You are on page 1of 6

Ang parirala ay mga lipon ng salita na walang simuno at panaguri at ginagamit lamang sa bahagi ng

pangungusap.

Uri ng Parirala Baguhin

Pariralang pandiwa Baguhin

Ito ay pariralang binubuo ng pandiwa at pang-uri o lipon nito.

Pariralang Pang-ukol Baguhin

Ito ay binubuo ng pang-ukol at ang layon nito.

Halimbawa: Huwag kayong gagawa ng labag sa batas.

Pariralang Pawatas Baguhin

Ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito.

Halimbawa: Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan.

Parirala sa Pangngalang Diwa Baguhin

Pagsasama ng panlaping pag + salitang ugat + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + layon nito.

Halimbawa: Ang paglalakad sa batuhan ay mahirap.

Pariralang Pandiwa Baguhin

Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay pagsasama ng pantukoy na ang +
pang-ngalang diwa + layon nito. Tumutukoy sa aksyon.

Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na mag-aaral.

Gamit ng Parirala sa Pangungusap Baguhin


Pariralang Pangngalan Baguhin

Ang parirala ay ginagamit bilang isang pangngalan.

Halimbawa: Ang tanging pinahahalagahan ni Mayie ay "ang pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan."

Simuno Baguhin

Ang parirala ang pangunahing diwa ng pangungusap.

Halimbawa: Laging' tinatandaan ni Domeng ang ukol sa kanyang kinabukasan

ang mabuting mamayan ay nagbabayad ng buwis

Kaganapang Pansimuno Baguhin

Ang parirala ay ipinapakilala ang simuno

Halimbawa: Ang tinalakay nina Feliz at Edward ay tungkol sa ikauunlad ng bayan.

Pamuno sa Simuno Baguhin

Ang simuno at ang pariralang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.

Halimbawa: Si Gail, ang pinuno ng aming klase, ay isang manunulat na.

Pariralang Pang-uri Baguhin

Ang parirala ay ginagamit upang mag-bigay turing sa pangngalan o panghalip.

Halimabawa: Si Bianca ay isang babaeng may kalukuhan.

Pariralang Pang-abay Baguhin

ang parirala ay sumasagot sa tanong na saan at kailan.


Halimbawa: Ang bata ay pupunta sa parke.

Pangatnig

Basahin sa ibang wika

Download PDF

Bantayan

Baguhin

Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o
pangungusap.

Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng "o," "ni" at "maging"),
manalungat (katulad ng "ngunit," "habang" at "bagamat"), maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at
"gayon"), manubali (katulad ng "kapag" at "sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at
"gayon din"), magbigay sanhi (katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad ng
"sa wakas" at "upang").

Halimbawa Baguhin

at Baguhin

Ito ay ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita, parirala o pangungusap na pagkaugnay.

Halimbawa: "ina at ama", "Aalis ako ngayon at bukas na ako babalik."

ngunit, subalit, pero, datapwat Baguhin


Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng dalawang kaisipang magkakontra o magkasalungat.

Halimbawa: "Gusto kong maligo pero wala namang tubig."

o Baguhin

Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng mga salita o kaisipang pinagpipilian.

Halimbawa: "mahal ko o mahal ako", "Alin sa mga ito ang gusto mo, pula, puti o asul?"

Iba pang halimbawa Baguhin

Narito ang mga iba pang uri ng pangatnig:

ni- pang ugnay sa pangalang ng tao

kaya

maging

man

saka

pati

dili kaya

gayundin

kung alin

bagkus

samantala

habang

maliban
bagaman

kung

sa bagay

kundi

kapag

sakali

sana

sapagkat

kasi

kung kaya

palibhasa

dahil sa

sanhi ng

samakatuwid

sa madaling salita

Pang-angkop

Basahin sa ibang wika

Download PDF

Bantayan

Baguhin

Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita, na nag-uugnay
sa panuring (modifier, katulad ng pang-uri at ng pang-abay) at salitang tinuturingan.
Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan.
Halimbawa nito sa pangungusap ay; "Nasira ang tulay na kawayan.", "May maraming dahong luntian
dito.", "Malayang nakakalipad ang Ibon."

Uri ng Pang-angkop Baguhin

na Baguhin

Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang
nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.

Halimbawa: mapagmahal na tao

-ng Baguhin

Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.

Halimbawa: mabuting nilalang

-g Baguhin

Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n. Ikinakabit ito sa unang salita.

Halimbawa: huwarang mamamayan

You might also like