You are on page 1of 3

Name: Aaron Lapasaran Grade 10- Sampaguita 1/30/2023

Pang-abay

Ang bahaging ito ng panaguri ay nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos ng pandiwa.


Ang pangabay o lampibadyâ aymga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.kilos ng pandiwa.

Pamanahon

Ang pang-abay pamanahom ay nagsasaad kung kailan naganap, ginanap, o gaganapin ang isang pangyayari o kilos

Mayroon itong tatlong uri:

May pananda: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa at hanggang

Walang pananda: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.

Nagsasaad ng dalas: araw-araw, tuwing umaga, taun-taon at iba pa.

1. Araw-araw niyang nililinis ang kaniyang motor.

2. Tuwing gabi ay siya ang nakatakda upang magsaing.

3. Noong nakaraang lingoo ay nasagasaan ang alaga kong aso.

Panlunan

Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Sumakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa,
ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap ; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang mga pariralang may sa, kina o kay.

1. Pumunta kami nila Karl sa museo.

2. Naglaba si nanay kela Arthur.

3. Nagsalita si Mark ng kaniyang pananaw tungkol sa COVID-19 sa stage.

Pamaraan

Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Ginagamit
sa gantong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maagang,
masipag, mabait, at iba pa.

1. Tumakbo siya nang mabilis.

2. Malakas niyang sinipa ang pinto dahil hindi ito bumubukas.

3. Sinigawan niya nang malakas ang kaniyang kapatid.


Pang-agam

Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang
mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.

1. Tila uulan bukas nang umaga.

2. Siguro ay makakauwi si Mark bago ang Pasko.

3. Parang may masamang balak si Ken.

Ingklitik

Ito ay mga katagang Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Ito man ay: man,
kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lang/lamang, din/rin, ba, pa, muna, pala, ha, naman, at daw/raw.

1. Bibili lang ako ng ulam.

2. Kumain kana din Bea.

3. Nasabi mo na pala sakanya ang aking sikreto?

Benepaktibo

Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang pinangungunahan ng para
sa.

1. Nag-ambag siya para sa props sa sayaw.

2. Nilunok niya ang gamot para siya ay gumaling na.

3. Sinigawan niya ang kaniyang kapatid para ito ay bumangon.

Kusatibo

Ito ay nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y makikilala sa parirala o sugnay na
pinangungunahan ng dahil sa.

1. Dahil sa ulan, bumaha hanggang bewang sa Cuartero.

2. Sumakit ang tiyan niya dahil sa panis na ulam.

3. Bumagsak siya sa pagsusulit dahil siya ay hindi nag-aral.

Kondisyonal

Ito ay nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang
pinangungunahan ng kung, kapag/pag, at pagka.

1. Nanalo ka siguro kung maganda ang iyong kampanta.

2. Bibilhin ko lahat kapag ako ay yumaman.


3. Pagkakuha ko ng pera, ako ay kakain sa labas.
Panang-ayon

Panang-ayon

Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre at iba pa

1. Tunay ngang mabait si Mike.

2. Oo, masipag na anak si Shen.

3. Opo, huhugasan ko ang pinggan pagtapos nating kumain.

Pananggi

Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw.

1. Hindi ko gusto marinig ang iyong boses.

2. Ayaw kong sinasagot mo ako!

3. Hindi makita ni Karl ang nawawalang relo.

Panggaano o pampanukat

Ito ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o
magkano.
1. Dalawampu't-walong kilo palang ang aking alagang baboy.

2. Limang piso na ang isang maliit na sibuyas?

3. Kaya kong magbuhat ng limampung kilong bigas.

Pamitagan

Ito ay nagsasaad ng paggalang. Ginagamit dito ang po/ho at opo/oho.

1. Mahal na mahal po kita Mama.

2. Opo lola, bibilhan kita ng pasalubong.

3. Ano po iyon inay? Pakiulit nga po.

You might also like