You are on page 1of 5

MATATALINGHAGANG

PAHAYAG: TAYUTAY
1. Pagtutulad o Simili- hindi tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay, tao o pangyayari. Ginagamit sa
tayutay na ito ang pariralang kawangis ng, tulad ng, para ng, gaya ng, pares ng at iba pa.

Halimbawa:
Ikaw ay tulad ng bituin
Ang puso mo ay gaya ng bato

2. Pagwawangis o Metapora- turwirang paghahambing sapagkat hindi na gumagamit ng mga pariralang


kawangis ng, tulad ng, para ng, gaya ng, pares ng at katulad ng mga ito.

Halimbawa:
Si Elena ay isang magandang rosas
Si Inay ang ilaw ng tahanan

3. Pagbibigay-Katauhan o Personipikasyon- nagkakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga bagay


na walang talio tulad ng hayop, ibon at bagay kaya ito tinatawag na pagbibigay katauhan.

Halimbawa:
Lumilipad ang oras
Inanyayahan kami ng ilog na maligo
4. Paglumanay o Euremismo- Ito’y tumutukoy sa paraan ng pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan
kaysa gumamit ng matatalim, bulgar o masakit na pananalita.

Halimbawa:
Huwag ka sanang mabibigla ngunit pantay na ang mga paa ng iyong hinahanap na anak.
Kapos sa bhay ang pamilya ni Aurora

5. Pag-uyam o Ironiya- Naglalayon na mangutya ng tao o bagay. Ito ay kakikitaan ng kapuri-puring salita.

Halimbawa:
Maganda si Alisa kung hindi pango ang ilong
Ang ganda ng buhok ni Lea mukhang hindi nagsusuklay

6. Pagtatambis o Oksimoron- Pagsasama ng dalawang nagkokontratang kahulugan upang lalong mapatingkad


ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
Ang buhay ng tao ay may pinagmulan at katapusan
Poo’t parito
7. Pagmamalabis o Hyperboli- isang bagay na imposibleng maganap sa tao, hayop at sitwasyon.

Halimbawa:
lumuluha ng dugo
susungkitin ng butuin

8. Pagpapalit tawag o metomoni- pagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na tinutukoy o inihahalili bilang
pantalinhagang pantawag sa ibang bagay.

Halimbawa:
Matakaw talaga siyang kumain, apat hanggang limang plato ang nauubos niya bawat meal.
Si Prinsipe Charles ang magmamana ng korona ng inglatera.

9. Pagpapalit saklaw no sindoki- tumutukoy sa pagbanggit ng bahagi ng kabuuan. Ito ay maaaring


nagrerepresenta ng isang kaisipan, tao o kumakatawan sa isang grupo.

Halimbawa:
Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo.
Maraming bibig ang umaasa sa kanya, kaya naman sobra siya kung magtrabaho.
10. Pagsusukodol o Klaymaks- ito ay ang pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan
nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.

Halimbawa:
Nakita ko ang pagdilim at paglakas ng ihip ng hangin na nagbabadya ng isang lumalakas na bagyong
paparating.

11. Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin o kaisipan na may maliwanag
naimpresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.

Halimbawa:
Ang pagmamahal niya sa akin ay tila lumayo, nawala at napawi.
Napagod na siya kakalaban hanggang nawalan na siya ng pag-asa

12. Retorikal na Tanong- isang uri ng tayutay na kung saan ang isang pahayag na anyong patanong na hindi
naman nangangailangan ng kasagutan. Isang sinasyang pagdayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang
gawing mabisa, makulay na kaakit-akit na pahayag.

Halimbawa:
Natutulog ba ang Diyos?
Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang ating bayan?

You might also like