You are on page 1of 4

Ako si Cupid. Maaaring halos lahat kayo ay kilala na ako.

Oo ako nga, ang


God of Desire at God of Love. Ako ay anak ni Aphrodite na kilala bilang
Goddess of Beauty apat kaming magkakapatid. At nagkagusto kami sa
iisang babae na nagnga-ngalang Psyche. Si Artemis ang panganay, kilala
bilang Diyos ng Kidlat. At bilang anak ni Aphrodite, pwede niyo nang hulaan
kung ano ang itsura nito. Oo tama ka, gwapo, matipuno, matangkad na lalaki
at kayumanggi at meron din siyang napaka-gandang mata at matangos na
ilong. Ang sumunod naman kay Angelo ay si Ako. Ang sumunod naman sa
akin ay si Kael; kilala bilang Diyos ng Hangin at Ulan, kay Kael mas malapit
ang loob ko kesa sa iba ko pang mga kapatid. Si Kael, simple lang, hindi niya
ipinagyayabang ang kaniyang sariling kapangyarihan, at kahit kailan, hindi
niya ito naisip na gamitin sa masama. Si Kael ay medyo maliit kung
ikukumpara sa tangkad ng aming panganay na kapatid na si Angelo, si Kael
ay may pinaghalong berde at asul na mga mata na namana niya sa aming
Ama, si Poseidon ang Diyos ng tubig o karagatan. Meron ding napaka-tangos
na ilong si Kael. Mahilig si Kael na pumunta sa hangganan ng Olympus para
silipin ang mga tao kung ano na ang kaganapan doon. Ang sumunod naman
kay Kael ay ang bunso naming kapatid na si Apollo, dalawang taon lamang
ang agwat ng edad ni Kael at Apollo, malapit din ang loob naming sa isat
isa. Si Apollo ay God of music at healing. Siya rin ay Diyos ng Apoy. Si Apollo
ay isang masunuring lalaki, malambing siya sa lahat ng tao sa Olympus.
Palagi itong masaya at naka-ngiti, at mahilig rin siyang gamitin ang kaniyang
mga kapangyarihan. Si Apollo ay talagang kamukha ng aming ina na si
Aphrodite. Marami nang napa-ibig na babae si Artemis, isa siyang chick
magnet. At isa na don ang napaka-gandang si Hera, ang anak ni Zeus. Si
Hera ay kilala bilang Diyosa ng mga hayop, lagi niya itong napapasunod. Si
Hera ay matangkad na babae, maganda ang mga mata, at mahahaba ang
pilik mata nito, matatangos din ang ilong at talaga namang napaka-pula ng
mga labi nito. At si Hera din ang dahilan kung bakit malaki ang agwat
naming magkapatid na si Artemis. Mahal na mahal na mahal noon ni Artemis
si Hera, at minahal din naman siya nito. Ngunit nang ako ay sinilang na at
lumaki, sa akin nabaling lahat ng atensyon ni Hera. Nung una ay matalik
lang kaming magkaibigan, lagi kaming nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan,
nung mga panahon na yon ay kasal pa sila ni Artemis. At madalas rin kaming
magpunta ni Hera sa hangganan ng Olympus upang maglaro at magsaya
gamit ang aming mga kapangyarihan. Naaabutan din namin doon madalas
ang kapatid kong si Kael at Apollo. Ngunit nang maglaon ipinagtapat sa
akin ni Hera ang kaniyang nararamdaman para sa akin. Paulit ulit niyang
hiniling na sana ay ako nalang daw ang kaniyang pinakasalan at inibig. Dahil
kung ikukumpara daw sa aking naka-tatandang kapatid na si Artemis, malaki

daw ang aking puso, ako daw ay matulungin sa kapuwa at mapagkumbaba.


Ngunit hindi pa daw huli ang lahat, at ayon nangyari nga ang
pinakamalaking kasalanan na gawa ko sa tanan ng aking buhay. Ang bagay
na hindi ko dapat pinahintulutang mangyari nagka-relasyon kami ni Hera.
Ngunit hindi ko siya gusto. Naawa lamang ako sakanya, gabi gabi siyang
umiiyak sa akin, nagmamakaawa na bigyang chansa ko daw ang kaniyang
damdamin. Hayaan ko raw siyang mahalin niya ako. Ngunit hindi ganon
kadali ang aking pag payag. Iniwasan ko siya. At nang isang gabi nabalitaan
ko na lamang na hindi niya na inaalagaan ang kaniyang sarili, palagi siyang
nagiinom at bumababa sa mundo nang mga tao upang manakit at
manggulo. Kaya agad agad ko siyang kinausap at pumayag sa kaniyang
kagustuhan. Tumagal ang aming patagong relasyon masaya naman akong
kasama si Hera. Ngunit hindi ko talaga magawang ibigay sakaniya ang aking
pagmamahal. Palagi kaming pumupunta sa hangganan ng Olympus. At doon
ko nakilala ang isang napaka-gandang babae si Psyche ang Goddess of
Soul. Napaka-ganda niya. At napaka-amo ng mukha. Anak siya ni Athena,
ang matalik na kaibigan ng aking ina. Si Athena ay ang Diyos ng Katalinuhan
at ng Prinsipyo. Sa ngayon ay tinitignan ko lang sa malayuan si Psyche..
napaka-sarap sa pakiramdam na pagmasdan ang kaniyan mukha na
nakikipagtawanan sa mga bata ng Olympus. At sa sumunod na araw
pumunta ulit ako magisa sa hangganan ng Olympus kundi saan may mga
bagong tayo na israkturang pamilihan at kainan. Tinignan ko lang ulit si
Psyche sa malayuan nakita ko siyang naglalakad na maraming bitbit na
pinamili. Lumapit ako ng kaunti sa kaniya at sinadya siyang bungguin
kadahilanan para malaglag ang kaniyang mga bitbit. Pinulot ko to isa isa at
iniabot sa kaniya, pagkaabot ko sa kaniya ay biglang nanglaki ang kaniyang
mga mata at namula. Dahilan upang ika-gulat ko, nagtititigan lamang kami
nang mapansin kong napatagal na an gaming pagtititigan. Kaya
pinangunahan ko na siyang magsalita: Pasensiya ka na, hindi ako tumitingin
sa aking dinadaanan, masyado ako naging abala sa pagtingin sa bagong
pamilihan dito, ulat ko. A-a-hh-ahh a-a-ayo-s lang wa-l-ang prob-lema, ulat
ni Psyche. Pinigilan kong matawa sa kaniyang inasta. Ako nga pala si Cupid.
Maaari mo kong tawaging Eros. Anak ako ni Poseidon at Aphrodite, ngiting
ulat ko sa kaniya. Kilala kita. Salamat at pasensiya ka na din Eros kung
naistorbo pa kita. Maari mo nang puntahan ang iyong patutunguhan.
Salamat, ngiting ulat din ni Psyche na siya namang naging dahilan nang
hindi mawalang ngiti sa aking labi. Napakasaya ko. Agad agad akong
bumalik sa Olympus upang gawin ang mga maiiwang gawain doon. Ako na
ang gagawa dahil masayang masaya ako ngayon. At oo, maaari niyo nang
masabi ang susunod na nangyari. Palagi na kaming nagkakasama ni Psyche.

Sinasamahan ko at tinutulungan ko narin siyang turuan ang mga batang


Olympian. Matagal ko naring hindi nakikita si Hera, wala narin ako
mabalitaan sa kaniya. Palagi lang kaming masayang magkasama ni Psyche.
Lagi ko siyang sinasamahan sa kaniyang kailangang puntahan. Mas naging
malapit ang loob naming sa isat isa. At doon ko natuklasan na natagpuan ko
na ang babaeng mamahalin ko habang buhay at ang pangalan niya ay
Psyche. Ang bunsong anak ni Athena at kapatid ni Tero. Mahal ko siya, yun
ang alam ko. Kung dati ay ako ang tagapag-pana ng mga umiibig.. ngayon ay
ako naman ang natamaan. Sa mga sumunod pa na araw ay naging mas
malapit kami. Maraming akong kini-kuwentong personal sa kaniya, at ganon
din siya sa akin. Doon ko natuklasan na matagal na pala niya akong iniibig.
Kaya pala mautal utal siya noong una naming pagkikita. Hindi ko parin
makalimutan ang araw na iyon, sobrang saya ko talaga Naikuwento ko na
rin sakanya ang tungkol sa amin ni Hera. Ang simula ng relasyon namin,
hanggang saw akas. Oo. Nagwakas na ang aming relasyon. Natutunan na
raw ulit niyang mahalin ang aking panganay na kapatid na si Artemis. At
ipinagbubuntis niya ang kanilang unang kambal na anak, si Kronos at Rhea.
Masayang masaya ako dahil maganda ang takbo ng relasyon naming ni
Psyche. At napagpasiyahan kong dalhin si Psyche sa aming palasyo. Ang
sentro ng Olympus at pinaka-malaking bahagi nito. Ipinakilala ko si Psyche sa
aking mga magulang, tuwang tuwa daw sila na kami ang magkarelasyon.
Matagal na daw nila itong pinagplanuhan. Ipinakilala ko rin si Psyche kay
Kael at Apollo, ipakikilala ko rin sana si Psyche kay Artemis ngunit hindi ko
siya makita. Nakauwi na rin si Psyche kinagabihan pagkatapos ng aming
kaunting salu-salo. Habang masaya akong naglalakad sa aming korehidor ay
binati ko ang mga kapatid kong si Kael at Apollo. Itinanong ko kay Apollo
kung ano nangyari Kuya, matagal na kasi kaming may gusto kay Psyche
pero ayos lang sa akin kuya. Mas mahal kita. Basta kung saan ka masaya, at
saka kuya meron akong nagugustuhang babae ngayon! Si Vera ang
nakababatang kapatid ni Ate Hera, masayang ulat ng aking nakababatang
kapatid. Masaya ako sa kaniyang sinabi, ngunit nababahala parin ako para sa
pagsasamahan namin ni Kael. Isang araw ay umuwi ako sa Olympus at galit
na galit sa akin si Artemis dahil natuklasan niya ang nangyari sa amin ni
Hera noon. Ako ay pinagsusuntok niya at hindi pa siya titigil kung hindi pa
siya aawatin ni Apollo, bigla na lamang siyang umalis tapos non. At walang
tigil ang pag kidlat sa kalangitan. At ganon nalang rin ang galit sa akin ni
Kael, tinawag niya akong makasarili at sakim, at ginagamit narin niya ang
kaniyang kapangyarihan sa kasamaan. Lahat ng aking pamilya ay nagalit
sakin maliban kay Apollo. Nagkunwari si Artemis na may gusto kay Psyche
dahil gusto niyang maghiganti, at sa kaniya pabor ang aming mga magulang

dahil siya ang panganay. Wala kaming ibang nagawa ni Psyche kundi
manirahan sa lupa. Naganyong tao kami at Eros ang ginamit kong pangalan
at Erin naman kay Psyche. Lumipas ang ilang taon at masaya kaming
naninirahan ni Psyche sa lupa Isang araw ay nagising ako ng wala na si
Psyche sa tabi ko, hinanap ko siya at sa kusina ko lang siya natagpuang
walang buhay. Napa-walang bisa ang kapangyarihan niya at naging mortal
na kami noon pa mang pagtira naming sa lupa. Pinagmasdan ko ang walang
buhay ni Psyche, wala akong ibang nararamdaman kundi galit at sakit,
hinagpis. Hindi ko alam ang gagawin. Walang tigil ang luha ko. Pinagmasdan
ko si Psyche at alam ko na ang dahilan ng pagkamatay niya pinaghalong
kapangyarihan ni Artemis at ni Kael. Ang mga kapatid ko.. paano nila to
nagawa sa akin. Wala akong laban. Wala akong magawa dahil ang mga
kalaban ko ay makapangyarihan. Parang ang nangyayari ngayong
kasalukuyan sa Pilipinas, puro kaguluhan ang nangyayari at ang mga
mahihirap na walang laban sa makapangyarihang mga tao ay walang
magawa. Malaki ang agwat naming ng lupa at Olympus, na sa ganon ding
laki ng agwat ng mga mahihirap sa mayayaman.

You might also like