You are on page 1of 3

Pagsusuri sa Panitikan

Ipapasa ni: Princess Jovie Mary S. Bitanga

I. Pamagat ng Akda: Liham ni Pinay mula sa Brunei

II. May-akda: Ruth Elynia S. Mabanglo

III. Mga Tauhan: Guro/Ina/Asawa, Tatay, Anak

IV. Buod: Siya ay isang Guro, Asawa at Ina na may Asawang irresponsible.
Asawana lagi umaasa sa kanyang asawa kahit sa pagtempla ng sarili
niyang kape hindi niya magawa. Kaya ang nanay ang gumagawa lahat ng
gawaing bahay at siya din ang naghahanap –buhay para sa kanilang
pamilya. Pero hindi naging sapat ang kinikita niya sa pagtuturo lamang
kaya naisipan niyang maging OFW/mag-abroad sa Brunei. Nung
nakapag abroad na siya at nakaluwag luwag na din sa buhay, naasikaso
na din niya ang kanyang sarili. Dahil sa doble ang kita niya kompara sa
Pilipinas. Natuto na din siyang tumayong mag-isa at ang tanging
natutunan niya ay wag asahan ang asawang walang alam kundi iasa lahat
sa asawa.

V. Pagsusuri:

1. Panahon na kinabilangan

2. Sariling Puna:

Nakikita ko dito na ipinahahayag ng may-akda ang karaniwang


katayuan ng kababaihan sa ating lipunan na kung saan kadalasan siya
ay isang ina, propesyunal at maybahay, at kung saan din madalas ay
ginagampanan niya ang lahat ng ito.
Madalas hinahadlangan niya ang sariling pagunlad para sa kapakanan
ng iba at may maraming pagkakataon ay hindi din napapansin ang
kanyang mga ginagawa at pasakit. Dito din ay ating mapupuna na ang
mga kababaihan ay may karapatan ar maari ring umunlad sa iba’t-
ibang personal na aspeto kung kanila lamang nanaisin.

3. Gintong Kaisipan: Ang gintong kaisipan ko dito ay MATUTONG


TUMAYO SA SARILING PAA. Wag kang papayag na babae yung
naaargabyado sa lalake. Umiba na ang pagtrato ng babae ngayon.
Hindi tulad noong unang panahon na Ginagalang, Minamahal,
Binibigyang importansiya ang kababaihan. Okay lang pag ang
magulang ay piniling magtrabaho pareho. Pero hindi naman siguro
makatarungan kung yung babae lang yung naghahanap-buhay. Sa
pagkakaalam ko ang Ama dapat ang mas responsible sa pagtrarabaho
dahil siya ang “head of the family”. At ang nanay dapat ang best
guardians ng mga anak kaya hindi dapat sila paghihiwalayin.Sa tulang
ito binigyan niya ko ng pagunawa sa mga magulang ko na hindi nila
kinailangan lumayo para matustusan ang aking pangangailangan.
Maraming pasasalamat ko sa aking mga magulang at Saludo din ako
sa mga OFW na magulang!!!

4. Mga mungkahi:

Ang tulang “Liham ni Pinay Mula sa Brunei” ay gumagamit ng


teoryang feminism kung saan ang babae sa tula ay hindi na katulad ng
mga babae noong unang panahon. Ipinakikita ng tula ang damdamin
ng babae sa pantay na paghahati ng responsibilidad ng ama at ina ng
tahanan. Nakapamumulat din ang akda sapagkat nakikita ng mga
mambabasa, kababaihan man o kalalakihan ang damdaming sinisikil
ng maraming babae sa double standard na kalakaran sa ating lipunan.
Sa babae nakaatang halos lahat ng responsibilidad sa pamilya sa
kabila ng kanyang pagtratrabaho sa labas ng tahanan
upang mapaghusto ang kita ng pamilya. Inaasahang ang mga
kababaihang
makakabasa nito ay matutong magsalita at ipaglaban ang kanilang
karapatan samantala, ang mga kalalakihan naman ay magiging higit
na makatwiran at gagawa ng nararapat upang maitaguyod ang
pagkakapareho ng tao anuman ang kasarian.

You might also like