You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Pangalan: RASONABE, Jazella M. Petsa: Oktubre 03, 2020


Programa, taon & pangkat: BSAR 4D Guro: Albert P. Jimenez, LPT

PANUTO: Magsaliksik ng tatlong(3) ekspresyong lokal mula sa iyong unang wika (mother
tongue). Matapos nito, komprehensibong sagutin ang mga sumusunod na hinihingi sa ibaba.
Huwag ding kalimutang i-save bilang pdf kapag isusumite na. Panatilihin ang Arial 12 bilang font.

*Bilang gabay, tignan ang halimbawang ibinigay:

Ekspresyong lokal:

“Susmaryosep!”

Kasaysayan o Kahulugan at Damdamin ng ekspresyong ito:

Sa kasaysayan, may kaugnayan ito sa Katolisismong dala ng mga Espanyol sa


Pilipinas. Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman na ang mga Pilipino ay humihingi ng
tulong sa Diyos (Hesus) gayundin sa kanyang mga magulang (Maria at Hosep).

Ang ekspresyong ito ay malimit na marinig sa mga nakatatanda (lola,nanay, tiyahin) na


kanilang nasasambit kapag sila ay nagugulat o nag-aalala. Ipinapamalas ng “Susmayosep” ang
pagiging relihiyoso ng lahing Pilipino.
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ekspresyong lokal 1:

“Salese mu rin”

Kasaysayan o Kahulugan at Damdamin ng ekspresyong ito:

Ang ekspresyong ito ay malimit na maririnig sa mga Kapampangan na


nangangahulugang “magiging maayos rin” o “maaayos rin”.
Ginagamit o isinasambit ito sa tuwing mayroong kinakaharap na sigalot o problema ang
isang tao, at ipinagpapaubaya na lang ito sa Diyos o sa kung anong magaganap sa
kinakaharap.
Dito ipinapakita na ang pagiging positibo at katatagan ng mga Kapampangan sa
pagharap ng mga pagsubok at pagtitiwala sa mga magagandang mangyayari sa kinabukasan.
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ekspresyong lokal 2:

“Rugo ne?”

Kasaysayan o Kahulugan at Damdamin ng ekspresyong ito:

Isa pang halimbawa ng ekspresyong Kapampangan ang “Ay rugo”, “Rugo” o “Rugo ne?”.
Ang salitang ito ay natatangi sapagkat wala itong katumbas na termino o salita sa Tagalog o sa
Ingles.
Nagmula ito sa salitang rugo na isang Pang-abay na ang ibig sabihin ay pagkahabag
(compassion), o kaginhawaan (relief) at iba pang uri ng pagpapahayag ng pakikiramay
(empathy) na maaring ipasok sa isang pangungusap o pahayag o di kaya’y bilang isang nag-
iisang salita.
Pinapakita rito ang pagiging maaalahanin at maawain ng mga Kapampangan sa
pamamagitan ng isang ekspresyon, na kung saan maaaring makabawas sa dinadalang pasanin
ng isang taong may problema at alam nitong may karamay siya.

Pinagmulan:
City of San Fernando, Pampanga - Posts | Facebook
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Ekspresyong lokal 3:

“Mitda ka balat”

Kasaysayan o Kahulugan at Damdamin ng ekspresyong ito:

Sa kultura ng mga Kapampangan hindi maipagkakaila ang paggamit ng mga Tayutay sa


kanilang mga ekspresyon, at isa na nga rito ang “mitda ka balat”.
Mula sa salitang “mitda” na ang ibig sabihin ay patay (dead) at balat naman ay (skin),
ang ibig ipahiwatig nito sa Tagalog ay “Patay ka”, “Lagot Ka” o “Yari ka”.
Madalas itong isinasambit kapag may ginawa kang hindi maganda at kaaya-aya kung
kaya ay pagbabantaan o kokonsensyahin ka gamit ang ekspresyong ito.

You might also like