You are on page 1of 1

A.

SIMILE o PAGTUTULAD
Ito ay paghahambing sa dalawang bagay na may katulad na katangian.
Ginagamitan ito ng mga salitang nagtutulad: gaya ng, parang, katulad,
tila, animo.

Halimbawa:

 Parang hari si Tonio kung mag- utos.


 Tila sampaguita sa bango ang nilabhang damit ni Bebang.
 Sintigas ng bato ang puso ng galit niyang ama.

A. METAPORA o PAGWAWANGIS
Ito ay paghahambing na tahasan sa 2 bagay na magkaibang-uri. Hindi
ito ginagamitan ng mga salitang nagtutulad.

Halimbawa:

 Isang kalabaw sa lakas ang binatang iyon.


 Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
 Mga galit na tigreng lumalaban ang mga sundalo.

A. EUPEMISMO o PAGLUMANAY
Ito ay paggamit ng mga piling salita upang pagandahin ang isang di-
kagandahang pahayag.

Halimbawa:

 Sumakabilang buhay kagabi ang ama ni Jennifer. (Namatay ang


ama ni Jennifer.)
 Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tatanggalin sa
trabaho)
 Sinabi ng doktor na mayroong big C si Karmen. (Mayroong
cancer)

You might also like