You are on page 1of 3

PANG-ABAY 

Ang pang-abay o adberbyo ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa,


pang-uri at kapwa pang-abay.

URI NG PANG-ABAY
Mayroong siyam na uri ang pang-abay

Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap,ginaganap o
gaganapin ang isang pangyayari o kilos.

Mayroon itong tatlong uri:

 May
pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
at hanggang
Halimbawa: "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?"

 Walang
pananda - kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at
iba pa
Halimbawa: "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang
Pilipino."

 Nagsasaad ng dalas - araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa


Halimbawa: "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan."

Panlunan
Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari.
Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang
kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na
pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit
ang mga pariralang may sa, kina o kay.

Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o


isang panghalip. Ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod
ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa: "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." ;
"Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan."

Pamaraan
Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang
kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay
ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito
ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, at iba pa.
Halimbawa: "Sinakal niya ako nang mahigpit."

Pang-agam
Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos
ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga
pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.

Halimbawa: "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya


ng Sandiganbayan."

Ingklitik
Ito ay mga kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng
unang salita sa pangungusap. Ito ay
ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, m
una, pala, na, naman at daw/raw.

Halimbawa: "Lasing na yata siya."

Benepaktibo
Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang
binubuo ng pariralang pinangungunahan ng para sa.

Halimbawa: "Ang ikinokolektang buwis ay para sa pag-unlad ng bansa."

Kawsatibo
Ito ay nagsasaad ng dahilan ng pangganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y
makikilala sa parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.

Halimbawa: "Dahil sa TPLEx, mas mabilis na ang biyahe mula Maynila


hanggang Baguio."

Kondisyonal
Ito ay nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang pinangungunahan
ng kung, kapag/pag, at pagka.

Halimbawa: "Magiging maganda ang kalsada kung lilinisin nila ang mga


nakakalat na basura."

Panang-ayon
Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre at iba pa
Halimbawa: "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."

Pananggi
Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga
pariralang katulad ng hindi, di at ayaw.

Halimbawa: "Hindi pa lubusang nagamot ang kanser."

Panggaano o pampanukat
Ito ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay
na panggaano sa tanong na gaano o magkano.
Halimbawa: "Tumaba ako nang limang libra."

Pamitagan
Ito ay nagsasaad ng paggalang. Ginagamit dito ang po/ho at opo/oho.
Halimbawa: "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"

Panulad
Ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay.

Halimbawa: "Higit na magaling sumayaw si Armando kaysa kay Cristito."

You might also like