You are on page 1of 2

Uri ng Pang-abay

Pamanahon - nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa tanong na kailan?


Panlunan - nagsasaad ng pook o nang pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na saan?
Pamaraan - nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng pandiwa.
Panggaano - sumasaklaw sa bilang, dami o halaga.
Panulad - nagsasaad ng katangiang napapaloob sa pangungusap. Karaniwang ginagamit na hambingan
ng pang-uri.
Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan o pag-aalinlangan.
Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, bilang o halaga.
Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtangaap sa kausap.
Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat o pagbawal.
Panunuran - tumutukoy sa sunud-sunod na hanay o kalagayan.
Pamitagan - nagpapakilala ng paggalang at pagsasaalang-alang.
Panuring - nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob

Kayarian ng pang-uri

1. Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
2. Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin,
mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
3. Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa:
pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
4. Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-
aso, kapit-tuko, balat-sibuyas.

Uri ng pang-uri

1. Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
2. Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
3. Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami
- Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
- Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang
bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
- Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
4. Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao,
bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.

Kaantasan ng pang-uri

1. Lantay - naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
2. Pahambing - nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
3. Pasukdol - ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan.

Mga uri ng panghalip
panghalip na panao - ako, ko,akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya,kanila, siya,
at kanya
panghalip na pamatlig
panghalip na pananong - ano,anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, at alin-alin
panghalip na panaklaw lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang
panghalip na pamanggit na, -ng


Tuon ng pandiwa

1. Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang
tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
Nagpahatid ng pasasalamat si Elijah kay Nathalie dahil niligtas niya ang kanyang buhay.
2. Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin
sa pangungusap.
Ginawa ni Ernest ang espadang ito para sa ikaliligaya ni Ian.
3. Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan
ng kilos.
Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.
4. Tagatanggap o Benepaktibo - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o
kilos na isinasaad ng pandiwa.
Ipinaghanda ni Mig ng masarap na kakanin si Bianca.
5. Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos
o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.
Ibinato niya ang yeso kay Jenille.
6. Sanhi o Kosatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o
sanhi ng kilos.
Ikinatuwa ni Monica ang katagumpayan ng programang EST.

Relasyon ng pandiwa sa simuno

1. Aktor. Nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng pangungusap
Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat Bulaga.
2. Layon. Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.
Ang basura ay ipinatapon niya sa basurahan.
3. Ganapan. Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos.
Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.
4. Tagatanggap. Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.
Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila..
5. Gamit. Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.
Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.
6. Sanhi. Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.
Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.

You might also like