You are on page 1of 12

Ito ay ang bahagi ng ating pananalita na nag-

uugnay ng salita sa kapwa salita, ng isang


parirala, sa kapwa parirala, o ng sugnay sa
kapwa sugnay upang mabuo ang diwa o
kaisipan ng isang pahayag.
Ito ay karaniwang makikita sa simulang-simula
o kalagitnaan ng mga pangungusap. Pwedeng
ipagkumpara o ipaugnay ng mga pangatnig
ang magkaparehang yunit o magkatimbang na
kaisipan o kaya di-magkaparehang yunit na
kaisipan.
1. Pangatnig na Pamukod
2. Pangatnig na Pandagdag
3. Pangatnig na Pananhi
4. Pangatnig na Panubali
5. Pangatnig na Panlinaw
Ito ay isang uri ng pangatnig na mayroong
pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan.
Karaniwang nilalagyan ito ng mga katagang ni,
o, at maging.
Ito ay isang uri ng pangatnig na nagsasaad ng
pagpupuno o pagdaragdag. Ito ay ginagamitan ng
mga katagang at, saka, at pati.

Halimbawa:
Ang layunin ni Andres Bonifacio ay tulungan ang
mga naaaping Pilipino pati na rin ang pagpapalaya
sa Pilipinas
Ito ay isang uri ng pangatnig na ginagamit upang
magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran, kung
tumutugon sa tanong na bakit. Ito ay ginagamitan ng mga
katagang: sapagkat, dahil, palibhasa, pagkat at kasi

Halimbawa:
Gustong makalaya ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Espanyol sapagkat sila ay inaabuso.
Ito ay isang uri ng pangatnig na nagpapakita ng
pagbabakasali o pag-aalinlangan. Ginagamitan ng mga
katagang: kung, di, kundi, kapag, sana at sakali

Halimbawa:
Kapag hindi ka nagpatawad ay hindi ka magiging masaya
Ito ay isang uri ng pangatnig na ginagamit upang linawin
o magbigay-linaw sa isang sitwasyon o paliwanag. Ito ay
ginagamitan ng mga katagang: anupa, kaya,
samakatuwid, sa madaling salita, at kung gayon.

Halimbawa:
Dahil sa pagpapako sa krus ni Hesu Kristo kaya tayo ay
naligtas mula sa ating mga naging kasalanan
Sa bawat uri ng pangatnig na tinalakay, magbigay
ng 2 hanggang 4 na halimbawa na ginagamitan ng
mga pangatnig sa bawat uri ng pangatnig na
tinalakay. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang
mga pangatnig at ang pangalan ng manunulat sa
bawat bilang upang masabi mo ang iyong palay
patungkol sa kanilang mga katangian o nagawa
para sa ating Inang Bayan.
1. Habang (Marcelo H. Del Pilar)
2. Pati (Graciano Lopez Jaena)
3. Dahil (Apolinario Mabini)
4. Kundi (Jose Rizal)
5. Sana (Andres Bonifacio)

You might also like