You are on page 1of 10

Pananaliksik sa pinagmulan ng salitang “birahan” sa Brgy.

Castañas Sariaya, Quezon

Bahagyang Katuparan sa mga Kailangan sa Asignaturang


Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Isinulit nina:

Brosas, Jerald Victor C.

Gloria, Christine Jhoanne A.

Merciales, Danica Marie G.

Reapor, John Paulo A.

Taguitay, Danessa D.

Isinulit kay:

G. Arnel Rada

Nobyembre 2019
Panimula

Maituturing na isa sa opisyal na wika ng Pilipinas ang wikang Tagalog ayon sa


Konstitusyon ng Pilipinas. Ito ang katutubong wika ng mga lalawigan sa Rehiyon IV
(CALABARZON at MIMAROPA).

Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ay
sa pambansang telebisyon at radio. Bagama't may pagkakaiba ang anyo sa kasalukuyang Tagalog,
may patunay na ito nga ang inang wika ng makabagong Tagalog sa Pilipinas. Nagpayabong at
nagpayaman ang wikang Tagalog sa lawig ng panahon nang pakikipag-ugnayan ng kabihasnang
tagalog sa iba't ibang lahi ng mga taong nakarating sa kapuluan ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang mga salitang Tagalog na may iba’t ibang
pagkakahulugan sa iba’t ibang bayan. Mayroong patuloy na nagpapasa-pasa at mayroon din
namang nalilimutan na.

Mayroong iba't ibang mga kadahilanan na maaaring maglagay ng isang wika sa panganib
na mawala. Una, kapag hindi na itinuturo ang isang wika sa mga kabataan ng komunidad, o sa
malaking bilang lang man ng mga bata. Sa mga kasong ito, marahil na ang mga natitirang
nagsasalita ng wikang ito ay ang mga mas matandang miyembro ng komunidad, at kapag namatay
sila, namatay rin ang wika kasama nila.

Gayunman, hindi sapat ang pagkakaroon ng kabataang nagsasalita upang matiyak ang
kaligtasan ng isang wika. Kung lumipat ang mga bata na nagsasalita ng wika sa isa pang lugar
kung saan hindi ginagamit ang wika, nanganganib ito. Maaari ring mapanganib ang isang wika sa
kaguluhan ng pulitika at military. Kapag sapilitang nililipat ang mga tao mula sa kanilang mga
tahanan papunta sa mga bagong lupain, maaaring kakailanganin nilang matutunan ang wika ng
bagong lugar upang umangkop, at mawawala ang kanilang wika. Gayundin, kapag matagumpay
na sinalakay ang isang bansa o teritoryo, maaaring mapilitan ang populasyon na turuan ng wika
ang mananalakay.

Maaari ring ikabit ang isang wika sa mas mababang panlipunang antas. Sa pagkakataong
ito, hihikayatin ng mga magulang o guro ang kanilang mga anak na gamitin ang wikang mas
madalas na ginagamit sa lipunan upang mapalayo ang kanilang mga sarili mula sa
pinaghihinalaang mas mababang antas. Sa loob ng isa o dalawang henerasyon ng pangyayaring
ito, posibleng posible na mawawala ang wika.

Sa mga lugar kung saan gamit na gamit ang wikang Tagalog, napakarami pa rin ng mga
salitang may maunti ang nakakaalam, at kung minsan hindi rin alam ang ibig-sabihin. Ang Quezon,
dating Tayabas ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Calabarzon sa pulo ng Luzon.
Ipinangalanan ang lalawigan kay Manuel L. Quezon ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas na
nagmula sa bayan ng Baler na noo'y sakop pa ng lalawigan. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng
Lucena. Sa lalawigan na ito, kung saan napakaraming lungsod at bayan na ang pangkaraniwang
wika ay Tagalog hindi maiiwasan ang pagkakaiba-iba ng isang salita marahil dahil sa pagpapasa-
pasa sa mga henerasyon at dahil narin sa lawig ng panahon.

Ang isang salitang tagalog na napili ng mga mananaliksik ay ang salitang “birahan”,
marahil ay narinig mo na ang salitang ito? Ano ang kahulugan nito sa inyong lugar? May
pagkakatulad ba ang kahulugan nito sa iba't ibang bayan? Ano nga ba ang pinagmulan ng salitang
ito?

Ayon sa mga naninirahan sa Brgy. Talaan Sariaya, Quezon, ang salitang birahan sa
kanilang lugar ay nangangahulugang “suntukan o away”. Gayundin sa Majayjay, Laguna, ito ay
nangangahulugang “pagpaparinig or paghahamon ng away”. Ayon naman sa mga matatanda, ang
salitang birahan ay nangangahulugang “palo” na karaniwang ginagawa ng mga magulang sa
kanilang mga anak sa tuwing ito ay pinapagalitan o pinarurusahan. Sa kabilang banda, ayon sa
mga naninirahan sa Brgy. Pili Sariaya, Quezon, ito ay nangangahulugang “pagpapabalik ng
sasakyan o U-turn”. Kahalintulad sa bayan ng Tayabas at Lucban, ito ay nangangahulugang
“likuan o kanto na kung saan dapat nang lumiko ang isang sasakyan”. Liban sa mga nabanggit,
kaiba ang depinisyon nito sa Brgy. Morong Sariaya, Quezon na kung saan ito ay
nangangahulugang pagtatalik o sex.

Isa sa mga lugar na gumagamit ng salitang ito ay ang Brgy. Castañas sa bayan ng Sariaya,
Quezon. Ang barangay na ito ay isa sa pinakamalaking barangay sa bayan na binubuo ng mga sitio
Almasin, Bacungan, Buli, Central, Curba, Tangkil at Taywanak. Dito matatagpuan ang Castanas
Elementary School at Castanas National High School, mga paaralang nagsisilbing daluyan ng
edukasyon para sa mga kabataan ng barangay at mga katabi nito kagaya ng Limbon, Talaan at
Bucal.
Katawan

Ang salitang birahan ay nabuo at nalagyan ng sariling kahulugan sa Castanas Elementary


School ng mga kabataang nag-aaral dito. Ang kahulugan at paggamit ng salitang ito ay nananatili
at nagpapasa pasa sa bawat taon espisipiko sa pagtuntong ng baitang ikatlo pataas. Ito ay
nangangahulugang “pag-uwi sa bahay galling sa eskwelahan sa hindi takdang oras”.

Base sa isang naninirahan sa Sitio Bacungan, tatlumpu’t limang taong gulang, batch 1997
alumnus ng Castañas Elementary School, ang salitang birahan ay nagmula sa salitang ugat na
“bira” na kung ihahalintulad sa matandang kahulugan nito sa ibang lugar ay “palo o hampas”
Sinasabing naging birahan ang kataga sa gawaing pag uwi sa bahay sapagkat bilang mga mag-
aaral marapat lamang na pumasok mula ika-pito ng umaga hanggang ika-apat ng hapon sa
paaralan. Sa kaso ng pag-uwi ngunit hindi pa takdang oras, inaasahan ng mga kabataan na sila ay
mabibira o mapapalo ng sinturon ng kanilang mga magulang. Lumabas ang salitang birahan na
pumapatungkol sa isang gawain ng pagbibira o sa ingles ay “beating” (n. the act of repeatedly
hitting someone to cause pain or injury; the act of beating someone). Samakatuwid, ang salitang
ito ay nagkaroon ng orihinal na kahulugan sa Brgy. Castañas Sariaya, Quezon.

Ayon sa mga alumni ng Castañas Elementary School, ang salitang birahan ay


nanganghulugang "uwian na". Base sa kanilang mga karanasan, ginagamit nila ito sa tuwing sila
ay uuwi na subalit hindi pa takdang oras ng pag-uwi. May mga insidenteng sila ay nagsisigawan
ng “birahan na! birahan na!” (salitang ugat + hulapi “han”) habang naglalakad dahil sa labis na
kasiyahang maaga silang makakauwi ng bahay. Gayundin, gianagamit nila ang salitang “bumira”
(nagdaang panahunan) kapag mayroon silang isang kaklase na biglaang umuwi dahil nakaramdam
ng sakit ng tiyan, sakit ng ulo o sakit ng ngipin. Para naman sa mga nais lamang umistambay o
mag-cutting classes, ginagamit nila ang salitang “bibira” (hinaharap) sapagkat gagawin pa lamang
nila ito.
Konklusyon

Kapag namatay ang isang wika, nanganganib ang kaalaman at kakayahang maunawaan ang
kultura na nagsalita nito dahil hindi na naililipat ang mga pagtuturo, kaugalian, tradisyong pasalita
at iba pang mga minanang kaalaman sa mga katutubong nagsasalita. Sa bawat pagkamatay ng
wika, nawawalan ng sari-saring uri ang agham sa lingguwistika, antropolohiya, prehistorya at
sikolohiya sa mga mapagkukunan ng datos.

Sa masigasig na pananaliksik gamit ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino,


sa pakikipag-umpukan at pagtatanong-tanong, sa mga harapan at medyadong interbyu nadiskubre
ng mga mananaliksik na ang pinagmulan ng salitang "birahan" ay "paluan" (salitang ugat +
hulaping "han, an" na orihinal na binigyan ng kahulugan ng mga mag-aaral ng Castañas
Elementary School. Sa paglipas ng panahon, ang salitang ito ay nananatili at patuloy na ginagamit
ng mga mag-aaral pati na rin ng mga kaguruan at mga magulangin.

Napagtanto ng mga mananaliksik na ang pagpapasa-pasa ng salita ay nakakatulong sa


pagpapanatili ng isang salita. Mayroong iba't ibang mga ideya tungkol sa mga pinakamainam na
paraan upang panatilihin ang isang wika. Ang isang paraan ay hikayatin ang mga nakababatang
henerasyon na magsalita ng wika habang lumalaki sila, para ituturo rin nila ang wika sa kanilang
mga anak. Kadalasan, imposible ang opsyong ito. Maraming mga dahilan kung bakit nalalagay sa
panganib ang isang wika, at imposibleng kontrolin ang bawat salik na ito upang siguraduhin ang
kaligtasan ng buhay nito. Maaaring din gamitin ang internet upang taasan ang kamalayan tungkol
sa mga isyu ng pagkakawala ng wika at pagpapanatili ng wika. Maaari itong gamitin upang isalin,
talaan, imbakin, at magbigay ng impormasyon at akses sa mga wika.

Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng anumang lipunan, sapagkat nagbibigay ito ng
kakayahan sa mga tao na makipag-usap at ipahayag ang kanilang mga sarili. Kapag namatay ang
isang wika, mawawalan ang mga henerasyon sa hinaharap ng isang mahahalagang bahagi ng
kultura na kinakailangan upang lubusang maunawaan ito.
Buod

Sa kasalukuyan, maraming mga salitang Tagalog na may iba’t ibang pagkakakahulugan sa


iba’t ibang bayan. Mayroong patuloy na nagpapasa pasa at mayoon din namang nalilimutan na.

Ang salitang napili ng mga mananaliksik ay ang “birahan”. Marahil ay narinig mo na ang
salitang ito na ang salitang ugat ay “bira” na ang ibig sabihin ay “hampas o palo”. Ang paaralang
elementary ng Castanas sa Brgy. Castanas Sariaya, Quezon ay isa sa mga lugar na kung saan
mayroong ibang kahulugan ang salitang “birahan”. Kaiba sa mga kahulugan nito sa iba’t ibang
bayan gaya ng Laguna, Lucena, Lucban, Tayabas atbp., para sa mga taga Castanas lalong lalo na
sa mga mag-aaral, ang salitang ito ay nangangahulugang “uwian na mula sa paaralan sa hindi pa
itinakdang oras”

Base sa mga nasaliklik nga datos mula sa harapan at medyadong ugnayan, natuklasan na
ang pinagmulan ng salitang ito ay sa Sitio Bacungan. isang sitio ng Brgy. Castanas. Ang salitang
ito ay nagmula sa salitang ugat na “bira” na kung ihahalintulad sa matandang kahulugan sa ibang
lugar ay “hampas o palo”. Sinasabing naging birahan ang kataga sa gawaing pag uwi sa bahay
sapagkat bilang mga mag-aaral marapat lamang na pumasok mula ika-pito ng umaga hanggang
ika-apat ng hapon sa paaralan. Sa kaso ng pag-uwi ngunit hindi pa takdang oras, inaasahan ng mga
kabataan na sila ay mabibira o mapapalo ng sinturon ng kanilang mga magulang. Lumabas ang
salitang birahan na pumapatungkol sa isang gawain ng pagbibira o sa ingles ay “beating” (n. the
act of repeatedly hitting someone to cause pain or injury; the act of beating someone).
Samakatuwid, ang salitang ito ay nagkaroon ng orihinal na kahulugan sa Brgy. Castañas Sariaya,
Quezon na

Sa paglipas ng panahon, bilang salitang naging bahagi na rin ng Wikang Filipino, ito ay
nangangahulugang isang malakas na salita sapagkat ito ay nananatili, nagpapasa-pasa at patuloy
na ginagamit hindi na lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ng mga kaguruan at mga
magulangin.
Dokumentasyon
Larawan ng mg mag -aaral ng Castanas National High School na nag elementarya sa Castanas
Elementary School na nag-umpukan upang pag-usapan ang salita
Mga Sanggunian

Pinoy Dictionary. (2008, November 11). Meaning of bira. Retrieved from https://
www.tagalog.pinoydictionary.com/word/bira/
Wikipedia. (2019, August 20). Quezon. Retrieved from https://
en.wikipedia.org/wiki/Quezon
Wikipedia. (2019, November 8). Sariaya. Retrieved from https://
en.wikipedia.org/wiki/Sariaya
Wikipedia. (2019, November 9). Tagalog language. Retrieved from https://
en.wikipedia.org/wiki/Tagalog_language

Mga na-interbyu

Ronil Bacares 32, Brgy. Castanas Sariaya, Quezon


Daniella Taguitay 15, Limbon
Ella mae Cusi, 15 Limbon
Mike Cabaysa, 20 Talaan
Francis manalo, 21 Brgy. Castanas Sariaya, Quezon
Marion Saligay, 33 Limbon
Janine Lopez, 21 Brgy. Castanas Sariaya, Quezon
Katrina Alfonso, no age no adress
Donna Regulto 34, Limbon
Dulce Regulto, 23, Limbon
Mga Alumni ng Castañas Elementary school
Mga mag aaral sa Grade 1-6 ng Castañas Elementary school
Mga mag aaral sa Grade 7, 8 at 9 ng Castañas National Highschool

You might also like