You are on page 1of 7

Maganda pa ang Daigdig

Ni Lazaro Francisco
• Lazaro Francisco
--ang pangunahing nobelistang Tagalog
at ang kanyang nobelang “Maganda pa
ang Daigdig” ay ibinilang sa 24 na
makabuluhang nobelang tagalog mula
1905-1975
• Dapat suriin ang nobelang Tagalog batay
sa “mga pangyayaring pangkasaysayan,
pangkultura, at pampanitikan na
humubog dito.”
• Hindi na bago ang konseptong ito
sapagkat noong uka 19 siglo, itinaguyod
na ng kritikong Pranses na si Hippolyte
Taine ang ganitong sosyo-historikal na
panunuri sa kanyang lahi, panahon.
• ANG NOBELANG TAGALOG
NOON
• Ang nobelang Tagalog ay iniluwal sa panahon
ng mga Amerikano. Ito ay pinatutunayang
produkto na labas sa panahon ng pananakop
ng mga kastila bagamat napakayaman sa
impluwensiya ng nasabing panahon. Walang
maituturing na nobelang masining at
makabuluhan na nasulat noong panahon ng
Kastila maliban sa NOLI at FILI ni Rizal na nasa
wikang Kastila.
• Ang kawalan marahil ng mga naipalimbag,
naipalathala, o maaaring naisulat na nobela noong
panahon ng Kastila ay maipaliliwanag sa mga
sumusunod na dahilan:
• • malaking halaga ang kaugnay na gagastahin sa
pagpapalimbag;
• • ang mga manunulat o maging ang karaniwang
mamamayan ay walang layang maglahad ng kanilang
damdamin at kaisipan dahil sa kahigpitan ng sensura;
at
• • namalasak ang mga sanaysay at panunuligsa na
ibinunga ng Kilusang Propaganda at siyang mga
inilathala sa Pahayagang La Solidaridad.
• Karagdagan pa ang katotohanang ang ilang
mga nakasulat ng nobela noong panahong
nabanggit, halimbawa ay si Rizal, ay hindi
nagtatag ng mga panuntunan sa pagsulat ng
nobela. Kaya't walang nagawa ang mga
manunulat na/sa Tagalog kundi ang bumuo
ng sari-sarili nilang huwaran sa pagsulat.
Nanguna rito sina Lope K. Santos at Valeriano
Hernandez Peña at kaagad namang sinundan
ng mga manunulat na sina Aurelio Tolentino,
Iñigo Ed. Regalado, Roman Reyes, at marami
pang iba.
• Sumilang ang nobelang Tagalog bilang
isang partikular na anyong pampanitikan
noon lamang unang dekada ng
ikadalawampung dantaon.
• Ang nobela, nobelista at mambabasa ay
may mahigpit na ugnayan.
• Ang nobelista ang tagapagsalita ng
kanyang panahon; sa kaniyang panulat,
nabibigyang buhay ang mithiin, saloobin
at hinaing ng kanyang bayang
mambabasa.

You might also like