You are on page 1of 21

MASINING NA

PAGPAPAHAYAG
PAGSUSULAT
Fil103

URI NG TAYUTAY

inihanda ni: Cilena p. domenicina


11. pagmamalabis (hyperbole)
• Pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan
ng tao, bagay, o pangyayari na
ginagamitan ng eksaherasyon.

halimbawa:
Umuulan ng pera tuwing mag-eeleksyon.
11. pagpapasidhi
• Ang pagpapasidhi ng damdamin ay tumutukoy sa antas
ng pagpapahayag ng damdamin, emosyon o saloobin.
ito ay ang pagpapahayag ng damdmin na may pagbigat
o paglaki ng nararamdamang emosyon. sa makatuwid,
ang pagpapasidhi ng damdamin ay tumutukoy sa
pagpapataas ng antas ng emosyon.
Halimbawa:
Hindi maaring sabihin na ikaw ay humahagulgol
kung humihikbi ka lamang.
13. anti- klaymaks ( anit-climax)
Ito ang paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin o
kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbasa ng tindi
ng kahulugan o ng ideya.

halimbawa:
Ang pagmamahal niya sa akin ay tila lumayo, nawala, at
napawi.
14. Pagtatambis/tambisan(Antithesis)

• Pagtatabi ng mga hagap na nakakahidwaan sa kahulugan


upang lalong mapatingkad na lalo ang salita.

halimbawa:
Siya ay isang taong sala sa init, sala sa lamig
ayaw ng tahimik ayaw rin ng magulo,
nayayamot din sa mangmang, isang
nakakalitong nilalang.
15. pagsalungat ( oxymoron)
Paggamit ng dalawang salitang magkasalungat o pahayag na
nagsasalungatan.

halimbawa:
Sa buhay, pareho mong mararanasan ang liwanag at dilim,
ang tagumpay at kabiguan.
16. Paghihimig (onomatopoeia)
• Paggamit ng mga salitang ang tunog ay gumagagad
sa inilalarawan; naipapahiwatig dito ang kahulugan
sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.

halimbawa:
Masayang makarining ng pag-twit-twit ng ibon
pagkagising sa umaga.
17. Paglumanay ( euphemism)
Paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag;
pagpapahayag na gumagamit ng mga malumanay at
magagandang pananalita upang tukuyin ang isang pangyayari na
maaring kung sasabihin nang tiyakan ay masakit o pangit sa
pandinig.

halimbawa:
Ako'y tinawag ng kalikasan.
18. Paglilipat-wika ( Transfered epithet)

• Ito ay pagbibigay-katauhan na pinagsasabay ang mga


katangiang pantao na ginagamit ang pang-uri

halimbawa:
Masaya ang kulay ng palda ni Ashly.
19. Pagbibigay- aral

Isang makalumang anyo ito ng patalinghaga. Isang uri ng


paglalahad na hanggang ngayon ay mabisa pa rin naman. Di
tuwiran itong nangangaral, masa-matatanda, o masa- kabataan.
Parabula
Ito ay isang kuwento na hango sa banal na aklat
o bibliya. ito ay ang katawagan sa mga kuwento
na ginamit ng ating panginoon sa kanyang
pangangaral. Ito ay nagmula sa salitang Griyego
"Parabole" na ang ibig sabihin ay paghahambing
upang makita ang pagkakaiba at pagkakatulad.

halimbawa:
Ang Mabuting Samaritano.
( aklat ng Lucas kabanat 10 talata 25 hanggang 37 Lucas 10:25:37)
Pabula
Ang karaniwang pabula ay kuwento kung saan mga
hayop ang gumaganap at ang mga hayop na ito ay
kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.

halimbawa:
Ang Kuneho at ang Pagong.
Talinghaga
Ito ay isang pamapanitikan o retorika na pigura na
kung saan ang kahulugan ng isang konsepto ay
maiiugnay sa isa pa, nagtatatag ng pagkakatulad sa
pagitan ng dalawa. Binabago ng talinghaga ang mga
konsepto, na ebidensya ang pagkakapareho sa pagitan
nila

halimbawa:
Isang ina ang nagbibigay ng kanyang buhay
para sa kanyang supling.
20. Pagtatanong( rhetorical question)
• Ito ay hindi naghihintay ng kasagutan at hindi rin
nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Wala itong
inaasahang sagot kung saan ang layunin ay
maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.

halimbawa:
Bakit maitim ang iyong budhi?
Maraming Salamat
sa Pakikinig
Mayroon ba kayong nais linawin?

You might also like