You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

Pangalan: RASONABE, Jazella M. Petsa: Oktubre 10, 2020


Programa, taon & pangkat: BSAR 4-D Guro: Albert P. Jimenez, LPT

PANUTO: Maglaan ng oras upang basahin at unawain ang akdang “Minsan May Isang Puta”
ni Bb.Mike Portes. Matapos basahin, sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa ibaba.
Magbigay ng sagot na hindi kukulangin sa limang(5) pangungusap. Huwag ding kalimutang i-save
bilang pdf kapag isusumite na. Panatilihin ang Arial 12 bilang font.

1. Ano ang paksang-diwa ng binasang akda?

Sa binasang maikling akda, tinutukoy rito ang mga naging karanasan at kalagayan ng
bansang Pilipinas. Alinsunod dito, sinisimbolo sa nabasa ang walang hanggang pagmamahal
ng isang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa masidhing pagmamahal na ito sa kanyang mga
anak, kailangan maging matatag ng isang ina sa kabila ng kaniyang pinagdadaanan at
problema. Kahit ano ay kaya niyang gawin, kahit ipagbili pa nito ang kanyang buong katawan at
kaluluwa nang sa gayon lang ay matugunan at mairaos lang ang buhay ng kanyang mga anak.
Gaya nga ng nabanggit sa unang pangungusap ko kanina, ang bansang Pilipinas ay ang
itinuturing na tahanan at sandalan ng mga Pilipino, bagama’t mayroon talagang mga
kababayan ang hindi man lang naglalaan ng katiting ng pagmamahal at pag-alala sa kanya.
Ngunit, dahil mahirap lang ang buhay, kailangan niyang magpatuloy at suportahan ang iba pa
niyang mga anak na umaasa sa kanya.
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

2. Anu-anong mga isyung pampersonal ang matatagpuan sa akda at paano ito binigyang-
solusyon ng mga tauhan?

Sa nabasang akda, ipinapakita rito ang mga Isyung Pampersonal at kung paano nito
binigyang solusyon ng mga tauhan.
Una, ay ang hindi pagkawala ng pangunahing tauhan sa kamay ng pinakahuling
foreigner na gumahasa sa kanya. Alam niya na ginagamit lamang siya nito, subalit naparupok
ng pangunahing tauhan, dahil naibibigay naman ng foreigner na ito ang kanyang mga luho’t
pangangailangan, pati na rin sa kanyang mga anak. Kung kaya’t mismong mga anak nito ang
tumulong sa kanya upang mapalayas ang foreigner na ito sa kanilang buhay.
Ikalawa naman, bagama’t napalayas man nila ang foreigner na iyon sa kanilang buhay,
nabaon naman sila sa utang, kung kaya’t patuloy na nagsumikap ang pangunahing tauhan
upang maiahon at mapag-aral ang kaniyang mga anak. Kung kaya’t ang mga iba dito ay
nakatuntong na sa ibang bansa at naging maginhawa man lang kahit papaano.
Ikatlo, bagama’t marami sa kanyang mga anak ang nakahanap ng magandang
kapalaran sa ibang bansa, marami na ang hindi umuwi dahil ayaw na nilang maranasang
maghirap muli tulad ng kainilang ina at kanilang mga kapatid, subalit, sa kabila nito ay mayroon
namang nagpakita pa rin ng malasakit sa pangunahing tauhan at hindi nila iniwan ang kanilang
ina.
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

3. Maituturing bang isyung panlipunan ang mga naging pangyayari sa akda?


Pangatwiranan.

Sa aking palagay, maituturing na isyung panlipunan ang mga naging pangyayari sa


akda. Hindi literal subalit sumasalamin ito sa ating bansang Pilipinas. Isang akda na kung tao at
nakpagsasalita ang ating inang bayan ay ito ang kaniyang masasambit. Mula sa pang-aalipusta
sa kanya ng tatlong foreigner na sumisimbolo sa tatlong lahi na sumakop noon, ang Espanya,
Estados Unidos at Japan hanggang sa kasalukuyang nararanasan natin tulad ng pagiging
makasarili, utak talangka, colonial mentality, at ang pagiging “brain drain” ng mga Filipino ay
nakakaapekto sa pag-unlad ng bans ana magiging sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya.
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino

4. Gamit ang Sociological Imagination, tukuyin ang mga isyung kaakibat ng akda at
gumawa ng repleksyon kung paano makatutulong upang ito ay masugpo.

Bilang isang mamamyang Pilipino, mahal ko ang bansang Pilipinas, kung kaya’t
nagsusumikap ako sa pag-aaral nang sa gayon ay makapagtapos at magamit ang propesyong
pinili ko para makatulong sa pag-angat ng ating inang bayan.
Bilang isang Arkitekto, pagdating ng panahon hindi lang sa pagpapaganda at
pagsasaayos ng istruktura ko itutuon ang aking sarili, bagkus pati na rin sa pagpapaunlad ng
bansa. Bilang isang individual nais kong maging isang halimbawa sa mga mabuting gawain.
Maglilingkod ako sa bansa nang buong katapatan at pagsuporta sa aking mga kasamahang
Arkitekto. Sisiguraduhin ko sa aking trabaho ay nakikinabang ang bawat isa sa aking mga likha
upang mapabuti ang buhay ng aking mga kababayan. Tutuparin ko ang aking magiging
sinumpaan para sa ikagiginhawa ng bawat isa. Pananatilihin ang aking sarili sa pagsunod at
pagtupad ng mga polisiya at mga batas kaakibat ng aking piniling propesyon.
Sapagka’t ngayon ay nakakalungkot makita ang aking mga kapwa na bagama’t
nakapagtapos at nakapagaral sa ating sariling lupain, sa ibang bansa naman sila naglilingkod.
Napakasakit isipin na napag-iiwanan ang ating inang-bayan dahil mismong mga mamamayan
nito ay iniiwan siya. Gaya nga ng nasabi sa akda, mahusay ang mga Pilipino sa kahit anong
larangan, yun nga lang ay ibang bansa ang nakikinabang sa isinubo at itinuro sa kanila ng
lupang sinilangan. Subalit, hindi mor in naman kasi sila masisisi sapagka’t kapwa din nila ang
humihila at nagtatanggal ng pag-asa sa kanila.
Kung kaya’t masasabi ko na, walang pagkukulang sa edukasyon ang mga Pilipino kung
bakit ngayon ay hindi pa din tayo maunlad, bagkus dahil ito sa mga makasarili at utak talangka
nating mga kababayan. Isa lang nakikita kong isyu sa bans ana ito, ito ay ang pagkakawatak-
watak at walang pagkakaisa ng mga Pilipino.

You might also like