You are on page 1of 3

Uri ng Pang-abay[baguhin 

| baguhin ang batayan]


Mayroong siyam na mga uri ng pang-abay.

Pamanahon[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri:

 May pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang


Halimbawa: "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?"

 Walang pananda - kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa


Halimbawa: "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino."

 Nagsasaad ng dalas - araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa


Halimbawa: "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."

Panlunan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung
saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito
sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang mga
pariralang may sa, kina o kay.
Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip.
Ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng
isang tao.
Halimbawa: "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." ; "Nagpaluto ako kina Aling
Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan."

Pamaraan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa
nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, at iba pa.
Halimbawa: "Sinakal niya ako ng mahigpit."

Pang-agam[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa
pangungusap ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.
Halimbawa: "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."

Ingklitik[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay mga kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap.
Ito ay
ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman at 
daw/raw.
Halimbawa: "Lasing na yata siya."

Benepaktibo[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang
pinangungunahan ng para sa.
Halimbawa: "Ang ikinokolektang buwis ay para sa pag-unlad ng bansa."

Kawsatibo[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagsasaad ng dahilan ng pangganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y makikilala sa parirala o sugnay
na pinangungunahan ng dahil sa.
Halimbawa: "Dahil sa TPLEx, mas mabilis na ang biyahe mula Maynila hanggang Baguio."

Kondisyonal[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may mga
sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung, kapag/pag, at pagka.
Halimbawa: "Magiging maganda ang kalsada kung lilinisin nila ang mga nakakalat na basura."

Panang-ayon[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre at iba pang halimbawa.
Halimbawa: "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."

Pananggi[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad
ng hindi, di at ayaw.
Halimbawa: "Hindi pa lubusang nagamot ang kanser."

Panggaano o pampanukat[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong
na gaano o magkano.
Halimbawa: "Tumaba ako nang limang libra."

Pamitagan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay nagsasaad ng paggalang. Ginagamit dito ang po/ho at opo/oho.
Halimbawa: "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"

Panulad[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay.
Halimbawa: "Higit na magaling sumayaw si Armando kaysa kay Cristito."

Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.


Ang pang-abay ay may 17 uri:

1. Pamanahon - nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa tanong na kailan


2. Panlunan - nagsasaad ng pook o na pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na
saan.
3. Pamaraan - nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng
pandiwa.
4. Panggaano - sumasaklaw sa bilang, dami o halaga.
5. Panulad - nagsasaad ng katangiang napapaloob sa pangungusap. Karaniwang ginagamit na
hambingan ng pang-uri.
6. Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan o pag-aalinlangan.
7. Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, bilang o halaga.
8. Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtangaap sa kausap.
9. Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat o pagbawal.
10. Panunuran - tumutukoy sa sunud-sunod na hanay o kalagayan.
11. Pamitagan - nagpapakilala ng paggalang at pagsasaalang-alang.
12. Panturing - nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob
13. Kawsatibo - nagsasaad ng dahilan, binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa dahil sa,
sapagkat atbp.
14. Kundisyunal - nagsasaad ng kondisyon para maganap ang pandiwa.
15. Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao, tagatanggap ng kilos.
16. Pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.
17. Inklitik - binabago ang orihinal na diwa ng isang pangungusap.

You might also like