You are on page 1of 2

Bahagi ng Pananalita (Pangatnig)

Depinisyon
 Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala,
sugnay o pangungusap.

Iba’t Ibang Uri ng Pangatnig


1. Paninsay – ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.
Ilang halimbawa ng mga pangatnig na nagpapakita nito ay ngunit, habang, bagamat,
subalit, pero, datapwat, kaso, at iba pa.
- Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kaniyang prinsipyo ay mananatiling
buhay.

2. Pandagdag – ay isang uri ng pangatnig na nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag, Ito ay


ginagamitan ng mga katagang at, saka, pati, at iba pa.
- Halimbawa: Ang layunin ni Andres Bonifacio ay tulungan ang mga naaaping Pilipino pati
na rin ang pagpapalaya sa Pilipinas.

3. Pananhi - ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala


ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob. Ilang
halimbawa ng mga pangatnig na nagpapakita nito ay sapagkat, dahil, pagkat, kasi at iba
pa.
- Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun na
magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.

4. Pamukod - ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.
Ilang halimbawa ng mga pangatnig na nagpapakita nito ay o, ni, maging, at iba pa.
- Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.

5. Panlinaw - ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
Ilang halimbawa ng mga pangatnig na nagpapakita nito ay kaya, anupa, samakatuwid,
sa madaling salita, kung gayon at iba pa.
- Halimbawa: Dahil sa pagpapako sa krus ni Hesu Kristo kaya tayo ay naligtas mula sa
ating mga naging kasalanan.

6. Panubali - nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o


pangungusap upang mabuo ang kahulugan. Ilang halimbawa ng mga pangatnig na
nagpapakita nito ay kapag, sana, sakali, kung, ‘di, kundi at iba pa.
- Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

7. Panapos - nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita. Ilang halimbawa ng mga pangatnig na


nagpapakita nito ay sa wakas, upang at iba pa.
- Halimbawa: Sa wakas, naibigay rin ang kanilang sahod.

Hinanda Ni: Hans Matthew Antiojo


8. Panulad - nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari. Ilang
halimbawa ng mga pangatnig na nagpapakita nito ay kung, kung saan, gayon din at iba
pa.
- Halimbawa: Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

Hinanda Ni: Hans Matthew Antiojo

You might also like