You are on page 1of 10

FILIPINO REVIEWER

Lesson 1
ANG PANDIWA (Uri at Aspekto)

PERPEKTIBO: Ang kilos ay natapos o naganap na. Maaaring gamit ang salitang ugat
ng mga panlaping:
UM NAG NANG NA
uminom nagbigay nanghabol nasira
IN AN/HAN -i
tinapos sinamahan isinalin

IMPERPEKTIBO: Ang kilos ay kasalukuyang nagaganap. Maaaring gamitan ng mga


panlaping nasa perpektibo ngunit kailangan lang ulitin ang unang pantig ng salitang
ugat.
UM NAG NANG NA
umiinom nagiingay nanghahabol naiinis
-IN AN/HAN -i
tinatawag sinasamahan isinasalin

KONTEMPLATIBO: Ang kilos ay gagawin pa lamang. Maaaring gamitan ng mga


panalaping:
MAG MANG MA
magbibigay Manghahabol masisira
-IN -AN/HAN -I
sasabihin sasamahan isasali

ASPEKTO NG PANDIWA
KATATAPOS LAMANG: Ang kilos ay saglit na natapos lamang. Ginagamitan ng
panlaping –ka at pag-uulit ng unang pantig salitang ugat.
HALIMBAWA: kaiinom, katutuklas, kakakain
LESSON 2

BERBAL, DI-BERBAL AT PASULAT NA PAKIKIPAGTALASTASAN


PASULAT: SMS, liham at iba pa
BERBAL: Pakikipag-usap ng harapan nagsasalita
DI-BERBAL: Pakikipag-usap gamit ang mga kilos o bahagi ng katawan

1. KATAWAN
- Nagpapahayag ng damdamin
- Tumutulong sa pagsasagawa ng kilos
- Naglalarawan, nagbibigay-diin o naglilinaw ng isang kaisipan
- Kumokontrol sa daloy ng talastasan.

2. MUKHA
- Nagpapahayag ng mga batayang emosyon
- Ang ekspresyo ng mukha ay hindi unibersal at nagbabago-bago

3. MGA MATA
- Nagsisilbing tagapagpaduloy ng damdamin ang mga mata.
- Lumikha ito ng ugnayan sa kapwa.

4. ESPASYO O DISTANSYA

 ESPASYONG INTIMATE: Malapit o halos nagkakadikit na ang mga


katawan. Pagmamahal o apeksyon sa tao.

 ESPASYONG PERSONAL: 18 pulgada hanggang 4 na talampakang


“comfort zone”. Para itong bula na nagsisilbing proteksyon ng isang tao
at hindi bastang dapat pinapasok ng estranghero.

 ESPASYONG SOSYAL: Mga kaibigan at taong kakilala.

 ESPASYONG PUBLIKO: Ang madla sa pangkalahatan

5. MGA ARTIFACT
- Mga gamit na suot ng tao na nagpapahayag ng mensahe.
6. PAGHIPO
- Pisikal na kontak ng mga kamay sa kapawa o isang bagay na
nagpapahiwatig ng iba’t ibang kahulugan gaya ng pakikisimpatya, pag
hanga sa kagandaha, at iba pa.

7. PARALANGUAGE
- Mga tunog na kaakibat ng pagsasalita at may angkin ding kahulugan
gaya ng pagtaas o pagbaba ng tono, pagbilis o pagbagal ng
pagsasalita, at iba pa.

8. PANANAHIMIK
- Sadyang hindi pagsasalita o pagtigil sa pagsasalita.

9. ORAS O PANAHON
- Konsepto ng panahon na may kaugnayan sa komunikasyon.

10. PANG-AMOY
- Nagpapahiwatig ng isang mensahe o nagdudulot ng bisa sa kanyang
kapwa, gaya ng pagiging elegante, pagkagaling sa pagtrabaho, at iba
pa.

MGA PANG-UGNAY
PANG-UGNAY: Mga salita o parirala na nagpapakita ng relasyon sa iba pang salita o
parirala.
1. PANGATNIG – Nag-uugnay ng kaisipan
 PAMUKOD – Ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay
Halimbawa: Maliban sa / kay
 PASALUNGAT – Ginagamit kung nagsasaad ng pagsalungat
Halimbawa: Subalit, datapwat, bagamat
 PANLINAW – Nagsasaad ng panubali o pasakali
Halimbawa: baka, maaari, siguro, sa madaling sabi
 PANANHI – Tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaad ng kadakilaan
Halimbaw: Sapagkat, dahil sa, palibhasa

2. PANG-UKOL – Kaugnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa


pangungusap.
Halimbawa: Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa , ayon sa, para
kay/kina, ukol kay/kina

3. PANG-ANGKOP – Nag-uugnay sa salitang tinuturingan.


a. NA – Ginagamit kapag ang unang salita ay natatapos sa katinig maliban sa N.
b. NG – Ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig
c. G – Ginagamit upang mapadulas ang pagbigkas ng salita

LESSON 3

PANGUNAHING PAKSA AT PANTULONG NA MGA IDEYA SA ISANG


TALATA
PANGUNAHING PAKSA: Ang tawag sa pinag-uusapan sa isang talata o seleksyon.
PANTULONG NA IDEYA: Tawag sa mga ideyang sumusuporta sa pinag-uusapang
talata o seleksyon.

*Ang pinag-uusapan sa talata o seleksyon ay maaaring makita sa kahit anong bahagi


ngunit, karaniwan itong makikita sa unang bahagi ng talata o seleksyon
LESSON 4

MGA SALITANG HUDYAT SA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG


PANGYAYARI
ORDINAL: May pangngalan
PROSIDYURAL: Pagsusunod-sunod sa proseso at paraan ng pagsasagawa
SEKWENSYAL: Sa kwento
KRONOLOHIKAL: Oras at panahon

*Ang mga hudyat ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari ay mahala upang maging


maayos at lohikal ang mga ideya sa isang talata o seleksyon

ANGKOP AT HINDI ANGKOP


Halimbawa ng angkop na pangungusap: (basta with respect)
- Sa aking palagay,nararapat sundin ng mga Espanyol ang mga
rekomedasyon ng kanilang binuong komisyon para na rin sa ikabubuti at
ikauunlad ng kanilang ekonomiya.
- Para sa akin, susunod lang ako kapag naintindihan kong abuti kung
bakit kailangan kong sumunod.

Halimbawa ng hindi angkop na pangungusap: (walang respect ganun)


- Hindi ako papayag! Walang sinumang makapagbabago sa kaugaliang
matagal na naming ginagawa kahit pa siya ang pinakamataas na pinuno
ng mundo!
- Kayo na lang ang sumunod kung gusto ninyo. Basta ako, magsisiesta
ako hanggang gusto ko at walang sinumang makapipigil sa akin.

EPIKO
- Isang mahaba at patulang salaysay ng mga pangyayari sa isang bayani
sa isang parikular na lugar.
ILLIAD: Kilalang epiko ng mga Griyego kung saan ipinakita ang pagsakop sa lungsod
ng Troy na pinangunahan ni Achilles.
METAMORPHOSES: Tulang pasalaysay tungkol sa paglikha at kasaysayan ng mundo
ayon sa mga Griyego.
ODYSSEY: Sinasabing karugtong ng Illiad na ang pangunahing tauhan ay si Odysseus.
BEOWULF: Nasulat sa pagitan ng ikawalo hanggang ikalabing-isang siglos a tagpuang
maaaring nasa bahagi ng Denmark at Sweden.

LESSON 5

ROUNDTABLE DISCUSSION
MGA DAPAT TANDAAN
 ORAS
 ESTRUKTURA
 KAGAMITAN
 PAGHAHANDA
 PAGTATANONG AT PAGSASAGOT
 PAGLALAON
*basahin mo nalang sa libro haba eh

MGA PANGHALIP AT MGA URI NITO


1. PANAO – pangalan ng tao (hal. nila, sila, ako, kina)
2. PAMATLIG – pangalan, itinuturo (hal. ito, doon, nandiyan, diyan)
3. PANAKLAW – kaisahan, dami, kalahatan (hal. anumang, iba, sinuman, lahat,
madla, pawa, saanman, gaanuman, magkanuman)
4. PANANONG – pagtatanong, pag-uusisa (hal. ano, sino, kanino, alin,)

POKUS NG PANDIWA (TAGAGANAP O LAYON)


TAGAGANAP: Ang paksa ay ang gumagawa ng aksyon o kilos
Halimbawa: Si Namaka ay nagalit ng labis kay Pele
(paksa) (pandiwa)
Nagbigay ng takdang aralin ang guro sa kaniyang klase.
LAYON: Ang paksa ay ang mismong gawain o layunin
Halimbawa: Pinag-usapan ng mga mag-aaral ang mitolohiya tungkol kay Pele.
(pandiwa) (paksa)
Ang proyekto tungkol sa mitolohiya ay pinag-usapan ng buong pangkat.

TAGATANGGAP AT INSTRUMENTAL

TAGATANGGAP: Ang paksa ay ang binibigyan ng aksyon


Halimbawa: Ipinaghanda ng mag-asawang Macbeth ang mga Maharlika sa
Scotland. (pandiwa) (paksa)
Pinagkalooban ng medalya ang mga mag-aaral na nagpakita ng husay sa
klase. (pandiwa) (paksa)

INSTRUMENTAL: Ang paksa ay ang ginamit upang maisagawa ang kilos.


Halimbawa: Ipinambukas niya ng pintuan ang susi ng palasyo
(pandiwa) (paksa)
Ang mga lumang dyaryo ay ipinambalot niya sa kanyang kwaderno.
(paksa) (pandiwa)

ANG TULA AT ANG MGA ELEMENTO NITO

TUGMA
- Ang magkakatunog na dalumpantig ng isang taludtod sa tula.
SUKAT
- Bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
SAKNONG
- Pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula.
LARAWANG DIWA
- Nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan
SIMBOLISMO
- Kumakatawan sa isang bagay na may mensahe
KARIKTAN
- Kagandahan ng isang tula

______________________________________________________________________

LESSON 6

IDYOMA: Mga pahayag na hango sa karanasan at may nagtatagong kahulugan

TAYUTAY: Matatalinhagang pagpapahayag ng mensahe na nalalayo sa karaniwang


paraan ng pagsasalita

PAGTUTULAD (SIMILE): Paghahambing; katulad ng, gaya ng


HALIMBAWA: Ang pagmamahal ay tulad ng gamut na hihilom sa sugat ng
digmaan Ito ang hihilom sa mga sakit at pait na nararamdaman

PAGWAWANGIS (METAPHOR): Paghahambing na walang mga salitang pahambing


HALIMBAWA: Ang pagmamahal ay gamut sa sakit na nararamdaman. Ito ay
hihilom sa mga sugat na iniwan ng digmaan.
PAGMAMALABIS (HYPERBOLE): Pagpapalubha sa paglalarawan ng kalagayan ng
tao
HALIMBAWA: Sa digmaang puno ng sakitan ay narinig ng buong mundo ang
pag-iyak ng mga paslit. Sana’y hindi mamuti ang buhok mo sa kahihintay ng
kapayapaang walang kapalit Sapagkat ang pagmamahal ko sa bayan ay abot-langit.

PAGBIBIGAY-KATAUHAN (PERSONIFICATION): Pagbibigay buhay sa isang bagay.


HALIMBAWA: Ang mga dingding ng bawat establisyimento ang piping saksi. Sa
pagluha ng ating bayang naging sawi. Sa kamay ng mga taong masasama ang gawi.

PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECHDOCHE): Paglalarawan sa isang bagay gamit


lamang ang bahagi nito
HALIMBAWA: Sa bayan nating ang paa ng mga dayuhan ang makikita.
Nakatatakot na sila makalamuha.

PAGTAWAG (APOSTROPHE): Pakikipag-usap


HALIMBAWA: O Panginoon! Iadya mo po kami sa kapahamakan. Isaalang-
alang ang bawat kapakanan, ng mga inosenteng nilalang, dito sa daigdig na marami
ang nanlalamang

PAG-UYAM (IRONY): Paggamit ng mga papuri ngunit kabaliktaran ang kahulugan


HALIMBAWA: Makikisig ang mga mananakop na handing manakit sa mga
nasasakupan.
LESSON 7

POKUS NG PANDIWA (KOSATIB AT DIREKSYUNAL)

SANHI / KOSATIB: Ang paksa ay ang dahilan ng aksyon


HALIMBAWA: Ikinagalit nang labis ng taumbayan ang pagbaril kay Malala.
(pandiwa) (paksa)
Ang balitang ito ay ikinalungkot ng taumbayan.

GANAPAN / DIREKSYUNAL: Ang paksa ay ang direksyon o tunguhin ng kilos


HALIMBAWA: Pinuntahan ng mag-anak ang Birmingham, England upang doon
manirahan.

You might also like