Professional Documents
Culture Documents
● May malaking kasalan ang inihahanda. Mahaba ang inilaan na panahon sa paghahanda
nito sapagkat ito’y karaniwang gawi ng mga Hudyo sa bayan ng Israel. Nagsimula ito sa
pagkakasundo ng ama ng binata at ng ama ngdalagang ikakasal. Susunod, plinano
naman nila ang mga magiging detalye sa kasalan. Pagkatapos ng kasunduan aylalayo
ang binata upang paghahandaan ang kanilang magiging tahanan. Halos isang taon ang
pagkakalayo ngmagkasintahan kaya dito nasubok ang kanilang pagiging matatag.
Subalit, sa wakas, dumating na ang gabing pinakahinihintay ng lahat — ang kasal.
Pumunta muna ang binata sa bahay ng dalaga upang sunduin ito, pagkatapos
aytutungo naman sila sa tirahan ng binata kung saan doon gaganapin ang kasal. Sa
labas ng bahay ng binata ay maysampung dalagang may dala-dalang ilawan na
nakatalagang maghintay sa kaniya. Lima sa mga dalaga ay matatalinosamantala ang
natitirang lima naman ay tinawagang hangal sapagkat nagbaon nga sila ng ilawan
ngunit hindi sapat anglangis na dinala nila. Matagal na naghintay ang mga dalaga.
Lumalalim na ang gabi ngunit wala pang dumarating na binata. Hanggang
samaghahatinggabi na, dumating ang isang tagapagbalita na nagsabing paparating na
ang binatang ikakasal. Masayangnagsigawan ang mga tao habang ang sampung dalaga
naman ay nag-ayos ng kanilang mga ilawan bilang paghahanda sa paparating na
ikakasal. Subalit, ang ilawan ng mga dalagang hangal ay aandap-andap na. Dahil sa
matagal na paghihintay,naubos na ang langis ng kanilang ilawan. Sinubukan nilang
makiusap sa mga dalagang matatalino na bigyan sila ng langisngunit hindi sila pumayag
sa kadahilanan na para sa kanila lamang ang natitirang langis nila. Kaya naman,
napilitan angmga hangal na dalaga na umalis upang bumili ng langis.Habang sila’y
bumibili ng langis, dumating na ang binatang ikakasal. Agad siyang sinamahan ng
limang dalagangnakahanda at saka isinara ang pinto. Ito ay isang kaugalian noon kung
saan tanging ang mga taong naghihintay sa labas pagkadating ng ikakasal ay ang mga
maaaring pumasok upang maiwasang papasukin ang mga taong hindi namanimbitado o
hindi kilala ng ikakasal. Nasa loob na lahat ang mga tao nang dumating ang mga
dalagang hangal.Pinakiusapan nilang papasukin sila ng binatang ikakasal na siya ring
Panginoon ngunit tumugon ito at sinabing hindi niyakilala sila. Walang nagawa ang mga
dalaga kundi pagsisihan ang hindi nilang paghahanda para sa pagdating ng kanilang
Panginoon.
Wika ˚୨୧⋆。˚ ⋆
● Kung may isang bagay na labis na naiiba o natatangi sa mga Espanyol, ito ay ang
kanilang mga kaugaliang kaugnay ng pagkain. Ang kanilang almusal na tinatawag nilang
El Desayuno ay karaniwang kapeng may gatas at tinapay lang. Magaan lang ito dahil sa
bandang ikasampu o ikalabing-isa ng umaga ay muli silang kakain. Karaniwang tapas
ang kinakain nila s aoras na ito. Ang tapas ay mga pagkaing nakalagay sa maliliit na
lalagyan tulad ng platito na maaaring damputin lang (fingerfood) tulad ng pritong maliliit
na pusit, tinapay na may nakapatong na kamatis at keso, nakatuhog na tuna at olive, at
iba pa. Sa kanila pala natin nakuha ang nakaugalian nating pagkain sa pagitan ng
agahan at tanghalian.
● Ang kanilang tanghalian na tinatawag nilang la comida ang pinakamalaki nilang kain sa
maghapon. Maraming putahe ang nakahanda para sa kanilang tanghalian at hindi sila
nawawalan ng tinapay sa kanilang hapag. Tinapay ang kanilang pinakakanin at ito ang
ginagamit nila upang masimot ang sarta sa kanilang pinggan. Ang ilang putaheng
paborito nila ay kilala rin natin tulad ng paella, gambas, conchinillo asado (na kahawig
ng ating lechon de leche), at iba pa. Naglalaan sila ng dalawang hanggang tatlong oras
para sa pananghalian dahil bukod sa marami silang nakahandang pagkain para rito ay
nakaugalian din nilang magkaroon ng siesta o sandaling pagtulod o pagpapahinga
pagkatapos kumain. Ang buong bansa ay nagis-siesta kaya't karaniwang nagasasara
ang mga tindahan, paaralan, at pagawaan mula ikaisa hanggang ikaapat na hapon para
sa mahabang pananghalian at siesta. Gayunpaman, napansin kong sa Barcelona at sa
Madrid na pinakamalaki nilang lungsod at may pinakamaraming dayuhan ay bukas ang
malalaking supermarket at mga tindahan maging sa mga oras na ito.
● Pagsapit ng ikalima o ikalima't kalahati ng hapon ay muli silang kumakain ng tinatawag
nilang La Merienda (sa kanila pala galing ang katawagan nating meryenda). Magaan
lang ang pagkaing ito na karaniwang tinapay na may palaman. Ikasiytang naman ng
gabi ang karaniwang oras ng kanilang hapunang tinatawag nilang La Cena. Mas kaunti
ang pagkaing nakahain na minsa'y pritong itlog o isda at ensaladang gulay lang./ Hindi
rin nawawala ang paborito nilang minatamis na karaniwang gawa sa itlog at gatas na
tinatawag naman nating leche flan.
● Kung ikokompara ang oras ng ating hapunan sa kanila ay masasabing huli na ang
ikasiyam ng gabi subalit hindi pa rito nagtatapos ang maghapon ng mga Espanyol.
Pangkaraniwan na sa kanila ang lumabas pa pagkatapos ng hapunan at
maglakad-lakad (tinatawag nilang paseo) at dumaan sa mga restaurant o bar. Umuuwi
lang sila upang matulog kapag maghahatinggabi o lagpas hatinggabi na. Sa mga araw
na walang pasok ay inaabot sila ng ikatlo o ikaapat ng umaga sa labas ng tahanan at
bago umuwi ay karaniwang kumakain uli sila ng churros o tila pahabang donuts na
prinito at binudburan ng asukal. Isinasawsaw nila ito sa mainit at malapot na tsokolate.
Naiisip kong ang hilig nating mga Pilipino sa pagkain ay namana natin sa mga Espanyol
na sumakop sa atin subalit kahit anong gawin kong paggaya sa kaugalian nila kaugnay
ng pagkain at pagtulog ay hindi ko talaga kaya. Maging ang magulang kong walong taon
na rito ay hindi rin magawa ang nakagawiang ito ng mga Espanyol lalo na ang oras ng
pagtulog dahil na rin sa regular na oras ng trabaho nila sa hotel.
Isports ˚୨୧⋆。˚ ⋆
Kasuotan ˚୨୧⋆。˚ ⋆
● Napansin kong higit na pormal ang pananamit ng mga Espanyol kumpara sa atin.
tanging mga kabataan ang nakita kong nakasuot ng pantalong maong at t-shirt lalo na
sa Lungsod ng Madrid. Ang mga nakatatandang abbae ay karaniwang nakasuot ng
blusa at palda o bestida. Ang kalalakihan ay karaniwan namang nakasuot ng mayu
kuwelyong pang-itaas, pantalong slacks (hindi maong), at sapatos na balat. Sa aming
pag-ikot ay halos wala akong nakitang naka-rubber o tennis shoes maliban sa mga
turistang namamasyal sa mga baybayin ng Barcelona. Sa loob ng simbahan ay pormal
ang pananamit. Katunayan, mayoon silang dress code at ipinagbabawal ang mga damit
o kasuotang hindi angkop sa simbahang itinututring na banal na lugar. sa pamamasyal
nila pagkatapos ng hapunan ay maayos at pormal din ang kanilang pananamit.
● Napakarami kong natutuhan sa apat na buwang patira sa Espanya. Marami silang mga
kaugaliang nahahawig sa atin dahil na rin sa impluwensiya ng matagal nilang
pananakop subalit nanatili silang iba at natatangi sa maraming bagay.
Ipinagpapasalamat ko kina nanay at tatay ang pagkakataong ibinigay nila sa akin upang
matuto ng maraming bagay at lalong maging bukas at gumagalang sa pagkakaiba-iba
ng mga tao at lahi sa mundo.
pandiwa
salitang ugat
panlapi
● mga salitang nilalagay sa simula, gitna, o dulo ng salita upang makadagdag kahulugan
palipat
katawanin
naganap o perpektibo
nagaganap o perpektibo
magaganap o kontemplatibo
berbal
di berbal
pasulat
● Tampok ang liham, e-email, sms o short messaging system gaya ng text message.
● Kasama rin ang mga mensaheng ipinapadala sa social networking sites gaya ng
messenger, pagpopost ng comment sa fb, twitter, instagram
● Maaari rin sa mga aklat, magasin, diyaryo at blog.
mga pahayag:
● Ang masasabi ko ay
● Ang pagkakaalam ko ay
● Ang paniniwala ko ay
● Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon /balita
● Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil
● Kung ako ang tatanungin
● Maaari po bang magbigay ng mungkahi?
● Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
● Mahusay ang sinabi mo at ako man ay
● Para sa akin
● Sa aking palagay
● Sa tingin ko ay
● Tutol ako sa sinabi mo dahil