You are on page 1of 42

ANG GRAMATIKA AT

RETORIKA
A. Pagpili ng wastong salita

Ang pagiging malinaw ng pahayag


ay nakasalalay sa mga salitang
gagamitin. Kinakailangan angkop
ang salita sa kaisipan at sitwasyong
ipapahayag. May mga pagkakataon
na ang mga salitang tama naman
ang kahulugan ay lihis o hindi
angkop na gamitin.
MALI:

A. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bibig ng


bulkan.
B. Bagay kay Olga ang kanyang makipot na bunganga.
C. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na
bisita.
D.Maarte siya sa pagkain kaya hindi sya tumataba.

WASTO:

A. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na


bunganga ng bulkan.
B. Bagay kay Olga ang kanyang makipot na bibig.
C. Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na
bisita.
D.Mapili siya sa pagkain kaya hindi sya tumataba.
Tandaan din na sa ating wika ay maraming
salita na maaaring pare-pareho ang
kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak
na gamit sa pahayag.

Halimbawa:

Bundok, tumpok, pumpon, salansan,


tambak
Kawangis, kamukha, kahawig
Samahan, sabayan, saliwan, lahukan
Daanan, pasadahan
Aalis, yayao, lilisan
May mga pagkakataon din na
kinakailangang gumamit ng
eupemismo o paglumay sa ating
pagpapahayag kahit na may mga
tuwirang salita naman para rito.

Halimbawa:

Namayapa sa halip na namatay


Palikuran sa halip na kubeta
Pinagsamantalahan sa halip na
ginahasa
Wastong Gamit ng mga Salita

Kailangang taglayin ng mga pahayag


ang kawastohang panggramatika.
May mga salita kasi tayong ginagamit
na ang akala natin ay maaaring
malayang nagkakapalitan malayang
nagkakapalitan, ngunit hindi naman
Kung ibabatay natin sa istriktong
tuntuning panggramatika. Ilan sa mga
ito ay sumusunod:
1. NANG AT NG
 A. ang nang ay karaniwang ginagamit na
pangatnigsa mga hugnayang pangungusap at ito
ang panimula ng katulong na sugnay. (nang +
Bakit?; nang + Kailan?)

 Halimbawa:
 Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa
pagsusulit.
 B. ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan
ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng
panuring nito. (nang+Paano?)
 Halimbawa:
 Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.

 C. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang


salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o
neutral na inuulit at dalawang pandiwang
inuulit.(salita nang salita)
 Halimbawa:
 Suklay nang suklay
 D. ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang
layon ng pandiwang paglipat. (ng+ Ano?)
 Halimbawa:
 Nag-aaral siya ng liksyon.
 E. ang ng ay ginagamit na pananda ng aktor
tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. (ng+
Nino?)
 Halimbawa:
 Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral.
 F. ang panandang ng ay ginagamit kapag
nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian. (ng+Kanino?)
 Halimbawa:
 Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang
politiko.
2. KUNG AT KONG
 A. ang kung (if) ay pangatnig na panubali at ito’y
ginagamit sa hugnayang pangungusap.
 Halimbawa:
 Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga
magulang.

 B. ang kong (I, my) ay nanggaling sa panghalip


na panaong ko at inaangkopan laang ng ng.
 Halimbawa:
 Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang
tulungan ang iyong sarili.
3. MAY AT MAYROON
 A. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng
pangngalan.
 Halimbawa:
 Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito.m
 B. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng
pandiwa.
 Halimbawa:
 May pupuntahan ka ba mamaya?
 C. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng
pang-uri.
 Halimbawa:
 May mahabang buhok si Olga.
 D. Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng
panghalip na panao sa kaukulang paari.
 Halimbawa:
 Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
 E. Ang mayroon ay ginagamit kapag may
napapasingit na kataga (ingklitik) sa salitang
sinusundan nito.
 Halimbawa:
 Mayroon po bang natirang ulam?
 F. Ang mayroon ay ginagamit na panagot sa tanong.
 Halimbawa:
 May pasok ba tayo? – Mayroon.
 G. Ang mayroon ay ginagamit kung
nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay.
 Halimbawa:
 Ang mga Morales ay mayroon sa bayan ng Dolores
4. SUBUKAN AT SUBUKIN
 A. Ang subukin ay nangangahulugan ng
pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang tao o bagay.
 Halimbawa:
 Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa
iyo.
 B. Ang subukan ay ngangahulugan ng pagtingin
upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga
tao.
 Halimbawa:
 Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
PAHIRIN AT PAHIRAN
 A. Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis
o pagpawi ng isang bagay.
 Halimbawa:
 Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.

 B. Ang pahiran ay nangangahulugan ng


paglalagay ng isang bagay.
 Halimbawa:
 Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
6. PUNASIN AT PUNASAN
 A. Ang punasin ay ginagamit kapag binabanggit
ang bagay na tinatanggal.
 Halimbawa;
 Punasin mo ang alikabok sa mesa.

 B. Ang punasan ay ginagamit kapag binabanggit


ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano
man.
 Halimbawa:
 Punasan mo ang mesa.
7. OPERAHIN AT OPERAHAN
 A. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging
tinitistis.
 Halimbawa:
 Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.

 B. Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi ang


bahagi ng kanyang katawan.
 Halimbawa:
 Ooperahan na ng doktor ang naghihirap ng bulag.
8. DIN AT RIN, DAW AT RAW
 A. Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit
kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa
patinig at sa malapatinig na w at y.
 Halimbawa:
 Si Vanesa ay katulad mo ring masipag mag-aral.

 B. Ang din at daw ay ginagamit kung ang


salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig.
 Halimbawa:
 Magsakit daw ang ulo ni Amor kaya hindi siya nakapasok
sa klase.
8. SILA AT SINA, KINA AT SILA
 A. Ang sila ay panghalip paano samantalang ang
sina ay panandang pangkayarian sa pangngalan.
Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit
na panandang pangkayarian.
 Halimbawa:
 Mali: Sila Aldrin at Olga ay mabubuting anak.
 Tama: Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.

 B. Ang kina ay panandang pangkayarian sa


pangngalan katulad ng sina. Walang salitang
kila sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila
ay karaniwang pagkakamali.
 Halimbawa:
 Papunta na kami kina Ms. Katipunan.
9. PINTO AT PINTUAN
 A. Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na
isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang
ilagay sa pintuan.
 B. Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan
ng pinto. Ito rin ang bahaging daaranan kapag
bumukas na ang pinto.
 Halimbawa:
 Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
 Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t
hindi niya maisara ang pinto.
10. HAGDAN AT HAGDANAN
 A. Ang hagdan (stairs) ay mga baytang at
inaakyatan at binababaan sa bahay/ gusali.
 B. Ang hagdanan (stairway) ay bahagi ng bahay
na kinalalagyan ng hagdan.
 Halimbawa:
 Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang
klinika.
 Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi
gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.
11. IWAN AT IWANAN
 A. Ang iwan (to leave something) ay
nangangahulugang huwag isama/ dalhin.
 B. Ang iwanan (to eave something to somebody)
ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang
isang tao.
 Halimbawa:
 Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo.
 Iwanan mo ‘ko ng perang pambili ng pananghalian.
12. SUNDIN AT SUNDAN
 A. Ang sundin (followan advice) ay
nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.
 B. Ang sundan (follow where one is going; follow
what one does) ay ngangahulugang gayahin ang
ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng
iba.
 Halimbawa:
 Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung
ayaw mong maligaw ng landas.
 Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais

mong matut ng pagluluto ng paella.


13. TUNGTONG, TUNTONG AT
TUNTON
 A. Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
 B. Ang tuntong ay pagyapak sa ano mang bagay.

 C. Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas


ng ano mang bagay.
 Halimbawa:
 Hindi makita ni Mang Elfren ang tungtong ng palayok sa
kusina.
 Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.

 Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tula.


14. DAHIL SA AT DAHILAN SA
 A. Dahil sa ang wasto. Sinusundan ito ng
pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari.
 B. Mali ang dahilan sa. Ang dahilan ay
pangngalan mismo.
 Halimbawa:
 Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya
pagsunod sa panuto.
 Paninira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan
ng pagkasira ng reputasyon ni Romano.
15. KUNG ‘DI, KUNGDI AT KUNDI
 A. Ang kung ‘di (if not) ay pinaikling kung hindi.
 B. Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang
salitang ganito.
 C. Ang kundi ay kolokyalismo ng kung ‘di.
 Halimbawa:
 Kung ‘di ka sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si.
Bernie.
 Hindi ka sana nakapagtraabaho kung’di dahil sa iyong
kaibigang pinagtaksilan mo ngayon.
 Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado

lamang.
C. PAGBUBUO NG PANGUNGUSAP
 Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para
maging epektibo ito. Kung bawat bahagi ng
opangungusap ay tumutulong para maihayag
nang malinaw ang pangunahing diwa nito,
masasabing may kaisahan ang pangungusp.

 Narito ang ilang paalala upang matiyak ang


kaisahan sa pagbuo ng pangungusap.
 1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo
sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:

 Di-timbang: Matapos mag si tangis ay agad na


nagbalot ng gamit ang mga paalis
na iskwater.

 Timbang: Matapos mag sitangis ay agad na


nagsipagbalot ng mga gamit ang
mga napaalis na iskwater.
 Di-paralel: Ang pageehersisyo at
masustansyang pagkain ay
mahalaga s pagpapabuti ng ating
kalusugan.

 Paralel: Ang pag eehersisyo at pagkain ng


mga masustansyang pagkain ay
mahalaga sa pagpapabuti ng ating
kalusugan.
 2. Tiyaking nag kakaisa ang mga aspeto ng
pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa:

Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi ang mga


panauhin ko kanina.

Nagkakaisa: Nagsialis at nag siuwi na ang


mga panauhin ko kanina
 3. Huwag pagsasamahin sa pangungusap ang
hindi mag kakaugnay na kaisipan.

 Halimbawa:

 Di-magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating wika


kapag hindi natin ito
ginamit at nahilig tayo sa
kalayawan.

 Wasto: Hindi uunlad ang ating wika


kapag hindi natin ito
ginamit.
 4. Iwasan ang pag sasama-sama ng maraming
kaisipan sa isang pangungusap.

 Halimbawa:

 Maraming kaispan: Ang pagsasayaw gawa rin ng


paglalaro ng mga bata ng
taguan kung gabing walang
buwan at pagdadama ng
mga lalaking walang
magawa at pagpapalipas ng
oras sa pagupitan ay tunay
na nakakaaliw.
 May isang kaisipan: Ang pagsasayaw,
gaya ng paglalaro ng
taguan ng mga bata,
ay tunay na
naklilibang.
 5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin
ang pangunahing sugnay at ang pantulong na
sugnay.

 Halimbawa:

 Hindi malinaw: Dahil sa iyong ko iyon, hindi


ko binili ang sumbrero.

 Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa


sumbrero, hindi ko yon
binili.
 6. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa
kapag simuno ng pangungusap ay hindi siyang
gumaganap ng kilos.

 Halimbawa:

 Mali: Si Emil ay kinuha ang hinog na


papaya sa puno.

 Tama: Ang hinog na papaya sa puno ay


kinuha ni Emil

 (Kinuha ni Emil ang hinog na papaya sa puno.)


 7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa
tinuturingang salita.

 Halimbawa:

 Malayo: Maganda ang kwentong binasa ko


talaga.

 Malapit: Maganda talaga ang kwentong


binasa ko.
 8. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa
simuno sa karaniwang ayos ng panungusap.

 Halimbawa:

 Minamahal at ginagamit niya ang sariling wika.


 Mabait na bata si Aldrin

 Kaysa:

 Ang sariling wika ay minamahal at ginagamit nya.


 Si Aldrin ay mabait na bata.
D. MGA TALAMAK NA PAGKAKAMALI SA
SOCIAL MEDIA
1.Paggamit ng NIYO sa halip na NINYO o N’YO
Halimbawa:

Barkada: Hindi mo man kadugo pero ang turingan


NIYO sa isa’t- isa ay pamilya.
Tandaan: Walang salitang NIYO. Ang tamang
salita ay NINYO o kaya naman ay N’YO.
2. Paggamit ng SAYO sa halip na SA IYO o SA’YO.
Halimbawa:

Para SAYO ang laban na to.


Tandaan:
Walang salitang SAYO. Ang tamang salita
ay SA IYO o kaya naman ay SA’YO.
3. Iba ang katulad na pagkakamali tulad ng SAKIN,
SATIN, SAMIN, NAKO, KONA
Halimbawa:
Ikaw na ang para SAKIN
Ang kantang ito ay para SATIN
Doon tayo magkita SAMIN.
Nagising NAKO.
Alam KONA ang iyong lihim.
4. Pagsasama ng dalawang magkasunod na
ingklitik tulad ng NALANG, PARIN at
NANAMAN

Halimbawa:
Sa panahon ngayon, sahod NALANG ang
hinihintay buwan-buwan.
Natapos na ang lahat, nandito PARIN ako.
Heto NANAMAN tayo.
5. Maling gamit ng salitang KANA, PALANG,
KABA
Haimbawa:

Saka KANA magyabang kapag hindi


KANA umaasa sa magulang mo.
Papunta ka PALANG, pabalik na ko.
Sang ayon KABA rito?
E. MALING PAGGAMIT O DI PAGGAMIT NG
GITLING.
 1. Panlaping Nagtatapos sa Katinig + Salitang
Nagsisimula sa Patinig
 Halimbawa: PAG-IBIG, NAG-ARAL, TIG-ANIM
 2. Panlapi+ Salitang Banyaga
 Halimbawa: NAG-GYM, MAG-QUIZ, PA-
SELFIE
 3. Salitang Inuulit
 Halimbawa: ARAW-ARAW, GABI-GABI, PANA-
PANAHON
 4. Panlapi+ Pangngalang Pantangi
 Halimbawa: MAKA-RIZAL, TAGA-MAYNILA,
NAG COKE
 5. Tambalang Salita
 Halimbawa: SILID-ARALAN, KAPIT-KAMAY

 6. Apelyido ng Babae+ Apelyido ng Kanyang


Asawa
 Halimbawa: CORAZON COJUANGCO-AQUINO

 7. Panlapi+ Simbolo ng Bilang

 Halimbawa: IKA-7, TIG-5

 8. Tambilang ng Binabaybay

 Halimbawa: SANG-KAPAT, SANG-KATLO

You might also like