You are on page 1of 1

1. Sino si Inem?

ilarawan ang kanyang pisikal na katangian , paguugali at personal na


paniniwala
2. Sino si Muk? Ano ang kaugnayan niya kay Inem?
3. Ilarawan ang pamilya ni Inem. Mula sa kwento, ano ano ang mga katangian at/o
paniniwala ng kaniyang ina, ama, at iba pang kapamilya?
4. Bakit nais ipakasal ng kanyang ina si Inem kay markaban kahit batang bata pa ito?
5. Naging masaya ba si Inem sa kanyang buhay may asawa? Bakit ninanais niyang
makipaghiwalay?
6. Paano siya itinuring sa kanilang komunidad? Bakit ayaw na siyang ampunin muli ng
nanay ni Muk matapos niyang mahiwalay sa asawa?
7. Magbigay ng ilang paniniwala at/o gawi sa Indonesia na nakapaloob sa teksto.
8. Bilang isang kabataan, sa paanong paraan ka makakatulong upang mabawasan ang
nangyayaring pang aabuso sa mga babae?

1. Si Inem ay isang batang babae na walong taong gulang. Siya ay maganda at kinaaaliwan ng karamihan.
Siya ay magalang, natural kumilos, matalino, at masipag – relihiyosong tao – hindi siya pwede
mangatwiran o sumagot.

2. Si Muk ay ang kaibigang lalaki ni Inem, anim na taong gulang. Kila Muk, nanilbihan at tumira si Inem sa
pansamantala.

3. Si Inem ay gumagawa ng batik, Ang pamilya ni Inem ay nabibilang sa mahihirap na pamilya. Paggawa
ng ikat kepala ang trabaho ng kanyang ina at isang propesyonal na mandarambong at sugarol,
magnanakaw at dating pulis naman ang kanyang ama, kung saan ito ay natanggal sa trabaho dahil sa
suhol. Naniniwala ang pamilya ni Inem sa maagang pagpapakasal, upang hindi na problemahin pa ng
pamilya sapagkat sila ay mahirap lamang. Mahahaba rin ang buhay at malulusog ang mga lahi ni Inem.

4. Nais na ipakasal ng ina ni Inem kay Markaban dahil mayaman ang mga magulang ni Markabahan at
upang mairaos si Inem sa kahirapan at kapag ipinagpaliban ito ng nanay ni Inem ay isang kahihiyan
kapag tumandang dalaga si Inem.

5. Hindi naging isang mabuting asawa si Markaban kay Inem. Gabi gabi sila nagaaway ng kanyang asawa,
at dahil sinasaktan at binubogbog nito kaya ninais nya ng makipaghiwalay.

6. Dahil sya ay isa ng diborsyado, hindi tama na makitira sya sa ibang bahay na may mga kasamang ibang
lalake. Bumaba ang tingin sa kanya ng mga tao, naniniwala sila na hindi naging isang mabuting asawa ito
kaya hiniwalayan sya ng kanyang asawa. Sa tingin ng mga tao ay bumaba ang dangal ni Imen dahil sa
pangyayari.

7. Maagang pagpapakasal sa murang edad. Ang mga bata ay pinag hahanapbuhay sa murang edad
imbes na pinag aaral. Pag aabuso sa kabataan at kababaihan. Pananakit sa kabataan ng mismong
miyembro ng pamilya. Naging masama ang tingin sa bata ng lipunan dahil hiwalay siya sa kanyang
asawa.

8. BIlang kabataan, ipapaalam ko mas nakakatanda kung may nalalaman akong pang aabuso kanino man
lalo na sa kapwa ko kababaihan.

You might also like