You are on page 1of 17

TEORYA NG DISKURSO

VARIATIONIST THEORY
 Pinangunahan ni William Labov(1971), isang
Amerikanong linggwista na nag-impluwensya sa
mga metodolohiya sa linggwistika.
 Nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit
ng mga taong sangkot sa isang diskurso;
kinapapalooban ito ng pagkakaiba ng tono,
intonasyon, gamit ng salita gayon din ang
estrukturang panggramatika ng isang ispiker.
 Binibilang ang dalas na gamit sa wika upang
masuri ang kalikasan ng diskurso.
Halimbawa:
Ang “gamit” ng salita ay nagbabago sa “porma”
nito, sa tuntunin ng wikang Filipino, ang
panghalip na kayo ay ginagamit na panghalili sa
maramihang ngalan; ngunit mapapansin na sa
pakikipag-usap sa isang matanda ay nagagamit
ang kayo, “Kumusta po kayo?”, “Pasok po kayo.”
PRAGMATIC THEORY

 Pinangunahan ni Paul Grice(1967), pilosopo ng


wika na may impluwensya sa pag-aaral ng
semantika sa dulog pilosopikal.
 Teoryang tutukoy sa kakayahan ng
tagapagsalita na magamit ang wika sa diskurso
na mauunawaan agad ng tagapakinig o
tagatanggap.
 Sinasabing ang pragmatics ay binubuo ng tatlong
kakayahan sa pagsasalita:
1.Paggamit ng wika para sa iba’t ibang pamamaraan
Halimbawa: pagbati, pagbibigay ng impormasyon, paghingi ng
pahintulot at pagsabi ng pangako
2.Pagbabago sa gagamiting wika base sa pangangailangan o
inaasahan ng kausap
Halimbawa: pakikipag-usap sa bata kaysa sa matanda at
pagbibigay ng impormasyon sa di-gaanong kakilala
3.Pagsunod sa panuntunan ng konbersasyon o narativ
Halimbawa: pagkukuwento, pag-uulat hinggil sa aklat na binasa,
at pagsasalaysay ng mga pangyayaring naganap sa buong
maghapon
SPEECH ACT THEORY

 Isinulong ni John Langshaw Austin(1962) at


pinalawig ni John Rogers Searle, pilosopo ng
wika sa Britanya na nakilala sa kanilang
paniniwala na kayang mabago ng salita nag
realidad.
 Ang pananalita o diskurso ay kaugnay ng
aksyon.
Speech Acts – ito ay kaugnay sa gampaning
lokusyon at ilokusyon, na ang hangarin ay
makilala ang tungkulin o gampanin ng lokusyon.
Ito man ay tumatanggap o gumaganap. Ang
teoryang ito ay tumutukoy sa paniniwalang
anuman ang ating sabihin, lagi na itong may
kaakibat na kilos maging ito man ay paghingi ng
paumanhin, pagbibigay-babala, panghihimok at
iba pa.
Ang tagapagsalita ay maaaring makagawa ng
tatlong akto ng pagsasalita (speech acts):

 Aktong lokyusyonari
 Aktong ilokyusyonari

 Aktong perlokyusyonari
Aktong lokyusyonari
 Tumutukoy sa pagsasabi ng anuman sa
karaniwang pamamaraan nang hindi
kinakailangan ng aksyon.
Halimbawa:
 Kay ganda ng panahon.

 Magbabakasyon kami sa South Korea.

 Napakatalino niya.
Aktong ilokyusyonari
 Pagsasagawa ng aksyon na naaayon sa tamang tono,
attitude, damdamin, motibo at intensyon.
Halimbawa:
 Habang sinasabi mo ang… Magbabakasyon kami sa
South Korea, ay tuwang tuwa o tumatalon sa sobrang
saya… ikaw ay nagpapakita ng aktong ilokyusyonari.
Aktong perlokyusyonari
 Ang pagsasabi ng anuman ay lumilikha ng
epekto sa damdamin, isipan, kilos ng
nagsasalita, kausap at ng iba pang tao.
Halimbawa:
 Kung sinasabi mo na… “May sunog!”(na
malakas/may takot o pangamba/nagbibigay
babala) at ang mga nakarinig ay(kumaripas ng
takbo sa takot) ito ang tinatawag na aktong
perlokyusyonari.
Mas pinalawig pa ni John Searle ang mga
binanggit ni John Austin at narito ang mga
sumusunod:
 Assertiv

 Direktiv

 Komisiv

 Expresiv

 Declarativ
Assertiv - ang pahayag ay maaaring masabing
tama o mali, totoo o hindi sapagkat tumutukoy ito
sa kalagayan ng estado o lipunan. Sa aktong ito,
may ginagawang asersyon sa ipinapahayag.
Halimbawa:
 Ako ay lalaban para sa hustisya.

 Karapatan kong magtanong tungkol sa


gobyerno.
 Tutulong ako sa pagpapaunlad ng lipunan.
Direktiv – ang pahayag ay nagtatangkang itugma
ang aksyon ng kausap sa laman ng proposisyon.
Sa aktong ito, nagbibigay ng utos ang pahayag sa
kanyang kausap.
Halimbawa:
 Pakibili mo nga ng gamot si Inang sa botika.

 Hugasan mo ang mga pinagkainan.

 Pakihatid mo nga si Neri sa paaralan.


Komisiv – pahayag na nagtatakda ng isang
pagkilos mula sa tagapagsalita. Sa aktong ito,
may komitment na sinasabi ang nagpapahayag.
Halimbawa:
 Di ko tatalikuran ang aking pinagmulan.

 Pag-aaralin ko ang aking mga anak.

 Mag-aaral akong mabuti para sa aking pamilya.

 Aalagaan ko ang aking lola.


Expresiv – pahayag na nagpapalitaw ng
sinseridad ng nagsasalita. Sa aktong ito,
nagsasabi ng pananaw/damdamin ang
tagapagsalita.(pasasalamat, pagbati, paghingi ng
paumanhin, pangako)
Halimbawa:
 Maligayang bagong taon!

 Pasensya na po.

 Sasamahan na kita sa susunod.


Declarativ – pahayag na nagtatangkang
magpabago sa mundo sapagkat nagrerepresenta
ito ng pagbabago. Sa aktong ito’y nagbibigay ng
deklarasyon.
Halimbawa:
 Halos lahat ay matataas ang nakuha sa
pagsusulit.
 Bukas ay walang pasok dahil “Araw ng mga
Bayani”
 Ang vitamin C ay nakakpagpakinis sa balat at
nagpapalakas ng immune system.

You might also like