang
16
sinisinta.
“Ang Pag-ibig ay may mata,
ang Pag-ibig ay di bulag
Ang marunong umibig,
bawat sugat ay bulaklak”
(1 at 2 taludtod, ikapitong saknong)

17
“Pagtitiis”
Patunay: “Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay
di bulag Ang marunong umibig, bawat sugat ay
bulaklak” (1 at 2 taludtod, ikapitong saknong)

Paliwanag: Kapag umibig ang isang tao ay


nakahanda itong magsakripisyo, magpakumbaba at
magparaya para sa kanyang minamahal. Minsan
ang mga bagay na hindi niya kayang gawin ay
kanyang nagagawa at ang pagtitiis na hindi niya
kayang tiisin ay kanyang natitiis para sa kanyang
18
minamahal
“Ako'y hindi makasulat at ang
Nanay ay nakabantay!" Asahan
mo, katoto ko, hindi ka pa
minamahal! Ngunit kapag sumulat
na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit
sa kanyang buhay!”
(ikawalong saknong)
19
» “Pagmamahal sa kaibigan”
Patunay: “Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay
nakabantay!" Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa
minamahal! Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw
man ng hukay, Minamahal ka na niya nang higit sa
kanyang buhay!” (ikawalong saknong)

Paliwanag: Ang ikawalong saknong ay nagsasaad ng


pagmamahal sa isang kaibigan. Ipinapakita ng mga
pahayag na ayaw nitong masaktan ang kanyang
kaibigan kaya binibigyan niya ito ng payo tungkol sa
20
babaeng kanyang sinisinta.
» Pangkalahatang Pagpapaliwanag:
Ang pag-ibig ay isang bagay na maaaring
magpaangat at magpabagsak sa atin. Ang
paghihinagpis, pagtitiis at kilig ay ilan lamang sa
mga emosyong ating madarama sa tuwing tayo’y
umiibig. Sa kasalukuyang panahon, marami sa mga
kabataan ay madaling umibig. Dala ng
modernisasyon at makabagong teknolohiya
madali na lamang ang pagkakaroon ng kasintahan
o ng mga kasintahan. Ngunit ating tatandaan na
kaakibat ng kasiyahan na ating nadarama dulot ng
pag-ibig ay kalungkutan at pagtitiis lalo na kung21

magpapadala sa kapusukan at ninanais.


» “Ngunit kapag nag-alab na pati
mundo'y nalimutan --- Iyan, ganyan
ang Pag-ibig, damdamin mo't puso
lamang!”
(3 at 4 taludtod, ikalimang saknong)
» “Ang pag-ibig ay masakim at aayaw
ng kabiyak; O wala na kahit ano, o
ibigay mo ang lahat!”
22

(3 at 4 taludtod, ikapitong saknong)


» “Sakim/Makasarili”
» Patunay: “Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y
nalimutan --- Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin
mo't puso lamang!” (3 at 4 taludtod, ikalimang
saknong)
» Patunay: “Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng
kabiyak; O wala na kahit ano, o ibigay mo ang
lahat!” (3 at 4 taludtod, ikapitong saknong)
Pagdulog Realismo
» Paliwanag: Minsan kung umiibig ang isang tao ay
nagiging makasarili, palagi nitong iniisip ang
23
pansariling kapakanan, kung paano nito
makakamtan ang ninanais at mga kagustuhan.
»“Ang Pag-ibig na matapang ay
puso ang inaanod, Pati
dangal, yama't dunong
nalulunod sa pag-irog!”
(3 at 4 taludtod, ikaapat na saknong)

24
» “Pagkalunod sa Pag-ibig”
» Patunay: “Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang
inaanod, Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa
pag-irog!” (3 at 4 taludtod, ikaapat na saknong)
» Paliwanag: Sinasabing walang kumlawde sa pag-
ibig. Kahit gaano pa ka intelektwal ang isang tao ay
may mga pagkakataong hindi nito nagagamit ang
kanyang dunong. Dahil sa pag-ibig na nadarama
may mga taong hindi nakokontrol ang kanilang
emosyon kahit alam nito na maaaring mali ang
kahihinatnan ng kanilang ginawang desisyon.
25
“Kapag ikaw'y umuurong sa
sakuna't sa panganib Ay talagang
maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka
pa umiibig: Pag umibig, pati hukay
aariin mong langit”
(ikaanim na saknong)
26
» “Mapangahas”
» Patunay: “Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa
panganib Ay talagang maliwanag at buo ang iyong
isip: Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit”
(ikaanim na saknong)
» Paliwanag: Kapag umibig ang isang tao handa
nitong suungin ang lahat ng hirap at kahit mga
kaakibat na panganib nito. Minsan ay
nakahandang magbuwis ng sariling buhay
maprotektahan lamang ang kanyang minamahal.
27
» “Mapangahas”
» Patunay: “Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa
panganib Ay talagang maliwanag at buo ang iyong
isip: Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit”
(ikaanim na saknong)
» Paliwanag: Kapag umibig ang isang tao handa
nitong suungin ang lahat ng hirap at kahit mga
kaakibat na panganib nito. Minsan ay
nakahandang magbuwis ng sariling buhay
maprotektahan lamang ang kanyang minamahal.
28
» Pangkalahatang Pagpapaliwanag: Ang realidad ng
isang pag-ibig o pakikipagrelasyon ay hindi lamang
puro kasiyahan. Ang pakikikagrelasyon ay isang
responsibilidad na nangangailangan ng mataas na
pasensya. Ito’y hindi lamang pagtanggap bagkus
ito’y pagbibigay. Sa kasalukuyan, dahil sa pagiging
mapangahas at kapusukan marami sa mga
kabataan ang nahahantong sa pagkakaroon ng
anak na walang kinagisnang ama (single mom).
Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at pagkakaroon
ng isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.
29

You might also like