You are on page 1of 22

Mga Tayutay o

Mga Salitang
Patalinghaga
Tayutay (Figures of Speech)
Isang pahayag na
sadyang masining at
kaakit- akit. Naghahayag ito
ng makulay at mabisang
pagpapakahulugan.
1. Pagtutulad o Simile –paggamit ng tuwirang
pagkukumpara ng dalawang bagay na
magkaiba ng uri.
Halimbawa:
Ang tren ay parang alupihan.
2. Pagwawangis o Metapora – paggamit
ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng
pagkukumpara ng dalawang bagay na
magkaiba ng uri. Hindi na ito ginagamitan
ng mga pariralang tulad ng, kawangis
ng, gaya ng, animo’y, atbp.
Halimbawa:
Tinik siya sa lalamunan ni Angelo.
3. Pagbibigay- katauhan o Personification-
pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang
bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng
paggamit ng pandiwa.
Halimbawa:
Sumasayaw ang mga alon sa karagatan.
4. Pagmamalabis o Hyperbole- isang
pahayag na eksaherado o labis sa
katotohanan.
Halimbawa:
Nagliliyab ang mga mata ng galit na
galit na lalaki.
5. Pagtawag o Apostrophe – isang
pabulalas na pagkausap sa isang tao
(karaniwang patay o wala sa isang tiyak
na pook) o isang bagay o bahagi ng
kalikasan na binibigyan ng katangiang
pantao.
Halimbawa:
Pag- ibig! Masdan ang ginawa mo.
6. Pagpapalit- tawag 0 Metonymy-
paggamit ng isang salitang panumbas o
nagpapahiwatig ng kahulugan ng di-
tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng
katawagan o ngalan sa bagay na
tinutukoy.
Halimbawa:
Malalim na pilat ang naiwan sa kanyang
puso.
7. Pagpapalit- Saklaw o Synecdoche –
pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan; maaari rin namang nag- iisang tao
ang kumakatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
Isang kayumanggi ang pinarangalan sa
larangan ng boksing.
8. Paghihimig o Onomatopoeia– paggamit
ng mga salitang ang tunog ay gumagagad
sa inilalarawan; naipapahiwatig dito ang
kahulugan sa pamamagitan ng tunog o
himig ng mga salita.
Halimbawa:
Kumalabog sa matigas na lupa ang
bumagsak na kargamento mula sa trak.
9. Pagsalungat / Oksimoron/ Epigram o
Oxymoron– paggamit ng dalawang
salitang magka salungat o pahayag na
nagsasalungatan.
Halimbawa:
tumatawa’y umiiyak
may lungkot at tuwa
mabuting kaaway
10. Paralelismo o Parallelism– paggamit ng
inihahanay na kaisipan sa magkakahawig na
istruktura, tulad ng:
Halimbawa:
sama- samang nabubuhay
sama- samang namamatay
11. Paglumanay o Euphemism– paggamit ng mga
salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag;
pagpapahayag na gumagamit ng mga
malumanay at magagandang pananalita upang
tukuyin ang isang pangyayari na maaaring kung
sasabihin nang tiyakan ay masakit o pangit sa
pandinig.
Halimbawa:
Ang babaeng naglalaro ng apoy (nagtataksil)
ay humantong sa isang makabagbag
damdaming tagpo sa harap ng kapitbahay.
Mga Uri ng
Matalinghagang
mga Pananalita
Pahayag Idyomatiko
(Idiomatic Expression)
Isang pariralang ang kahulugan ay
di mahahango sa alinmang bahagi
ng pananalita.
Ang kahulugan ng mga ito ay di
bunga ng pagsasama ng kahulugan
ng mga salitang bumubuo sa mga ito
kundi isang natatanging kahulugang
naiiba sa mismong parirala.
 Malayo ang kahulugang literal
o tuwirang kahulugan sa
kontekstwal o tunay na
kahulugan.
Matatag na ang pagiging
gamitin ng mga pahayag
idyomatiko dahil ginagamit na
sa mahabang panahon at
bahagi na ng talasalitaan ng
bayan.
Nagpasalin-salin ito sa bibig ng mga tao.

Halimbawa:

alagang ahas – taksil, walang utang-na-loob,


kalawang sa bakal
gagapang na parang ahas – maghihirap ang
buhay, maghihikahos, magiging miserable ang
buhay
parang ahas na kuyog – galit na lahat ang
buong angkan sa kagalit ng isa sa kanila
bagong ahon – baguhan sa pook, bagong salita
alanganin – bakla, tomboy
lumilipad sa alapaap – walang
katiyakan, alinlangan
inalat – minalas, inabot ng alat
pagkain ng alikabok – tinalo sa isang
karera ng takbuhan
nasagap na alimuom – nakuhang
tsismis, sabi-sabi, bali- balita,
alingasngas
Patayutay na Pananalita
(Figurative Word or Phrase)
Isang salita o parirala na ang kahulugan ay
ipinahihiwatig ng salita o ilan sa mga salita sa parirala.
Nasisinag angkontekstwal na kahulugan sa mga
salitang ginagamit.
Halimbawa:
magulo pa sa sangkuwalang abaka – masalimuot,
napakagulo, nakalilito, walang-walang kaayusan
abo ang utak – walang pang-intindi, bobo, tanga,
mahina ang ulo
anay – lihim na kaaway
anak sa labas – anak sa di tunay na asawa, anak sa
ibang babae
parang iniihian ng aso – di mapakali, di
mapalagay, balisa
buhol -babae – mahina o madaling makalas ang
pagkakatali, di matatag/matibay
agawin ang buhay – iligtas ang buhay sa
kamatayan
mag-alsa ng boses – sumigaw (sa galit),
magtaas ng tinig
mabigat na katawan – masama ang pakiramdam
o di maganda ang pakiramdam, tamad
Eupemistikong Pananalita
(Euphemistic Expression)
Pananalitang ipinapalit sa mga salita o
pariralang kapag ipinahayag sa tuwirang
kahulugan ay nagdudulot ng pagkalungkot o
pagdaramdam, pagkarimarim, pagkalagim o
ibang di kanais-nais na damdamin sa
pinagsasabihan o nakakarinig.
Ginagawa ang ganitong pagpapalit upang
maging kaaya-aya sa pandinig ang pahayag
at nang maiwasan ang makasugat ng
damdamin ng iba.
Madalas na ginagamit ang
mga eupemistikong
pananalita sa mga pahayag
kaugnay ng kamatayan,
maseselang bahagi ng
katawan ng tao at sa
malalaswang gawain.
Halimbawa:
Eupemistikong Pananalita Kahulugan
sumakabilang buhay namatay o binawian ng
buhay
pagsisiping o pagtatalik pag-aasawahan

You might also like