You are on page 1of 1

Si Hebe at ang kanyang Kagustuhan

Sa kaharian ng Olympus ay nakatira ang anak na babae ni Zeus na si Hebe, siya ay isang dalagita na palagi na
lamang ikinikukulong ng kanyang ama sa loob ng kanyang silid upang hindi masilayan ng araw at panghabang buhay na
mag mukang bata at maganda. Ang nanay ni Hebe, na si Hera ay sobrang awang awa na sa kanyang anak na babae dahil
ito ay masyadong ipinapagdamot ng kanyang ama sa mga tao at pati na rin sa ibang diyos dahil sa aking niyang
kagandahan, at ang kanyang kakayanan na magpabata din ng ibang diyos o tao.
Nang lumaki si Hebe ay palagi na lamang itong nagtataka kung bakit hangang ngayon ay nakakulong padin siya
sa kanyang silid. Napupuno na ng poot at kalungkutan ang puso ni Hebe dahil sa nararamdaman nito ng sama ng loob sa
kanyang ama na si Zeus.
“Hindi po ba ako mahal ng ama, ina?” Tanong niya kay Hera.
“Mahal ka nang iyong ama, anak. Ngunit hindi ka lang talaga pwede ipakita sa iba dahil sa aking mong
kagandahan at kapangyarihan. Ikinakatakot namin na baka kapag ikaw ay lumabas ng silid na ito ay matulad ka sa iba
mong kapatid na ninakaw ng iba’t ibang diyos upang gawin nilang asawa at maltratuhin lamang.” Sagot naman ni Hera.
Noong lasing at pagod na ang lahat sa araw araw na pagdiriwang ng kaharian ng Olympus ay lakas loob
nang lumabas ng kanyang silid si Hebe upang makaalis at makatakas sa pagkakakulong na ito.
Habang naglalakad ng sobrang tahimik si Hebe, ay biglang lumitaw si Zelus, ang diyos ng inggit. Nakita
agad ni Zelus ang kagandahan at ang kapangyarihang taglay ni Hebe kaya’t agad agad ay nainggit na ito at gusto kunin
ang taglay nitong kapangyarihan.
“At ikaw pala ang napaka-sikat na Hebe, ang anak ni Zeus na ayaw ipakita sa kahit na sinong diyos! Ngayon
alam ko na kung bakit! Sobra ang iyong kagandahan at alam ko na napakalakas din ng iyong kapangyarihan!” Pagbola ni
Zelus sa kawawang dalagita na hindi alam kung paano makikitungo sa iba.

Hindi naka kibo si Hebe, kaya’t napagisipan agad siya ng plano ni Zelus na ibigay muna kay Kotys, ang diyosa
kung saan ang mga pagdiriwang ay sobrang gulo at halos walang katapusan. Sinabihan niya si Hebe na ang diyosa na
kanilang pupuntahan ay may kapangyarihan na gawin siyang masaya – na kanyang gustong gusto niya maranasan.

Lumipad sila gamit ang isang kabayo na lumilipad papunta sa mundo ng mga tao, kung saan si Kotys ay
nakikipag saya at nakikigulo kasama ng mga tao na hindi alam na siya ay isang diyosa. Nang makarating sila sa liblib na
lugar na ito ay agad na tinawag ni Zelus si Kotys upang ipakilala si Hebe.

Ang kawawang Hebe, hindi alam ang gagawin sa oras na iyon. Wala siyang alam sa mga panyayari na susunod
at nalaman nalamang na siya ay pinapainom ng kung ano ano at iba ibang klaseng inumin na kanyang ikinagalak na inumin.

Siya ay natuwa at halos nabaliw nang matikman ang pinaka espesyal sakanya na binigay ni Kotys na ang
Agord kung saan ito ay ang pinakaipinag babawal na inumin para sa mga diyos dahil ito ay nagiging sanhi ng kabaliwan at
kung ano ano pa.

Nawalaan ng hiya si Hebe at kung ano ano na ang pinag-gagawa sa mundo ng mga tao. Siya ay lumalambitin
sa kung saan saan, sumasama kung kani kaninong lalaki, at halos mabaliw kapag hindi siya nakakainom ng Agord na
nagkakaroon ng sobrang laking halaga na binibili niya kay Kotys kaya siya ay napipilitan at namamanhid na magbenta ng
kanyang katawan sa mga lalaki na siya ay nagugustuhan.

Tawa ng tawa si Zelus dahil ang kanyang plano ay nagtagumpay. Samantalang ang buong kaharian ng
Olympus ay nagkakagulo sa pagkawala ni Hebe. Sobra na ang galit ni Zeus, kaya pinatawag niya si Pheme, ang diyosa ng
popularidad at mga chismis at sinabi agad nito na si Hebe ay nasa mundo ng mga tao at nagpapakabaliw.

Dali daling pumunta ang mga alagad ni Zeus sa mundo ng tao at pinaghahanap si Hebe. Nakita nila ito na
nag wawala na muli at umiinom ng Agord na hindi na niya tinitigilan. Kinuha siya ni Zeus, at pinarusahan ang may pakana
ng masamang plano na ito na si Zelus at pina alis ng kaharian ng Olympus.

Si Hebe ay patuloy parin ang kanyang pagkabaliw, at minsan noong siya ay naglalakad sa Olympus hawak
ang kanyang Agord ay bigla siyang nasuka kaya ang mga bakas ng agord ay natapon at napunta sa mga tao. Naihalo ito
sa iba’t ibang halaman at noong ito’y natikman ng tao ay sila ay nababaliw at nawawala sa sarili katulad ng kawawalang
bata na si Hebe na walang alam sa kanyang ginagawa na siyang kanyang ikinapahamak.

Ang kagustuhan lamang ni Hebe ay makalabas at makisiya sa mga kaganapan, ngunit ito ay ipinagkait sakanya
kaya binigay ng isang diyos ang gamot kung saan siya habang buhay na sasaya – ang Agord.

You might also like