You are on page 1of 60

Mga Uri

ng
Tayutay
PINAGMULAN

Ang tayutay ay nanggaling sa


salitang “taytay” na ang ibig
ipagkahulugan ay “tulay”. Isang
matalinghagang pananalita na
ang layunin ay maging maganda
at kawili-wili ang pagpapahayag.
Tayutay

Ito ay isang sinadyang paglayo sa


karaniwang paggamit ng mga
salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-
akit ang pagpapahayag.
1. Pagtutulad (Simile)

Paghahambing sa dalawang
magkaibang tao, bagay,
pangyayari at iba pa.
Ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, kapara ng, gaya ng,
katulad ng, parang, kawangis
ng, animo, kagaya ng, mistula,
tila, wari, at iba pa.
Halimbawa:

a. Siya ay kapara ng kandilang


unti-unting nauupos.
b. Ang tao ay gaya ng
halamang nararapat diligin.
2. Pagwawangis (Metaphor)

Isang tuwirang paghahambing na


hindi ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, para ng, kawangis ng,
animo at iba pa.
Halimbawa:

a. Ang ina ni Joshua ay bituing


tanglaw niya sa landas ng
buhay.
b. Si Eugene ay isang ibong
humanap ng kalayaan.
3. Pagtatao (Personification)

Nagsasalin ng talino, gawi at


katangian ng tao sa bagay na
walang talino. Pandiwa ang
kadalasang ginagamit dito.
Halimbawa:

a. Lumuluha ang liham na


natanggap ni Carlo.
b. Ang buwan ay nahiya at
nagtago sa ulap.
4. Pagmamalabis (Hyperbole)

Lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang katunayan at
kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari at iba pa.
Halimbawa:

a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa


tindi ng pagdadalamhati.
b. Halos mawalan ng ulo si Jade sa
sobrang tindi ng talakayan sa
klase.
5. Pag-uyam (Sarcasm)

Ito ay mga pananalitang


nangungutya sa tao o bagay, tila
kapuri-puring pangungusap
ngunit sa tunay na kahulugan ay
may bahid na pag-uyam o
insulto.
Halimbawa:

a. Kay kinis ng mukha mong


butas-butas sa kapipisil mo ng
mga taghiyawat.
b. Talaga pa lang masipag ka,
wala kang ginawa kundi
matulog maghapon.
6. Paglilipat-Wika (Transferred Epithet)

Ito ay gumagamit ng pang-uri


upang bigyang paglalarawan
ang bagay.
Halimbawa:

a. Ang matalinong pluma ni Rizal


ang nagbigay sa atin ng
kalayaan.
b. Ang kanilang mapagpatuloy na
tahanan ay kumanlong ng mga
sugatan.
7. Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)

Ito ay pagbanggit sa bahagi ng


isang bagay o ideya bilang katapat
ng kabuuan.
Halimbawa:

a. Hiningi ni Carl ang kamay ng


dalaga.
b. Sampung kamay ang
nagtulung-tulong sa pag-
aararo.
8. Pagtawag (Apostrophe)

Ito ay pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na para bang
nakikipag-usap sa isang buhay
na tao na tila kaharap.
Halimbawa:

a. O, tukso layuan mo ako.


b. Pag-asa, halika rito at ako’y
nalilito na sa mga problema.
9. Tanong-Retorikal

Isang pahayag na anyong


patanong na hindi naman
nangangailangan ng sagot o
kasagutan.
Halimbawa:

a. Hanggang kailan ba masusupil


ang kasamaan na dulot ng
ipinagbabawal na gamot?
b. Hahayaan ba nating malugmok
sa kumunoy ng kahirapan ang
ating bayan?
10. Pagpapalit-Tawag (Metonymy)

Pagpapalit ng sagisag o
palatandaan sa sinasagisag,
simula para sa wakas o bise-
bersa at sisidlan sa isisilid.
Halimbawa:

a. Dapat nating igalang ang


puting buhok.
b. Si Haring Garen ang
nagmana ng korona.
11. Pagdaramdam (Exclamation)

Nagsasaad ito ng pangkaraniwang


damdamin.
Halimbawa:

a. Kailan lamang ay sumasayaw


ka sa kaligayahan at punong-
puno ng buhay, ngayon ay isa ka
nang malamig na bangkay at ni
bakas ng dati mong kasiglahan
ay wala na akong makita.
12. Tambisan (Antithesis / Oxymoron)

Pagtatabi ng mga hagap na


nagkakahidwaan ng kahulugan
upang mapatingkad pa lalo ang
mga salita.
Halimbawa:

a. Siya ay isang taong sala sa


init, sala sa lamig, ayaw ng
tahimik, ayaw rin ng magulo,
nayayamot sa mayaman at
nayayamot din sa mangmang,
isang nakalilitong nilalang.
13. Paghihimig (Onomatopoeia)

Naipahihiwatig dito ang kahulugan


sa pamamagitan ng tunog o himig
ng mga salita.
Halimbawa:

a. Dumagundong ang malakas na


kulog na sinundan ng pagguhit
ng matatalim na kidlat.
b. Kumalabog sa matigas na lupa
ang bumagsak na kargamento
mula sa trak.
14. Pagtanggi (Litotes)

Gumagamit ang pagpapahayag


ng salitang “hindi” upang
maipahiwatig ang lalong
makahulugang pagsang-ayon
sa sinasabi ng salitang
sumusunod.
Halimbawa:

a. Hindi ako bulag para hindi makita


ang panloloko mo sa amin.
b. Ayaw kong isipin na wala kang
pakiramdam para hindi makita
ang pagpapahalaga ko sa iyo.
15. Salantunay (Paradox)

Pagpapahayag ng isang
katotohanan sa pamamagitan
ng paggamit ng sangkap na
animo’y di totoo sa biglang basa
o dinig.
Halimbawa:

a. “Kapagka ang tao sapul na sa


tamad, madaling tahakin landas
ng pag-unlad”.
b. Halos di ako makakita sa sobrang
liwanag ng kanilang bahay.
16. Pangitain (Vision Imagery)

Naglalarawan sa mga laman ng


isip na animo’y tunay na
kaharap o nakikita sa
nagsasalita.
Halimbawa :

a. “Sa sinapupunan ng konde


Adolfo, aking natatanaw si
Laurang sinta ko!”
17. Paghahalintulad (Analogy)

Tambalan ng pagtutulad;
ipinahahayag ng paghahalitulad ng
magkatulad ng isang kaugnayan.
Halimbawa:

a. “Ang tingin ng paruparo sa


bulaklak, damdamin ng binata sa
dalaga ang katulad.”
18. Pahiman (Euphemism)

Ginagamit ang mga di-


makapagdaramdam na salita
kapalit ng mga pahayag na
marahas, magaspang, o
malaswa.
Halimbawa:

a.Pumanaw na ang kaniyang


matalik na kaibigan.
b.Nagbebenta ng aliw ang
dalagang iyan.
19. Pagsalungat (Epigram)

Pinag-uugnay sa uring ito


ang mga salitang
magkasalungat ng
kahulugan o diwang
ipinapahayag.
Halimbawa:

a.Ang aking kasiyahan ay


nasa aking pag-iisa.
b.Napakarami kong nasabi sa
aking pananahimik.
20. Asonansya

May pag-uulit sa patinig sa


alinmang bahagi ng salita o
pahayag.
Halimbawa:

a.Tatawa ka nang tatawa sa


ganda niyang talaga.
21. Paripantig (Alliteration)

Ang uring ito ay gumagamit ng


magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o mahigpit
pang salitang ginagamit sa
isang pangungusap (pag-uulit
sa katinig sa bahaging unahan).
Halimbawa:
a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa
niyang napakabilis na pagpapasyang
nakalikha ng pagkabalisa sa pusong
umiibig.
b. Lumingap si Romy sa kapaligiran,
lumakad ng ilang hakbang, lumingon sa
pinanggalingan at nagdudumaling
lumabas sa lumang gusaling mahabang
panahon ding naging bilangguan ng
kanyang yayat na katawan.
22. Konsonans

May pag-uulit sa katinig sa


bahaging hulihan.
Halimbawa:

a. Mapalad ang tulad niyang


nagbabad sa hubad na
katotohanan.
23. Anapora

Bilang tayutay, nagkakaroon


ng pag-uulit sa unang
bahagi ng linya o pahayag.
Halimbawa:

a.Ikaw ang sagot sa aking


dasal. Ikaw ang
makapagpapawi ng aking
kalungkutan. Ikaw ang
buhay ko.
24. Epipora

Nagkakaroon ng pag-uulit
sa huling bahagi ng linya o
pahayag.
Halimbawa:

a. Ang dahilan ng lahat ay


ikaw kaya ang muling
iibigin ko ay ikaw.
25. Anadiplosis

May pag-uulit ng salita sa


mga bahaging una at huli.
Halimbawa:

a. Ako ang kaniyang buhay.


Buhay ko ay siya. Siya
ang kahulugan ng salitang
ako.
26. Talinghaga (Allegory)

Salaysay ng mga
pangyayari at buhat sa mga
makatotohanang karanasan
ng tao.
Halimbawa:

a.Noli Me Tangere
b.El Filibusterismo
27. Balintunay (Irony)

Pag-uyam sa pamamagitan
ng laban sa kahulugan ng
ibang kahulugan.
Halimbawa:

a. “Talaga nga palang sa


buhay na ito, marami ang
mali kaysa sa totoo.”
28. Pagsusukdol (Climax)

Ito ay ang pagtaas ng


paghahanay ng mga
kaisipan o ng mga salitang
ayon sa kanilang
kahalagahan, mula sa
pinakamababang antas
hanggang sa pinakamataas.
Halimbawa:

a. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa


katotohanan – nagbibigay-kulay, nagbibigay-
buhay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga.
b. Noon nagbago-bago ang anyo ng araw –
naroong sumilip, sumikat, kumubli. At
nagbago ang kulay ng langit – naroong
bughaw, abuhin, itim. At noon nagbago-bago
ang hampas ng hangin – naroong mayumi,
masungit, mabangis.
Maraming
Salamat!

You might also like