You are on page 1of 35

Ang

wastong
gamit ng
salita
Ng at nang
Gamit ng ng
Ginagamit bilang pantukoy
Halimbawa:
Nag- aaral ng Ilokano si Sonia.

Ginagamit bilang pang- ukol na ang katumbas sa ingles ay


with
Halimbawa:
Hinampas niya ng payong ang aso.

Ginagamit bilang pang- ukol na ang katumbas ay sa


Halimbawa:
Magsisiuwi ng Pilipinas ang magagaling na doktor.
Ginagamit bilang pang- ukol na nagpapakilala
ng pangngalang paari.
Halimbawa:
Tumanggap ng plake ang kanyang anak.
Ginagamit bilang taga tanggap ng kilos.
Halimbawa:
Ayaw siyang layuan ng agam- agam.
Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng
pandiwang palipat.
Halimbawa:
Gumagawa siya ng manika.
Ginagamit na pananda ng aktor o taga ganap
ng pandiwa sa tinig na balintiyak
Halimbawa:
Tinulungan ng kapatid ang kanyang ina sa
pagluluto.
Ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay- ari
ng isang bagay o katangian
Halimbawa:
Nabali ang mga paa ng mesa.
Gamit ng nang
Ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang
panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di makapag- iisa.
Halimbawa:
Nang siya ay dumating, dumagsa ang tao.

Ginagamit bilang pang- abay na nanggagaling sa “na” na


inangkupan ng “ng” kayat nagiging “nang”
Halimbawa:
Nagbalita nang malakas ang aking kaibigan sa opisina.
Ginagamit bilang salitang nangangahulugan din ng “para” o
“upang”
Halimbawa:
Sumulat ka ng mga kuwento nang manalo ka sa
patimpalak.
Ginagamit bilang salitang pang- gitna sa mga salitng
inuulit
Halimbawa:
Iyak nang iyak ang dalagang malungkot.

Ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang


pangungusap at ito rin ang panimula ng katulong na
sugnay.
Halimbawa:
Maghugas ka ng pinggan nang makakain na kayo.
MAY AT
MAYROON
GAMIT NG MAY
Ginagamit ang may kung ang sumusunod na salita ay:

Pangngalan
Halimbawa:
May batang nahulog.

Pandiwa
Halimbawa:
May sasayaw na babae mamayang gabi.
Pang- uri
Halimbawa:
May bagong bahay na nasunog.

Panghalip na paari
Halimbawa:
May kanya- kanya tayong alam.

Pantukoy na mga
Halimbawa:
May mga batang pupunta dito mamaya.

Pang- ukol na sa
Halimbawa:
May sa kalabaw ang boses ng taong iyan.
Gamit ng mayroon
Sinusundan ng panghalip na palagyo Halimbawa:
Mayroon kaming dadaluhang pulong bukas.

Sinusundan ng isang kataga


Halimbawa:
Mayroon ding pulong ang kababaihan.

Ginagamit sa patalinghagang kahulugan


Halimbawa:
Si Mayor Favila ang mayroon sa lahat.

Ginagamit bilang panagot sa tanong.


Halimbawa:
May kapatid ka pa ba?Mayroon.
Subukin at
subukan
Subukin
“pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang bagay o tao”

Subukan
“tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao
o ng mga tao”

Halimbawa:
Subukin mong gamitin ang sabon na ito.
Subukan nila ang disiplina ngmga mag- aaral.
Pahirin at
pahiran
Pahirin
pag- aalis o pagpapawi o pagtatanggal ng
isang bagay.

Pahiran
paglalagay ng bagay

Halimbawa:
Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha
Pahiran mo ng pulang pintura ang gate.
Walisin at
walisan
Walisin
pandiwang pokus sa layon

Walisan
pandiwang pokus sa ganapan

Halimbawa:
Walisin mo ang mga tuyong dahon sa
bakuran.
Walisan mo ang bakuran.
MALIBAN AT
BUKOD
Maliban
(except o aside) may kahulugang matangi sa bagay na
binanggit ay wala nang iba

Bukod
(in addition to o besides) karagdagang sa mga bagay na
binanggit

Halimbawa:
Maliban sa lupa, wala na siyang maiiwan sa nag- iisang
anak.
Bukod sa lupa, may bahay pa siyang maiiwan sa nag-
iisang anak.
Kung at kong
Gamit ng kung
Ginagamit na pangatnig sa mga
sugnay na di makapa- iisa sa mga
pangungusap na hugnayan.

Halimbawa:
Kung siya’y narito, tayo’y magiging
magulo.
Gamit ng kong
Buhat sa panghalip na ko, ang kong ay nilalagyan
lamang ng pang- angkop na ng sa pakikiugnay sa
salitang sumusunod:

Halimbawa:
Ipinagtapat kong may nangyari.
Din at rin; daw
at raw; doon at
roon
Gamit ng din, daw, doon
Ginagamit kapag ang nauunang salita
ay nagtatapos sa katinig maliban sa w
at y

Halimbawa:
Napanood din nila ang pelikula.
Napanood daw nila ang pelikula.
Napanood doon nila ang pelikula.
Gamit ng rin, raw, roon
Ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos
sa patinig. Ang w at y ay itinuturing na malapatinig.
Samakatuwid, ang rin, raw, roon ay ginagamit kapag
ang sinusundang salita ay nagtatapos sa mga titik na
ito.

Halimbawa:
Himala rin ang kailangan niya.
Kaliwete raw ang dalaga.
Umuwi roon ang kanyang asawa.
IKA AT IKA-
Gamit ng ika
Ginagamit bilang panlapi sa
bilang na isinusulat bilang salita.

Halimbawa:
ikatlong taon
ikalimang araw
Gamit ng ika-
Ginagamit ang ginitlingan na “ika”
bilang panlapi kung mismong bilang
ang isusulat.

Halimbawa:
ika- 25 ng Enero
ika- 5 taon
Maka at maka-
Gamit ng maka
Ginagamit ang “maka” na walang
gitling kung pangngalang pambalana
ang kasunod na salita.
Halimbawa:
Naglunsad ng poetry reading ang mga
makabayan.
Gamit ng maka-
Ginagamit ang may gitling na “maka-” kapag
sinusundan ng pangngalang pantangi.

Halimbawa:
Maka- Nora ang mga nanonood ng kanyang mga
pelikula.
Sina
at
sila
Ginagamit ang sina kapag ito ay sinusundan
ng mga pangngalan na tinutukoy sa
pangungusap.
Halimbawa:
Naglilinis sina Gel at Lisette ng bahay.
Ginagamit ang sila bilang panghalip na panao.
Halimbawa:
Umalis na sila kanina pang umaga
PINTO
AT
PINTUAN
Ginagamit ang pinto bilang pantukoy sa bahagi ng
daanan na isinasara at ibinubukas.

Ginagamit ang pintuan bilang pantukoy sa


kinalalagyan ng pinto.

Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang
magnanakaw.
Hindi pa napipinturahan ang pinto sa pintuan.

You might also like