You are on page 1of 19

MGA KAGAMITANG

PAMPANITIKAN SA
MALIKHAING
PAGSULAT
IMAHEN
Ayon kina kim addonizio at Dorianne laux sa kanilang
“the poet’s companion”, ang imahen ay ang salita sa tula
na tumutukoy sa limang pandama ng mambabasa ( 1997,
86).
Nikki Moustaki- ayon sa kanyang “the complete idiot’s
guide to writing poetry”, hindi natin nararamdaman kung
ano ang “sakit”, ngunit tumatagos sa ating imahinasyon
ang tusok ng karayom (2001, 37.)
Hindi siya nag- aangat ng mukha
Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata
Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo,
Inaaliw kung mainit ang ulo.
Wala siyang paliwanang
Kung bakit hindi siya umuuwi magdamag,
Ngunit kunot na kunot ang kaniyang noo
Kapag umaalis ako ng lingo.
- Sipi sa tulang “liham ni pinay mula sa brunei” (Ruth Elynia Mabanglo)
Sa pagsulat ng tula kailangang
balansehin ang abstrakto at kongkreto
at material na anyo na madaling
unawain at bigyang- Kahulugan; tulad
ng bulaklak na rosas o init ng kape.
Mahalaga ring balansehin ang unibersal
na karanasan ng sangkatauhan at lokal
TAYUTAY
Maaaring salita o parirala na
gumagamit ng mga simbolo,
talinghaga (metaphor), paghahambing
o representasyon upang
makapagpahayag ng emsyon o upang
maitutok ang pansin ng mambabasa
sa mas malalim at hindi literal na
PAGTUTULAD O SIMILI

Hindi tuwirang paghahambing ito ng


magkaibang bagay, tao o pangyayari pagkat
gumagamit ng mga pariralang tulad ng ,
kawangis ng ,para ng, gaya ng.
Halimbawa:
Tumakbo siyang katulad ng isang mailap na
usa nang makita ang papalapit na kaaway.
PAGWAWANGIS O METAPORA

Tuwirang paghahambing sapagkat hindi


na gumagamit ng mga pariralang
panulad.
Halimbawa:
Isang bukas na aklat sa akin ang iyong
buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa.
PERSONIPIKASYON O PAGBIBIGAY
KATAUHAN
Paglalapat ng katangian ng tao sa mga
bagay na wala namang buhay;
pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o
kilos ng tao.
Halimbawa:
Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa
kanyang malagim na wakas.
PAGPAPALIT- TAWAG O METONIMI
Ayon kay Sebastian, ang panlaping meto ay
nangangahulugan ng pagpapalit o
paghahalili. Dahil dito, nagpapalit ito ng
katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
Malakas talaga siyang uminom, sampung
bote ay agad niyang naubos nang ganoon na
lamang.
PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI

Lagpas ito sa katotohanan o eksaherado


ang mga pahayag kung pakasusuriin.
Halimbawa:
Sa dami ng inimbitang kababayan, bumaha
ng pagkain at nalunod sa mga inumin ang
mga dumalo sa kasalang iyon.
PAGLUMANAY O EUPEMISMO
Paggamit ng mga salitang
magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng
orihinal na salita.
Halimbawa:
Magkakaroon din lamang siya ng babae
ay bakit sa isa pang mababa ang lipad.
PAGTATAMBIS O OKSIMORON
Ito naman ay paggamit ng mga salita o
pahayag na magkasalungat.
Halimbawa
Ang buhay sa mundo ay tunay na
nakakatawa: may lungkot at may tuwa,
may hirap at ginhawa, may dusa at pag-
asa.
PAG-UYAM O IRONIYA
Ito naman ay may layuning mangutya ngunit
itinatago sa paraang waring nagbibigay puri.
Halimbawa:
Kahanga- hanga rin naman ang taong iyan,
matapos mong arugain, pakainin at damitan
ay siya pa ang unang mag- iisip ng masama
sa iyo.
PAGPAPALIT- SAKLAW O SINEKDOKI

Binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy


sa kabuoan o pagbanggit sa kabuoan upang
kumatawan sa mga bahagi.
Halimbawa:
Kagabiý dumalaw siya, kasama ang kanyang
mga magulang upang hingin ang kamay ng
dalagang kanyang napupusuan.
PAGLALARO NG SALITA O PUN
Paghahanap ng salita ng isang
pamilyar na pahayag.
Halimbawa:
Libing Things (isang punerarya)
Washing Well (isang laundromat)
Copy Cat (isang photocopy shop)
PANAWAGAN(APOSTROPHE)
Pakikipag- usap sa isang imposibleng
makausap o hindi maaaring makausap.
Halimbawa:
Magagawa kaya ng isang ina na
magmaramot sa isang anak na
nagugutom, may sakit at nagmamakaawa?
ONOMATOPEYA
Sa pamamagitan ng tunog o himig ng
salita ay nagagawang maihatid ang
kahulugan nito.
Halimbawa:
Langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig ,
dagundong ng kulog, haginit ng hangin
ALITERASYON
Pag uulit ito ng mga katinig sa inisyal na bahagi
ng salita (pag- ibig, pananampalataya at pag-
asa; lungkot at ligaya; masama o mabuti)
Halimbawa:
Mababakas sa mukha ng isang mabuting
mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi
sa mahal niyang bayan.
SANGGUNIAN

Garcia, Fanny A. et. al, Malikhaing Pagsulat, Manila Philippines, Rex Book Store, 2017
Badayos, Paquito et. al, Masining na Pagpapahayag, Mutya Publishing House, Inc.,

You might also like