You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Pangalan: ISIP, Jayson m. Petsa: Oktubre 05, 2020


Programa, taon & pangkat: BS Architecture 4-H Guro: Albert P. Jimenez, LPT

PANUTO: Magsaliksik ng tatlong(3) ekspresyong lokal mula sa iyong unang wika (mother
tongue). Matapos nito, komprehensibong sagutin ang mga sumusunod na hinihingi sa ibaba. Huwag
ding kalimutang i-save bilang pdf kapag isusumite na. Panatilihin ang Arial 12 bilang font.

*Bilang gabay, tignan ang halimbawang ibinigay:

Ekspresyong lokal:

“Susmaryosep!”

Kasaysayan o Kahulugan at Damdamin ng ekspresyong ito:

Sa kasaysayan, may kaugnayan ito sa Katolisismong dala ng mga Espanyol sa Pilipinas.


Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman na ang mga Pilipino ay humihingi ng tulong sa
Diyos (Hesus) gayundin sa kanyang mga magulang (Maria at Hosep).

Ang ekspresyong ito ay malimit na marinig sa mga nakatatanda (lola,nanay, tiyahin) na


kanilang nasasambit kapag sila ay nagugulat o nag-aalala. Ipinapamalas ng “Susmayosep” ang
pagiging relihiyoso ng lahing Pilipino.
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ekspresyong lokal 1:

“Ne?”

Kasaysayan o Kahulugan at Damdamin ng ekspresyong ito:

Isang salitang pandamdam na walang katumbas sa ibang wikang Filipino ngunit


makikita o matatagpuan sa ibang mga wika ng ibang bansa gaya ng Catalan, Czech, German,
at Japanese. Ito ay iba sa pang-abay na “ne” o “na” sa salitang Filipino at “already” sa salitang
Ingles, gaya ng pangungusap na Minta ne Keni (“Nakarating na siya rito”).

Ang ekspresyong pandamdam na ito ay kadalasang ginagamit sa dulo ng mga


pangungusap na may kasingkahulugan na “okay” at ginagamit lamang para sa pagbibigay-diin o
pag uulit, gaya ng keng susunud namu, ne? na ibig pakahulugan ay (Next time, okay?).
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ekspresyong lokal 2:

“Rugu”

Kasaysayan o Kahulugan at Damdamin ng ekspresyong ito:

Salitang Kapampangan na nangangahulugang pagka-habag o kaginhawaan. Maaari rin


itong mangahulugan sa tagalog ng “Sa wakas” at “Kawawa naman”. Maaari itong ilagay sa
unahan, gitna, o huling bahagi ng isang pangungusap. Halimbawa, Ninanu ne rugu i Jayson?
(Ano na ang nagyari kay Jayson) o kaya naman Mekyasawa ne pala rugu (Nag-asawa na pala
siya). Ito rin ay isang “stand-alone” word o salita na maaaring gamitin nang mag-isa ngunit
mayroon pa ring kahulugan. Halimbawa “Rugo!”, “Ay rugo!”, o “Rugu naman!”. May kakaibang
pakiramdam na ibinibigay ang ekspresyong ito sa tuwing ito ay binibigkas dahil napagagaan niya
ang isang emosyon tulad ng galit o takot.
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ekspresyong lokal 3:

“Alang Atdu”

Kasaysayan o Kahulugan at Damdamin ng ekspresyong ito:

Ito ay nangangahulugang “walang lakas ng loob” o sa madaling salita “duwag”. Ayon


sa pag-aaral, ang apdo o “gal bladder” ay may tungkulin na ginagampanan sa paggawa ng isang
desisyon o panghuhusga, ito rin ang tumutukoy sa antas ng katapangan o lakas ng loob ng isang
tao. Ang mga taong may duwag at mahiyain na pag-uugali ay madalas na tinutukoy bilang may
“maliit na apdo”.

Ito ay karaniwang ginagamit ng mga matatanda sa tuwing sila ay nangangaral o


nagagalit. Halimbawa “Ot petulan mo reng anak? Deta mu kasi reng agyu mu. Ala ka kasing atdu”
(Bakit mo pinatulan ang mga bata? sila lang kasi ang kaya mo dahil duwag ka)

You might also like