You are on page 1of 10

FF

II
LL
II
P
P
I
I
N
N
O
O
6
6

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

MGA INGKLITIK/PAGKILALA
SA PANGUNAHING PUNTOS
SA PAHAYAG

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

MGA INGKLITIK/PAGKILALA SA PANGUNAHING PUNTOS


SA PAHAYAG

Magandang araw kapuso!


Narito na naman ako, ang iyong kapuso upang
samahan ka sa pag-aaral sa modyul na ito. Pag natapos
mo ang modyul na ito inaasahang
Magagamit mo na ang pang-abay na ingklitik gaya ng
pa, raw/daw, yata, nga, din, rin, muna.
Makikilala mo na rin ang pangunahing puntos sa
isang pahayag sa pamamagitan ng paraan ng
paglalahad.

Pagbalik-aralan

A.

Isulat sa sagutang papel ang pang-abay sa bawat


pangungusap.
Tukuyin kung ito ay pamaraan, panlunan o pamanahon.
1.
2.
3.
4.
5.

B.

Maraming proyekto ang ipinatutupad ng pamahalaan sa ibat


ibang panig ng bansa.
Tanghali na nang matapos ang palatuntunan.
Magbasa ka ng aklat sa silid-aralan.
Dumadalaw ang mag-anak sa lolo at lola nila tuwing
Sabado.
Dali-daling nagbihis si Fred upang hindi mahuli sa pagpasok.

Kilalanin ang pang-abay sa loob ng talata. Isulat din sa


iyong sagutang papel.
Nakaupo ako sa upuang kahoy nang hapong iyon. Patakbong
lumapit sa akin ang isang batang lalaki. Umiiyak nang malakas ang bata.
Paputul-putol niyang sinabi ang dahilan ng kanyang pag-iiyak. Marahan
kong pinahid ang luha sa kanyang mga mata. Dali-daling lumapit ang
1

babae mula sa likod ng isang tindahan. Masayang tinawag ng bata ang kanyang
nanay. Gabi na nang umuwi ako sa aming bahay.
Tingnan mo nga kung tama ang iyong sagot?
A.

1.
2.
3.
4.
5.

ibat ibang panig ng bansa


tanghali na
silid-aralan
tuwing sabado
dali-dali

B.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

sa upuang kahoy
hapon
patakbo
nang malakas
paputul-putol
marahan
dali-dali
sa likod ng isang bahay
masaya
gabi na

Basahin
Sistemang Pambansang ID Okey Na
Magandang balita. Okey na raw ang sistema ng paggamit ng pambansang
ID. Ang kailangan na lang ay mabisang pagpapatupad nito. Sa aking palagay
mga kabayan, tutukan muna ng Malakanyang ang media at mga pamahalaang
lokal na maturuan ng kahalagahan ng sistema ng pag-a-ID. Panalo tayo lahat
dito, walang kaduda-duda iyan. Pero tulad ng lahat ng proyekto ng gobyerno,
dapat nakatutok ang Pangulong Gloria rito upang tuluy-tuloy, walang patid at
malawakang maipatupad.
Isang makasaysayang desisyon para sa pamahalaan ang Executive Order
tungkol sa pagpapatupad ng sistema ng pagkakaroon ng ID. Ito ay tinatawag na
pagpapakita ng kapasiyahang pampulitika ng Pangulong Gloria.
Dati kasi, takot ang gobyerno na ituloy ang sistemang pag-a-ID dahil sa
pagtutol ng ilang grupo ng civil society. Baka raw kasi magamit ito upang
panghimasukan ang pansariling buhay ng bawat isa sa atin. Buti na lang marami
na sa ating kababayan ang naniniwala na hindi lang pangontra sa terorista ang
sistemang ID kundi pangontra rin sa mabagal at magulong pagkilos ng
burukrasya at mga transaksyon dulot ng kawalan ng pambansang sistema ng
pag-a-ID.
Abril 21, 2005
2

Sagutin ang mga tanong upang masubok kung naunawaan mo ang


balitang iyong binasa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1.
2.
3.
4.
5.

Ano ang magandang balita sa iyong nabasa?


Paano magiging mabisa ang pagpapatupad nito?
Bakit sinabing makasaysayang desisyon ang Executive Order?
Bakit tinututulan ang sistemang pag-a-ID?
Paano makatutulong ang nasabing panukala sa ikauunlad ng
bansa?

Alam kong mahusay ka. Tingnan nga natin kung tamang lahat ang sagot
mo?
1.

Ang magandang balita ay naaprubahan na raw ang national ID


system.

2.

Dapat na tutukan muna ng Malakanyang ang media at


pamahalaang lokal na maturuan ng kahalagahan ng sistema ng
pagkakaroon ng ID.

3.

Ito ay makasaysayang desisyon dahil ito raw ang tinatawag na


pagpapakita ng kapasiyahang pampulitika ni Pang. Gloria.

4.

Baka raw kasi magamit ito upang panghimasukan ang pansariling


buhay ng bawat isa sa atin.

5.

Pangontra raw sa terorista ang sistemang ID at pangontra rin sa


mabagal at magulong pagkilos ng burukrasya.

Pag-aralan Natin

Basahing muli ang mga pangungusap na nagtataglay ng sinalungguhitang


salita.
1.
2.
3.
4.
5.

Okey na raw ang National ID system.


Ang kailangan na lang ay epektibong implementasyon nito.
Tutukan muna ng Malakanyang ang media at pamahalaang lokal
na maturuan sa kahalagahan ng ID system.
Dati kasi, takot ang gobyerno na ituloy ang ID system.
Baka raw kasi magamit ito upang panghimasukan ang pansariling
buhay ng bawat isa sa atin.
3

6.

Buti na lang, marami sa ating mga kababayan ang naniniwala na


hindi pangontra sa terorista ang ID system kundi pangontra rin sa
mabagal at magulong burukrasya.

Pansinin ang mga katagang raw, lang, muna, kasi, na, lang, rin na
nakasingit sa mga pangungusap. Ano kaya sa palagay mo ang
nagagawa nito sa pangungusap?
Nakapaglilinaw ba ang mga ito sa pangungusap? Oo, tama ka!
Nagbibigay linaw ang mga ito. Ang mga ito ay tinatawag na ingklitik o
paningit.
Tandaan

Ang mga ingklitik o paningit ay nakapagbabago ng diwa ng pangungusap


ngunit hindi nakatatayong mag-isa.
May 16 na katagang pang-abay o ingklitik. Ang mga ito ay ang
sumusunod:
ba
kasi
kaya
na

daw/raw
din/rin
yaman
yata

pala
tuloy
nga
lamang/lang

muna
man
pa
sana

Pagsanayan

Narito ang kasunod na isyu ng iyong nabasang balita. Basahin mo at


subuking isulat ang mga pangungusap na may ingklitik sa iyong sagutang papel.

SISTEMA NG PAG-A-ID POSIBLENG


IPATUPAD SA 2006
POSIBLENG sa susunod na taon pa tuluyang maipapatupad nang husto
ng pamahalaan ang Pambansang Sistema ng Pag-a-ID upang higit itong
maging mabisa at maunawaan ng mamamayan.
Ito ang inihayag kahapon ni Department of Budget ang Management
(DBM) Secretary Emilia Boncodin sa ginanap na pulong pampahayagan sa
Malacaang.
Ayon kay Boncodin, mauuna munang ipatupad ang naturang sistema sa
mga kawani ng pamahalaan bagamat tiniyak niya na sa kalaunan ay apektado
4

rin ng pagpapatupad nito maging ang pribadong indibidwal na kumukuha ng ID


sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Binigyang-diin pa ng kalihim na malaki ang matitipid ng gobyerno sa pagiisyu ng ID kard sa sandaling maipatupad ang aktuwal na Pambansang Sistema
ng Pag-a-ID, taliwas sa banat ng ilan na nakaisip lamang ang gobyerno ng
dagdag na pagkakagastusan.
Sa ngayon, aniya, ay sinisimulan nang ibalangkas ng National Economic
and Development Authority (NEDA) ang mga tuntunin at pamantayan sa
ipinalabas na Executive Order at pupulungin na ni Executive Secretary Eduardo
Ermita ang mga pinuno ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan na namamahagi
ng kanilang ID sa mga kawani upang pag-usapan kung paano mapag-iisa ang
ID ng mga kawani.
Tumanggi namang ihayag ni Boncodin kung magkano ang aktuwal na
halagang handang pakawalan ng gobyerno sa naturang kautusan dahil hindi pa
aniya batid kung magkano ang talagang magugugol sa bawat isang ID na
ibabahagi sa mamamayan.
Gayunman, nagbigay ng pagtaya ang kalihim na hindi lalagpas ng P50.00
ang isa kahit na ang ipapamahaging ID ay may mga kaukulang proteksiyong
pang-teknolohiya tulad ng pagkakaroon ng cryptographic technology
Remate
May 15, 2009

KORTE SUPREMA PABOR DIN


POSIBLENG ibasura lamang umano ng Korte Suprema ang anumang
petisyon na kumukuwestiyon sa executive order (EO) ng Pangulong Gloria
Arroyo sa pagpapatupad ng Pambansang Sistema ng Pag-a-ID sa lahat ng
empleyado na nasa ilalim ng sangay ng ehekutibo.
Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, malayong ihambing ang EO ng
Pangulong Arroyo sa administrative order (AO) naman noon ni dating Pangulong
Fidel V. Ramos, kaugnay sa ID system na pinawalang-saysay ng Korte
Suprema.
Ipinaliwanag ng hepe ng Korte Suprema na nakasaad sa desisyon ng Korte
Suprema na bawat batas sa kautusan ay dapat may kaakibat na safeguard at
ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naibasura lamang ang AO ni Ramos.
Aniya, hindi mangyayari na danasin ng EO-420 ang sinapit ng AO ng dating
Pangulong Ramos dahil mailalatag naman umano ang lahat ng dapat isaalangalang.
Tempo
Abril 22, 2005

Malinaw ba ang mga mata mo sa ingklitik? Tingnan nga natin?


Narito ang mga pangungusap na may ingklitik. Ihambing mo ang iyong
sagot.
1.

2.

3.
4.
5.
6.

Posibleng sa susunod na taon pa tuluyang maipapatupad nang husto ng


pamahalaan ang Pambansang Sistema ng Pag-a-ID upang higit itong
maging epektibo at maunawaan ng mamamayan.
Ayon kay Boncodin, mauuna munang ipatupad ang naturang sistema sa
mga kawani ng pamahalaan bagamat tiniyak niya na sa kalaunan ay
apektado rin ng pagpapatupad nito maging ang pribadong indibidwal na
nakikipag-transaksiyon at kumukuha ng ID sa mga ahensiya ng
pamahalaan.
Binigyang diin pa ng kalihim na malaki ang matitipid ng gobyerno sa pagiisyu ng ID card.
Hindi pa niya batid kung magkano ang talagang magugugol sa bawat
isang ID na ibabahagi sa mamamayan.
Hindi lalagpas ng P50.00 ang isa kahit na ang ipapamahaging ID ay may
kaukulang proteksiyong pangteknolohiya.
Posibleng ibasura lamang umano ng Korte Suprema ang anumang
petisyon na kumukuwestiyon sa executive order ng Pangulong Gloria
Arroyo.

Tuklasin

Balikan mo ang dalawang balitang iyong binasa.


Kilalanin ang
pangunahing kaisipan sa pahayag sa paraan ng paglalahad. Saang bahagi ng
pahayag mababasa ang pangunahing kaisipan? Sa unahan ba? sa gitna? o
sa hulihan?
Kung ang iyong sagot ay sa unahan, tama ka!
Karaniwang nakikita ang pangunahing puntos o kaisipan sa unahan ng
pagpapahayag.

Pagsasanay
Basahin ang balita. Isulat ang pangunahing kaisipan sa iyong sagutang
papel.

DOKTOR SA RP UBOS NA
Darating ang panahon na tuluyan nang mawawalan ng doktor ang Pilipinas.
Itoy dahil na rin sa pagkaubos ng mga obstetricians, pediatricians at
anaesthetists na nagsisipuntahan sa ibang bansa kung saan mas malaki ang
kanilang kita.
Sa katunayan, bumagsak sa 20 porsiyento ang enrolment ng mga
paaralang medikal noong nakalipas na taon. Napuwersang magsara ang ilang
eskwelahan. Sa kasalukuyan, sampung medical schools at dalawang provincial
hospitals ang namumurong magsara.
Ayon sa Philippine Medical Association, libu-libong doktor ang pumupunta
sa nursing school upang mag-aral ng nursing para makakuha ng trabaho bilang
nars sa Europa, Estados Unidos at maging sa Gitnang Silangan.
I call it medical apocalypse, the end of medical practice in the Philippines,
ani PMA president Bu Castro na nagsabi na 2,000 mga doktor ang umaalis sa
bansa bawat taon habang 1,000 ang nagtatapos mula sa paaralang medikal.
Kahit hindi nila nagagamit ang pinag-aralan sa ibayong dagat, hindi ito
mahalaga sa mga doktor dahil kumikita sila ng 8,000 dolyar sa isang buwan na
higit na mas malaki sa ipinasusuweldo ng mga ospital ng gobyerno.
Ang mga bansang nag-aalok ng mga trabahong teknikal at propesyonal ay
ang Saudi Arabia, Australia, Japan at Hongkong na malapit nang magbukas ng
kanyang Disneyland.(AFP)
Pinagkunan :
Abante Abril 23, 2005

Naisulat mo ba ang pangunahing kaisipan? Iwasto mo ang iyong sagot.


Narito ang tamang sagot.
Darating ang panahon na tuluyan nang mawawalan ng duktor ang
PIlipinas.

Subukin ang Sarili

A.

Piliin sa loob ng panaklong ang ingklitik na angkop gamitin


sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel
1.
2.
3.
4.
5.

B.

Magkakaroon ( nga , daw ) ng paligsahan sa aming barangay.


Pipiliin ( yata , naman ) ang may pinakamalinis na bakuran.
Hihikayatin ang bawat bahay na magtanim ng halaman ( tuloy ,
kasi ) nagpapaganda ang mga ito ng paligid.
Uunahin ( pa , muna ) ang mga barangay na malapit sa bayan.
Bibigyan ( nga , pa ) ng premyo ang mananalo.

Basahin ang balita. Saan makikita ang pangunahing


kaisipan? Sa unahan, sa gitna o sa hulihan. Isulat ang
kaisipan sa sagutang papel.
IMPORTANSYA NG BITAMINA C

Ang Bitamina C ay may ginagampanang parte sa katawan ng tao at ito ay


mahalaga sa tamang pagtubo ng ngipin, buto, ngala-ngala, daluyan ng dugo at
maging ang litid.
Katunayan, ang Bitamina C ay mahalagang sangkap sa katawan ng tao.
Ang nuerotransmitters sa katawan at ang adrenal hormone ay nakadepende sa
Bitamina C para sa kanilang proseso. Kung wala ang bitaminang ito, hindi
makukuha ng katawan ang dalawang mahalagang tulong ang iron at folic acid.
Makukuha mo ang Bitamina C sa halos lahat ng prutas at gulay. Ang mga
prutas na citrus ang may pinakamataas na pagkakaroon ng naturang bitamina.
Makukuha mo rin ang Bitamina C sa mga gulay tulad ng kamatis, patatas at
berdeng dahon na gulay. Maging ang strawberries ay sagana at mayaman din sa
Bitamina C.
Pinagkunan :
Remate
Abril 24, 2005

Tingnan natin kung tama ang iyong sagot. Ihambing ang mga ito sa mga
sagot ko sa kahon.
A.

B.

daw
yata
kasi
muna
pa

Ang pangunahing kaisipan ay nasa unahan.


Ang Bitamina C ay may ginagampanang papel sa
katawan ng tao at ito ay mahalaga sa tamang pagtubo ng
ngipin, buto, ngala-ngala, daluyan ng dugo at maging ng
litid.

Natapos mo bang lahat ang mga gawain? Tama ba ang iyong mga sagot
sa aking mga katanungan? Kung sa iyong palagay, naunawaan mo nang
lubusan ang mga aralin, maaari ka nang tumungo sa susunod sa modyul.

You might also like