You are on page 1of 6

Christian Josh E.

Dinoy
Kahon ni Pandora
Tauhan
• Pandora • Hephaestus
• Prometheus • Athena • Hermes
• Epimetheus • Aphrodite

Tagpuan
Ang tagpuan ng mitolohiyang, “Ang Kahon ni Pandora” ay sa
lupa ng Gresya kung saan nanirahan ang mga Griyegong
nagpakita ng kanilang mga paniniwala, kultura, at kasaysayan.
Sa Mt. Olympus naman pinaniwalaang nanirahan ang mga
diyos at diyosa.
Buod
Puro lalaki lamang noon ang naninirahan sa lupa ngunit
nabubuhay naman sila ng matiwasay sagana sa pagkain,
sariwa ang simoy ng hangin, sa buong maghapon sila
ay nagsasaya lamang nagpapalusog at nagpapalakas ng
katawan, hindi nila kilala ang mga sakit, kalungkutan,
gutom at uhaw.

Ngunit isang araw ay hiling nila sa diyos na si


Hephaestus na humubog ng isang babae, at iyon nga ay
si Pandora. Ubod sa kagandahan ang babaeng kanyang
nilikha lahat ng magandang katangian ay tinaglay ni
Pandora, galing sa pag-awit, kaakit akit, katalinuhan at
kagalingan sa lahat ng bagay, Kaya nga Pandora ang
ipinangalan sa kanya na ang kahulugan ay “Ang
kabuuan ng kahanga-hangang handog ng lahat ng
diyos.”
Buod
Naging maligaya si Pandora sa lupa sa piling ni Epimetheus.
Marami siyang natututunan sa daigdig sa araw-araw katulad na
lamang ng hiwaga ng apoy, ang kahanga hangang init ng araw at
ang kataka takang lamig naman kung gabi, ang masasarap na
lasa ng ibat-ibang bunga ng punong kahoy. Ngunit may isang
bagay ang bumabagabag sa kalooban ni Pandora iyon ay ang
kahon na ipinagbilin sa kanya ni Hermes na huwag na huwag
niyang bubuksan.

Napansin ni Epimetheus ang kalungkutan ni Pandora una


niyang nakita na nalungkot ito, iniisip ni Pandora kung ano nga
ba ang laman ng kahon, maaring meron itong laman na kaakit
akit at magdudulot pa lalo sa kanya ng ibang kagandahan,
halimabawa noon ay ang busilak at napakagandang kasuotan ni
Hera o di kaya naman ay ang ginintuang hiyas ni Aphrodite.
Kaya naman sinabi na niya kay Epimetheus na buksan nila ang
kahon at tingnan ang laman noon, ngunit hindi pumayag si
Epimetheus dahil ayon sa kanya hindi niya kayang lumabag sa
ipinag-uutos ng mga diyos.
Buod
Nang minsang naiwan siyang mag-isa sa bahay ay di nakatiis
si Pandora binuksan niya ang kahon, at mula duon ay
naglabasan ang ibat-ibang demonyo na tagapaghatid ng ibat-
ibang uri ng karamdaman katulad ng kolera, lagnat, at iba pa.
Ang iba naman sa mga demonyo ay kinatawan ng masamang
pag-uugali katulad ng pagkainngit, sama ng loob at
masasamang kaisipan. Ang lahat ng mga ito ay naglipadan sa
kapaligiran kaya naman ang mga tao ay nag kagulo,
nagsumbatan, at nawala ang dating payapang kapaligiran.

May isang kulisap ng pag-asa na naiwan sa kahon, ayaw na


sana siyang palabasin ni Pandora, ngunit nagpumilit
makalabas ang isang kulisap. Ayon sa kanya siya ang pag-asa,
kaya pinalabas din siya ni Pandora at agad itong lumipad sa
kalawakan at nagsitigil ang kagulohan sa kanyang pagdating
at nanumbalik ang kapayapaan, hindi man katulad ng dati na
mayroong malinis na budhi ang bawat isa, gayumpaman
habang may pag-asa ay mauunawaan ng mga kalalakihan sa
daigdig na dapat ay laging mangibabaw parin lagi ang
kabutihan.
Aral
Ang aral dito ay wag ka padalos-dalos sa iyong desisyon at ikaw
ay dapat makinig sa kung ano man sasabihin ng mas may alam sa
iyo. Wag mo hayaan na gawin kang alipin ng iyong mga emosyon
dahil maraming madadamay na tao sa iyong mga kasalanan. At
kahit maraming masama na nangyayari wag ka mawawalan ng
pagasa.

You might also like