You are on page 1of 7

SOSYEDAD AT LITERATURA / PANITIKANG PANLIPUNAN NOTES

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGMANGGAGAWA, PANGMAGSASAKA, AT PAMBANSA

Napakahalaga ng gampanin ng manggagawa sa pagtataguyod ng ekonomiya ng isang bansa. Batay sa


isinagawang Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Abril 2019, 1.346 milyong
trabaho ang nalikha para sa taong 2019, kung saan umabot sa kabuuang 42.242 milyong Filipino ang
may trabaho, mataas ng 3.3 porsiyento kumpara sa 40.896 milyong Filipinong may trabaho na naitala
noong nakaraang taon (www.dole.gov.ph). Ang pinakakanasa lamang ng manggagawa ay mabigyan sila
ng sapat na sweldo at benepisyo bilang kapalit sa kanilang paghahanapbuhay para sa bansa at sa
kanilang pamilya.

Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Artikulo XIII, Seksyon 3, ang estado ay nararapat na
magkaloob ng lubos na proteksyon sa paggawa at magtaguyod ng puspusang employment at pantay na
mga pagkakataon para sa lahat. Kabilang rito ay ang pagbabalangkas ng mga patakaran at desisyon na
may kaugnayan sa kanilang mga karapatan at benepisyo. Ayon naman sa seksyon 4 ng konstitusyon, ang
estado ay nagbibigay ng proteksyon sa mga magsasaka sa pagmamay-ari ng mga lupang kanilang
sinasaka at tumanggap ng kabahagi sa mga bunga niyon (www.officialgazette.gov.ph/constitutions).

Marami pang isyung pambansa ang dapat na bigyang pansin ng gobyerno at ng mamamayan nito tulad
ng kahirapan, korapsyon, trapik, droga, at agawan sa teritoryo ng Pilipinas. Napapanahon ngayon ay ang
isyu sa kalusugan bunga ng Covid 19 na pandemya, kawalan ng trabaho, kakulangan ng pondo ng
gobyerno sa pagtugon sa krisis dulot ng pandemya, at oligarkiya. Ang mga ito ay ilan lamang sa
pinakapangunahing problema ng lipunan na nararapat tugunan ng Estado.

PAGSUSURI NG TULA

Ang tula ayon kay Macaraig (2004) ay panawagan ng puso at nilalaman ng damdaming hindi
maipahahayag ng basta kilos lamang. Ang pagpapahayag nito ay sa pamamagitan ng salita‘t katagang sa
pinakapayak na pagsasaysay ay kinapapalooban ng maraming kahulugan.

TULA

-Isa sa pinakamatandang uri ng panitikang pilipino.

- Nauuri sa dalawa: tradisyunal na taludturan at malayang taludturan.

- May iba’t ibang elemento at tuntuning kailangang isaalang-alang.


MGA ANYO NG TULA

•Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)

•Tulang Dula (Dramatic Poetry)

•Tulang Dalityapi (Lyric Poetry)

•Tulang Patnigan (Joustic Poetry)

Ang tulang Pasalaysay ay tulang kasaysayang naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng
taludtod. Ang tulang Dula ay sadyang sinulat upang itanghal, samantalang ang tulang Dalityapi ay ang
tulang sadyang nababagay gamiting titik ng mga awitin. Ang tulang Patnigan naman ay ang tulang
sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata sa pamamagitan ng tagisan ng talino at
katwiran.

MGA ELEMENTO O SANGKAP NG TULA

Iba’t Ibang Elemento ng Tula

SUKAT

Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Ang tula ay may iba't ibang sukat o bilang
depende sa paraan ng pagsulat ng isang makata. Kalimitan, ang kanilang ginagamit ay ang walo,
labindalawa, labing ianim o labing- walong pantig.

TUGMA

Tumutukoy ito sa Magkakaparehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.

KARIKTAN

Ayon kay Inigo Ed. Regalado, "Ang tula ay isang kagandahan, diwa katas, larawan, at kabuuan ng tanang
nakikita sa silong ng alinmang langit." Sa pamamagitan ng mga piling-piling salita, tunog, talinhaga,
larawang diwa at simbolismo ay lalong lumilitaw at tumitingkad ang kagandahan ng isang tula.

DIWA

Ang elementong ito ay tumutukoy sa pangkalahatang diwa o kaisipan ng tula na nais iparating sa
mambabasa. Sa mas madaling salita, ito ay ang tema na iniikutan ng isang piyesa.
TAYUTAY

Isang pahayag na sadyang masining at kaakit-akit. Nagpapahayag ito ng makulay at mabisang


pagpapakahulugan.

A. Pagtutulad (simile)

Ito ay paghahambing ng dalwang magkaiba o di- magkauring bagay, tao, kaisipan, pangyayari o iba pa;
paggamit ng tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri. Ito ay ginagamitan ng mga
salita o pariralang parang, wangis, gaya, animo’y, tila at iba pa.

Halimbawa:

Ang kanyang kagandahan ay parang si Athena.

b. Pagwawangis (metaphor)

Ito ay hindi ginagamitan ng mga salita o pariralang tulad ng , kawangis ng , gaya ng , animo’y, atbp
sapagkat tuwiran ang paghahambing; paggamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagkukumpara
ng dalawang bagay na magkaiba ng uri.

Halimbawa:

Kutis labanos ang kanyang balat.

c. Pagbibigay-katauhan (personification)

Paggamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos gaya ng mga pandiwa at pandiwari at pangngalang diwa
para mabigyang buhay ang mga bagay na likas na walang buhay; pagsasalin ng mga katangian ng tao sa
isang bagay.

Halimbawa:

Tumatalon ang kanyang puso dahil sa labis na kasiyahan.

d. Pagmamal Abis (hyperbole)

Isang pahayag na eksaherado, lagpas- lagpasan dahil sa kalabisan o kakulangan ng katangia ng isang
bagay, pangyayari, kalagayan at iba pa; labis sa katotohanan.

Halimbawa:

Nagliliyab na ang mata ng bata dahil sa taas ng lagnat.


e. Pagtawag (apostrophe)

isang anyo ng panawagan o pagkausap sa isang tao (karaniwang patay o wala sa isang tiyak na pook) o
isang bagay o bahagi ng kalikasan at binibigyan ng katangiang pantao.

Halimbawa :

Bakit! Bakit mo kami pinahihirapan!

f. Pagpapalit- Tawag (metonymy)

paggamit ng isang pangngalang panumbas o nagpapahiwatig ng kahulugan ng isa pang salita; ang
pagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.

Halimbawa :

Mahirap nang humilom ang sugat na likha ng nakaraan.

g. Paghihimig (onomatopeia)

Ito ay paggamit ng mga salitang ang tunog ay bumubuhay sa inilalarawan; nagpapahiwatig ito ng
kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.

Halibawa :

Malakas na malakas ang kariring ng telepono kaya kami nagising.

h.Pagsalungat/ pagtatambis/ antitesis/ epigram (oxymoron)

Ito ay pagsasama ng magkakasalungat na salita na hindi pinag-uugnay; paggamit ng dalawang salitang


magkasalungat o pahayag na nagsasalungatan.

Halimbawa:

simula at wakas

may lungkot at tuwa

masamang kaibigan

i.Klaymaks

pagpapakita ng kahalagahan ng mga salita o kaisipan mula sa pinakamababang antas hanggang


pinakamataas.

Halimbawa:
Ang kanyang galit ay napalitan ng matinding poot.

j. Antiklaymaks

Paggamit ng mga salita mula sa mataas hanggang sa pinakamababa.

Halibawa:

Nakadarama ako ng matinding kasiyahan,ng saya at tuwa.

k. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)

may dalawang paraan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan o pabahagi at maaari rin
namang nag-iisang tao ang kumakatawan sa isang pangkat o patukoy.

Halimbawa (pabahagi):

. Sampung bibig ang umaasa sa aking paghahanap buhay

Halimbawa (patukoy):

Isang singkit ang nagwagi sa ginanap na Miss Universe noong nakaraang taon.

l. Paralelismo(parallelism)

paggamit ng inihahanay na salita o kaisipan sa paraang magkakahawig na istruktura.

Halimbawa:

sabay-sabay na pag -awit,

sabay -sabay na paggalang

m.Paglumanay(euphemism)

paggamit ng mga salitang piling-pili, mabubuti at magaang pananalita na ginagamit sa mahinahong


pagsasabi; napapaganda ang mga pangit na pahayag.

Halimbawa:

Ang aming kasambahay (utusan) ay napakasipag.

n. Paglilipat-wika (transferred epithets) –

paggamit ng pang-uri, mga pang-uring tanging sa tao lamang ginagamit para sa pagbibigay-katauhan na
pinasasabay ang mga katangiang pantao.
Halimbawa:

Kay lambing ng hanging dumadampi sa kanyang balat.

o. Pagtanggi/Parelepsis/Litotes –

pagpapahayag ng pagsalungat subalit ito ay sadyang nagpapahiwatig ng pagsang-ayon.

Halibawa:

Hindi sa hindi ako naniniwala sa’yo, pero mahalaga pa rin ang matrimonya ng kasal.

p. Pag-uyam (Irony)

paggamit ng mga salitang panunudyo, panlibak, o pagkutya.

Halimbawa:

Mabait ka talagang bata kaya parati kang napapagalitan.

q. Aliterasyon

kapag ang unang titik o panig ng mga salita ay magkatulad

halimbawa:

magdamag di makatulog, magulo’t masalimuot ang isipang maraming agam-agam mulat ang matang
may kalungkutan.

r. Asonansya

kapag ang unang titik o panig ng mga salita ay kapwa patinig.

Halimbawa:

Ako ay alagang-alaga at araw-araw inaasikaso ng aking ate.

Paggamit ng Contextual na Clue -ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa


pangungusap.

Halibawa:

ng iyong mga pangarap ay malalansag sa pader ng gobyerno kung hindi ka nila sasang-ayunan.

malalansag- madudurog

You might also like