You are on page 1of 2

PANGATNIG

Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng


dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.
Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng
"o," "ni" at "maging"), manalungat (katulad ng "ngunit," "habang" at "bagamat"),
maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at "gayon"), manubali (katulad ng "kapag"
at "sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at "gayon din"),
magbigay sanhi (katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos
(katulad ng "sa wakas" at "upang").

Halimbawa

at
Ito ay ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita, parirala o pangungusap na
pagkaugnay.

Halimbawa: "ina at ama", "Aalis ako ngayon at bukas na ako babalik."

ngunit, subalit, pero, datapwat, kaso
Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng dalawang kaisipang magkakontra o
magkasalungat.

Halimbawa: "Gusto kong maligo pero wala namang tubig."

Isa pang halimbawa: "Kailangan ko lumabas, kaso nawawala ang quarantine


pass ko."

o
Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng mga salita o kaisipang pinagpipilian.

Halimbawa: "mahal ko o mahal ako", "Alin sa mga ito ang gusto mo, pula,
puti o asul?"

Iba pang halimbawa


Narito ang mga iba pang uri ng pangatnig:

 ni- pang ugnay sa pangalang ng tao


 kaya
 maging
 man
 saka
 pati
 dili kaya
 gayundin
 kung alin
 bagkus
 samantala
 habang
 maliban
 bagaman
 kung
 sa bagay
 kundi
 kapag
 sakali
 sana
 sapagkat
 kasi
 kung kaya
 palibhasa
 dahil sa
 sanhi ng
 samakatuwid
 sa madaling salita

You might also like