You are on page 1of 3

Mga Uri ng Pang-abay[baguhin | baguhin ang batayan]

Mayroong siyam na mga uri ng pang-abay: pamanahon, panlunan, pamaraan, pang-


agam, panang-ayon, pananggi, panggaano (tinatawag ding pampanukat), pamitagan,
[2]
at panulad.

Pamanahon[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng
dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
at hanggang. Halimbawa n*g pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong
pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong
mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.
Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood
kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na
nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at
iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa
aming pook ng santakrusan."[2]

Panlunan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap
ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos
sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan
ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang
kanilang mga kamag-anak."[3] Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay
na panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay
isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman
ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa
nito Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang
itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa
kaarawan.

Pamaraan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap,
o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang
mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait,
atbp. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit", "Mahusay
bumigkas ng tula ang batang si Boy".

Pang-agam[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan
sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga
pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang
pangungusap na "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."[2]

Panang-ayon[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang
mabilis ang pag-unlad ng bayan."
Pananggi[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan
ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw. Halimbawang pangungusap para rito ang
"Hindi pa lubusang nagamot ang kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".

Panggaano o pampanukat[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat,
o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga.
Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang libra." [2]

Pamitagan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasaad ng paggalang. Halimbawang
pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?" [2]

Panulad[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Halimbawa ng
paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling sumayaw si Armando kaysa kay Cristito."[4]

Kundisyonal nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaaad ng pandiwa. Ang mga
pang-abay na ito ay may mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o pag at pagka.

2. Panang-ayon ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang ilan sa ganitong pang-abay ay oo, opo,
tunay, talaga, at iba pa.

3. Pananggi ang mga pang-abay na ito ay nagsasaaad ng pagtanggi, tulad ng hindi o di at ayaw.

4. Panggaano yaong mga pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang

5. Kusatibo ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaa ng dahilan ng pagganap sa kilos ng
pandiwa. Binubuo ito ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.

6. Benepiktibo ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa
pagkakaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa. Ito ay karaniwang binubuo ng
parirala na pinangungunahan ng para sa.

The four pdf worksheets below are about Filipino adverbs (mga pang-abay). The three kinds
of pang-abay included in these worksheets are pang-abay na ingklitik (enclitic
particles), pang-abay na panang-ayon (adverbs of affirmation), and pang-abay na
pananggi (adverbs of negation).

There are 16 pang-abay na


ingklitik: ba, daw/raw, din/rin, kasi, kaya, lang/lamang, man, muna, na, naman,
nga, pa, pala, sana, tuloy, and yata.

Examples of pang-abay na panang-ayon are oo, talaga, totoo, tunay, and sadya.
Examples of pang-abay na pananggi are ayaw, di, hindi, hinding-hindi, and huwag.
These three kinds of pang-abay are usually introduced in the fifth grade. These worksheets may
be used for fifth or sixth grade students. You may download and print these worksheets for your
students or children, but please do not do so for profit.

The two worksheets below ask the student to choose the correct pang-abay na ingklitik that
will complete the sentence. The student is asked to choose among three.

1. Pagpili ng Angkop na Pang-abay na Ingklitik_1; Mga sagot sa Pagpili ng Angkop na


Pang-abay na Ingklitik_1

2. Pagpili ng Angkop na Pang-abay na Ingklitik_2; Mga sagot sa Pagpili ng Angkop na


Pang-abay na Ingklitik_2

3. Pagkilala sa Pang-abay na Panang-ayon at Pananggi_1; Mga Sagot sa Pagkilala sa


Pang-abay na Panang-ayon at Pananggi_1: This 15-item worksheet asks the student to
underline the pang-abay in the sentence and tell whether it is a pang-abay na panang-
ayon or a pang-abay na pananggi.

4. Pagkilala sa Pang-abay na Panang-ayon at Pananggi_2; Mga sagot sa Pagkilala sa


Pang-abay na Panang-ayon at Pananggi_2: This 15-item worksheet has two parts. The first
part asks the student to identify the pang-abay na panang-ayon in each sentence. The
second part asks the student to identify the pang-abay na pananggi in each sentence.

You might also like