You are on page 1of 2

FILIPINO

MGA URI NG PANG-ABAY: pamanahon, panlunan, pamaraan, panggaano, at ingklitik

1. Pamanahon – Ito ang uri ng pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap, o gaganapinng sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap. “tuwing” sumasagot sa tanong na “kalian”

Halimbawa: “Hindi nalilimutan ni Julie ayusin ang kaniyang kama tuwing umaga.”

2. Panlunan – Ito ang uri ng pang-abay na tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang
kilos. “sa” sumasagot sa tanong na “saan”

Halimbawa: “Kinausap ni Gng. Lopez si Lucas sa kaniyang opisina.”

3. Pamaraan – Ito ang uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi
ng pandiwa sa pangungusap. “nang” sumasagot sa tanong na “paano”

Halimbawa: “Huminga siya nang malalim bago pumasok sa silid.”

4. Panggaano – Ito ang uri ng pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang.

Halimbawa: “Nadagdagan nang tatlumpong mag-aaral ang sasama sa lakbay-aral sa Corregidor.”

5. Ingklitik – Ito ay katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May 16 na kilalang pang-abay na
ingklitik. Ito ay ang mga sumusunod: man, kaya, din/rin, pala, kasi, yata, ba, na sana, tuloy, pa naman, nang,
lamang/lang, muna, daw/raw.

Halimbawa: “Mahalaga ring mabasa muna nila ang ikatlong kabanata bago kunin ang pagsusulit.”

EPIKO – ay isang mahabang tulang nagsasalaysay na nagtatampok ng kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng kinikilalang


bayani ng epiko, halimabawa na lamang nito ay “Ang Buhay Ni Lam-Ang”

PANGATNIG – ay mga kataga o salita na ginagamit sa paguugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-
sunod sa pangungusap.

Ang PANGATNIG NA PANANHI ay tumutulong bilang tugon ang tanong na “Bakit” at nagbibigay kadahilanan ng
pagkaganap ng isang bagay o pangyayari. Sumakatwid, makabuluhan ang mga pangatnig na pananhi sa paglalahad natin
ng mga sanhi at bunga sa ating pagpapahayag. Ang mga pangatnig na pananhi ay ang sumusunnod: DAHIL SA, SANHI SA,
SAPAGKAT, at MANGYARI.

Halimbawa:
1. Ang ina’y nasiraan ng bait DAHIL sa pagkawala ng anak.
2. Siya’y nagkasakit SANHI sa kaniyang labis na paggawa.
3. Si Ana’y masaya SAPAGKAT nakapasa siya.

You might also like