You are on page 1of 1

Pang- abay na Pamanahon

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap,ginaganap o


gaganapin ang isang pangyayari o kilos.
Mayroon itong tatlong uri:

 May pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
at hanggang
Halimbawa: "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?"

 Walang pananda - kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa


Halimbawa: "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino."

 Nagsasaad ng dalas - araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa


Halimbawa: "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook
ng santakrusan."

Pang-abay na Panlunan
Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay
nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa
ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos
sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang mga pariralang may sa, kina o kay.
Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o
isang panghalip. Ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang
pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa: "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." ; "Nagpaluto
ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan."

Pang-abay na Pamaraan
Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga
panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito
ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, at iba pa.
Halimbawa: "Sinakal niya ako nang mahigpit."
Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang,
at iba pa.
Halimbawa: "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."

You might also like