You are on page 1of 12

Pang-abay

nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o


kapwa pang-abay

Ang pang-abay o lampibadyâ [1] ay mga


salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-
uri at kapwa pang-abay.

Uri ng Pang-
Mayroon sa
abay
Wikibooks ng
Mayroong labing- patungkol sa
dalawa na uri ang Pang-abay.

pang-abay ito ay:


Pamanahon

Ang pang-abay na pamanahon ay


nagsasaad kung kailan
naganap,ginaganap o gaganapin ang
isang pangyayari o kilos.

Mayroon itong tatlong uri:

May pananda - nang, sa, noon, kung,


kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at
hanggang

Halimbawa: "Kailangan mo bang


pumasok nang araw-araw?"

Walang pananda - kahapon, kanina,


ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba
pa
Halimbawa: "Manonood kami bukas ng
pambansang pagtatanghal ng dulang
Pilipino."

Nagsasaad ng dalas - araw-araw,


tuwing umaga, taun-taon, at iba pa

Halimbawa: "Tuwing buwan ng Mayo ay


nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan."

Panlunan

Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan


naganap ang pangyayari. Samakatuwid,
ito ay nagsasabi kung saan ginawa,
ginagawa, at gagawin ang kilos sa
pangungusap; sa ibang pananalita ay
tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan,
o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Karaniwang ginagamit ang mga
pariralang may sa, kina o kay.

Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay


isang pangngalang pambalana o isang
panghalip. Ginagamit naman ang kay at
kina kapag ang kasunod ay pangngalang
pantangi na pangalan ng isang tao.

Halimbawa: "Maraming masasarap na


ulam ang itinitinda sa kantina." ;
"Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng
masarap na mamon para sa kaarawan."
Pamaraan

Ito ay naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa
ganitong uri ng pang-abay ang mga
panandang nang, na, at -ng. Halimbawa
nito ay magaling, mabilis, maaga,
masipag, mabait, maganda at iba pa.

Halimbawa: "Sinakal niya ako nang


mahigpit."

Pang-agam

Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng


katiyakan sa pagganap sa kilos ng
pandiwa. Ginagamit sa pangungusap
ang mga pariralang marahil, siguro, tila,
baka, wari, parang, at iba pa.

Halimbawa: "Marami na marahil ang


nakabalita tungkol sa pasya ng
Sandiganbayan."

Ingklitik

Ito ay mga kataga sa Filipino na


karaniwang nakikita pagkatapos ng
unang salita sa pangungusap. Ito ay ang
man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy,
lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala,
na, naman at daw/raw.

Halimbawa: "Lasing na yata siya."


Benepaktibo

Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa


isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng
pariralang pinangungunahan ng para sa.

Halimbawa: "Ang ikinokolektang buwis


ay para sa pag-unlad ng bansa."

Kusatibo

Ito ay nagsasaad ng dahilan ng


pangganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y
makikilala sa parirala o sugnay na
pinangungunahan ng dahil sa.

Halimbawa: "Dahil sa TPLEx, mas mabilis


na ang biyahe mula Maynila hanggang
Baguio."

Kondisyonal

Ito ay nagsasaad ng kondisyon para


maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ito ay may mga sugnay o
pariralang pinangungunahan ng kung,
kapag/pag, at pagka.

Halimbawa: "Magiging maganda ang


kalsada kung lilinisin nila ang mga
nakakalat na basura."
Panang-ayon

Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon.


Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo,
tunay, sadya, talaga, syempre at iba pa

Halimbawa: "Talagang mabilis ang pag-


unlad ng bayan."

Pananggi

Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o


pagtutol. Nilalagyan ito ng mga
pariralang katulad ng hindi, di at ayaw.

Halimbawa: "Hindi pa lubusang nagamot


ang kanser."
Panggaano o pampanukat

Ito ay nagsasaad ng timbang, bigat, o


sukat. Sumasagot ang pang-abay na
panggaano sa tanong na gaano o
magkano.

Halimbawa: "Tumaba ako nang limang


libra."

Pamitagan

Ito ay nagsasaad ng paggalang.


Ginagamit dito ang po/ho at opo/oho.

Halimbawa: "Kailan ho>' ba kayo uuwi sa


lalawigan ninyo?"
Mga sanggunian

Mga Sipi

1. English, Leo James (1977). "Pang-abay,


adberbyo, adverb" (https://archive.org/det
ails/tagalogenglishdi00leoj/) . Tagalog-
English Dictionary (sa wikang Ingles).
Congregation of the Most Holy Redeemer.
ISBN 9710810731.

Mga Pinagkukunan

Pang-abay (http://mamsha.tripod.co
m/id22.html) . mamsha.tripod.com.
Retrieved 17 June 2019.
Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G.
Baisa-Julian, Mary Grace G. del
Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-
971-06-3652-5, pp. 363-364

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Pang-abay&oldid=2023659"

Huling pagbabago: 16:24, 4 Hunyo 2023. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like