You are on page 1of 34

PAANO MAGKAKAROON NG

EPEKTIBONG
PAKIKIPAGKOMUNIKASYON?
ANO BA ANG
TINATAWAG
NATING WIKA?
Ang wika ay isa sa mahalagang
instrumento ng tao sa kanyang
pakikipagtalastasan.
Ang wika ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon.

Samakatuwid, ang wika ang gamit sa


komunikasyon, may tunog man o wala.

KAHULUGAN NG WIKA
Ang wika ay kalipunan ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na
batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ito sa
pagpapaabot ng kaisipan, damdamin at
mga hangarin sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat.
“Ang wika’y mahalagang
instrumento ng komunikasyon,
makatutulong sa pagkakaroon ng
mabungang interaksyon.”
KAHULUGAN NG WIKA AYON
SA IBA’T IBANG AWTOR

HENRY ALLAN GLEASON (1961)

Ang wika ay masismtemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura.
ARCHIBALD A. HILL

Ang wika ay ang pinakadetalyadong anyo


ng simbolikong gawaing pantao.

TUMANGAN (1997)

Ang wika ay isang paraan ng pananagisag o


pagbibigay kahulugan sa mga tunog upang makamit
ang layuning makaunawa at maunawaan ng ibang
tao.
WHITEHEAD
Ang wika ay nagpapakilala sa kabuuan ng
kaisipan ng mga taong lumikha nito.

CHARLES DARWIN
Naniniwala siya na ang wika ay isang sining
tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake,
o ng pagsusulat.
Ang salitang wika ay nagmula sa
Malay, samantalang ang salitang
lengguwahe naman ay nagmula sa Latin
at isinalin sa English bilang language.

Ang salitang Latin na lingua ay


nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lengguwahe.”
KATANGIAN
NG WIKA
Ang wika ay masistema.
Tunog ang batayang sangkap ng
wika.
Ang wika ay arbitraryo.
Ang wika ay komunikasyon.
Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Ang wika ay nagbabago o
dinamiko.
Ang wika at kaisipan ay hindi
napaghihiwalay.
Ang wika ay pinipili at
isinasaayos.
Ang wika ay malikhain.
Ang wika ay natatangi.
Ang wika ay komunikasyon.
Ang wika ay pantao.
Ang wika ay nanghihiram.
KAHALAGAHAN
NG WIKA
ONagpapadaloy ng Kaisipan
ONagbabago ng isang sistema.
ONagpapalapit sa mundo.
ONagbubuklod sa mga tao.
ONag-iingat ng Kasaysayan.
ONagtataguyod ng Kultura.
ANTAS NG
WIKA
PORMAL

IMPORMAL
PORMAL
O Binubuo ito ng mga salitang
pamantayan o istandard dahil ito ay
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
karamihang nakapag-aral sa wika
katulad ng mga nasa akademya,
pamahalaan, at iba’t ibang institusyon.
PAMPANITIKAN
Ito ang wikang ang ginagamit ay
matalinghaga at masining na kadalasang
gamit sa iba’t ibang akdang pampanitikan.

Ang madalas na gumagamit ng ganitong uri


ng antas ay mga malikhaing manunulat.
HALIMBAWA:

 Nagmumurang kamatis
 Nagtataingang kawali
 Di-mahulugang karayom
 Di-maliparang uwak
PAMBANSA
Ito ang wikang ginagamit sa pamahalaan at sa
paaralan.

HALIMBAWA:
 Pilosopiya
 Republika
 Edukasyon
IMPORMAL
Ito ay ang wika na karaniwan,
palasak, at gamit sa kaswal na
usapan sa pang-araw-araw.
Tatlong Uri
OLalawiganin
OKolokyal
OBalbal
LALAWIGANIN
Dayalekto o karaniwang sinasalita sa isang
rehiyon katulad ng Tagalog, Iloko, Cebuano at
Bikolano.
Halimbawa:
Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano

ibon bilit langgam gamgam

kaibigan gayyem higala amig


KOLOKYAL
 Ito ay nagmula sa pormal na mga salita na
naglaon ay nasimila na dala ng mga taong
gumagamit nito.
 Ito ay madalas na ginagamit sa umpukan o
ordinaryong mga usapan kung kaya hindi
pinapansinang wastong gamit ng gramatika,
ngunit tinatanggap naman ng nakakarami.
 Isang katangian nito ay ang pagpaikli ng isa,
dalawa, o higit pang titik sa salita.
HALIMBAWA:

• Nasan?
• Pa’no
sa’kin
• Kelan?
BALBAL
Umuusbong ang mga salitang ito sa mga
lansangan at kadalasang ginagamit ng mga masa
ngunit nang lumaon ay ginagamit na rin ng ibang
tao .

Iba’t ibang pangkat ng tao ang kadalasang


gumagamit nito atulad ng mga taong nasa ikatlong
kasarian gaya ng mga bakla, upang bumuo ng isang
grupo ng pagkakakilanlan.
MGA
TEORYA SA
PAGKATUTO
NG WIKA
TEORYANG BEHAVIORISM O
BEHAVIOURIST APPROACH
-BF SKINNER-
(1904-1990)

Pag-uugaling napag-aaralan
Pinapaniwalaan ng mga behaviourist na ang
kilos at gawi ng isang tao ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkontrol sa kanyang
kapaligiran.

HALIMBAWA:
Ang isang bata ay matututo pa lamang na
magsalita, ang guro o magulang ay maaaring
gumamit ng negatibo o positibong pagganyak o
reinforcement gaya ng pagbibigay ng pabuya o
parusa habang itinuturo ang wika.
TEORYANG INNATIVE O NATIVIST
APPROACH
Ayon sa teoryang ito, lahat ng tao ay may
“likas” na kakayahang matuto at matutunan
ang wika dahil sa paniniwalang lahat ng
ipinapanganak ay taglay ang isang built in
device o isang likhang isip na aparato na
kung tawagin ay “black box” na kung saan
ito ang responsable sa pagkatuto ng wika.
NOAM CHOMSKY (1928)
 Tinawag niya ang likhang-isip na aparato na
LANGUAGE ACQUISITION DEVICE o
LAD .
 Ayon sa kanya, ang LAD ay tumatanggap
ng mga impormasyon mula sa kapaligiran
sa anyong wika kung kaya likas ding
natutunan ng mga bata ang linggwistikong
katangian ng wika.
TEORYANG KOGNITIB
-JEAN PIAGET(1896-1980)-
Ayon sa kanya, ang pagkatuto ng isang bata
sa wika ay nakabatay sa kakayahan niyang
mag-isip.
Pinapaniwalaan ng teoryang ito na kung
saan ang bata ay may pang-unawa sa mga
konseptong nakalantad sa kanyang
kapaligiran mas madali niya itong
magagamit sa pagsasalita.
TEORYANG MAKATAO
-STEPHEN KRASHEN (1941)-
 Mula sa kanyang teorya na Affective Filter
Hypothesis.
 Sinasabing mapapabilis ang pagkatuto ng wika
kung may positibong saloobin ang isang tao na
matutunan nito.

 Binibigyang-pansin ng teoryang ito ang


kahalagahan ng damdamin at emosyon ng isang
tao.

You might also like