You are on page 1of 4

Ang Kahon ni Pandora (Mito)

Noong araw ay walang mga babae sa lupa. Ang naninirahan rito ay panay
mga lalaki. Nabubuhay sila nang matiwasay. Sagana sila sa pagkain. Ang
simoy ng hanging kanilang nilalanghap ay puno ng halimuyak ng
mababangong bulaklak. Sa buong maghapon, wala silang ginagawa kundi
magsaya, magpalakas at magpalusog ng katawan. Hindi nila nakikilala ang
kalungkutan, ang sakit, ang uhaw at ang gutom.

Minsan sa pagpupulong ng mga diyos sa Bundok ng Olimpo ay nagkaisa


silang padalhan ng kaparusahan ang mga lalaki sa pamamagitan ng isang
babae. Hiniling nila sa diyos na manlililok na si Hepestus na humubog ng
isang babae. Sumunod naman ang nahilingan. Ubod ng ganda ang babaeng
kanyang hinubog. Humanga ang lahat ng diyos. Inialay nila sa bagong
likhang babae ang lahat ng kahanga-hangang handog. Ibinigay sa kanya ni
Apollo ang kahusayang umawit. Ibinigay sa kanya ni Hermis ang
kapangyarihang mang-akit at mang-udyok. Ginawa siyang kaibig-ibig ni
Aprodayte. Tinawag siyang Pandora na ang ibig sabihin ay kabuuan ng mga
kahanga-hangang handog ng lahat ng diyos.

Si Hermes ang nahirang na maghatid kay Pandora sa lupa. Inihatid niya si


Pandora kay Epimitiyus na kapatid ni Prometiyus. Isang mahiwagang kahon
na ang laman ay di batid ng dalaga ang ipinabaon sa kanya.

Malugod na tinanggap ni Epimitiyus si Pandora. Noon lamang siya nakakita


ng isang kahanga-hangang dilag na pinagtipunan na yata ng lahat ng
katangian sa daigdig. Ipinagdiwang ng kanyang mga kaibigan ang
pagkakaroon niya ng magandang kapalaran. Noon, hindi pa kilala ng mga
lalaki ang inggit at panibugho.

Sa ganang kay Epimitiyus at sa kanyang mga kaibigan, ay matamis pa sa


awit ng mga ibon ang awit ni Pandora. Kinagawian na nilang magtipun-tipon
tuwing dapithapon upang pakinggan ang magagandang alamat na sadyang
nilikha ni Pandora para awitin sa kanila.

Marami ding pananhong nagging maligaya si Pandora sa piling ni Epimitiyus.


Para sa kanya ay bago at maganda ang daigdig. Ara-araw, maraming mga
bagay siyang natutuhan. Natalos niya ang hiwaga ng apoy. Nabatid niya ang
ukol sa kahanga-hangang init ng araw at ang tungkol sa kataka-takang
lamig ng gabi. Natikman niya ang ibat-ibang lasa ng masasarap na
bungangkahoy. Gayunman, sa kanyang isipan ay may isang bagay na
umuukilkil, isang alalahaning nagdudulot ng ligalig sa kanyang kalooban at
nagtatangkang gumiba sa lahat ng kaligayahang kanyang tinatamasa. Itoy
ang nauukol sa kahon na kasama niya nang siyay ihatid ni Hermis sa lupa.
Mahigpit ang bilin ni Hermis na ang kahon ay huwag niyang bubuksan. Sa
palagay ni Pandora, ang pagkaalam sa laman ng kahon ang tanging kulang
upang masabi niyang nababatid niya ang ukol sa lahat ng bagay sa daigdig.
Lumalakad ang araw ay sumisidhi ang kanyang pagnanasang mabatid ang
nasa loob ng kahon. Gayon na lamang ang kanyang pananabik.

Marahil, ang naisip ni Pandora, may mga kaakit-akit na bagay sa loob ng


kahon na makapagdudulot sa aki ng ibayong kagandahan. Gaya halimbawa
ng busilak na kasuotan ni Hira o kayay ng ginintuang mga hiyas ni
Aprodayte.

Naging palaisip si Pandora. Araw-araw ay binubuhay niya kung ano ang


laman ng kahon. Bihira na siyang mangiti. Noon naramdaman ni Epimitiyus
ang unang kalungkutan. Nalulungkot siya kapag walang kibo si Pandora. Sa
wakas, ipinagtapat sa kanya ng babae ang suliraning gumugulo sa kanyang
isip. Hiniling niyang buksan ni Epimitiyus ang kahon. Natakot si Epimitiyus.

Buksan ang kahon! Gawin ang isang bagay na ipinagbabawal ng mga


diyos? ang kanyang bulalas. Hindi ko magagawa iyan. Habang tayoy
nabubuhay, mananatiling nakapinid ang kahon sa loob ng ating tahanan.
Hindi ko iyan mapangangahasang buksan kailanman.
Umalis si Epimitiyus at nagtungo sa piling ng kanyang mga kaibigan.
Naiwang natitigilan si Pandora sa tabi ng kahon.

Nang sumunod na mga araw, pinigilan ni Pandora ang kanyang nasang


mabuksan ang kahon. Ngunit isang araw ay umalis si Epimittiyus. Naiwang
naag-iisa sa bahay ang babae. Nanaig sa kanya ang hangaring matalos ang
laman ng kahon. Kinuha niya ang susi at binuksan iyon.

Walang magandang bagay ang laman ng kahon. Isang langkay na


humuhugong na mga putakte ang naglabasan at dumuro sa kanya. Ang mga
putakteng yaoy ang tagapaghatid ng ibat ibang uri ng sakit na tulad ng
lagnat, kolera, rayuma at iba pa. Ang iba sa kanilay kinatawan ng maiitim
na damdaming tulad ng inggit, panibugho, sama ng loob at masasamang
kaisipan.

Ang mga putaktey naglagusan sa mga bintana at mga pintuan ng bahay.


Lumipad sila hanggang alapaap at dahil sa dami ay nangulimlim tuloy ang
araw. Sina Epimitiyus at ang kanyang mga kaibigan ay nagliibang noon sa
may di kalayuan sa tahanan. Narinig nila ang nangangalit na hugong ng mga
sakit, salot at maiitim na damdamin.

Dinuro sila ng mga kulisap at noon diy nagkagulo sila. Nagpalitan sila nang
masasakit na salita. Ang magkakaibigay nagging magkakagalit. Sa mukha
ng bawat isay nabadha ang bangis at ngitngit. Naglaho ang panahon ng
kawalang malay.

Samantala, si Pandora ay nanlalambot sa tahanan. Naisara na niya ang takip


ng kahon, ngunit totoong huli na! Lahat ng nakakulong roon, maliban sa
isang kulisap, ay nakakawala at nagsasabog na ng pinsala sa lupa. Hugong
nang hugong ang kulisap na naiwan sa loob ng kahon. Narinig ni Pandora
ang maliit na tinig na nagsasabi: palayain mo ako! Palabasin mo ako!
Hindi ang sabi ni Pandora, hindi kita palalabasin. Mamalagi ka riyan!

Walang tigil ang paghugong at pagkatok ng maliit na kulisap sa loob ng


kahon. Sa wakas, napilitan rin si Pandorang buksan ang kahon. Isang
magandang kulisap na may busilak na bagwis ang lumabas sa kahon.
Ikinampay ang kanyang mga pakpak na waring nasisiyahan sa liwanag.

Ako ang Pag-asa! Ako ang Pag-asa! ang awit niya.

Sa wari ni Pandora ay lalong gumanda ang daigdig dahil sa awit na yaon.


Lumabas sa tahanan ang kulisap. Nagtungo sa pook na pinag-aawayan nina
Epimitiyus at ng kanyang mga kaibigan. Sa kanyang pagdating ay natigil
ang awayan. Nanumbalik ang kapayapaan, ngunit hindi na ang dating
kapayapaan ng may malilinis na budhi. Gayunman, habang may pag-asa sa
daigdig, ay nauunawaan ng mga lalaking nakalasap ng unang lungkot na
walang kaguluhang napakasama ang di pangingibabawan ng buti.
Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari:
Introduksyon - Pook o tagpuan ng tauhan.
Sa Daigdig o Lupa

Pagtataas ng Pangyayari - Kaganapan kung saan naging kumplikado at problema sa kwento ay


nasiwalat.
Nang binuksan ni Pandora ang kahon.

Kasukdulan - Pagkawili ang pagkaiba ng daloy ng kwento.


Nang nabigyan ng problema ang mga tao

Kakalasan - Kaganapan at kumplikasyon ay nagsimula ng maayos.


Nag makalabas ang isang kulisap, dahilan na manumbalik ang dating kapayapaan.

Wakas - Panghuling kinalabasan ng mga kaganapan sa kwento.


Nanumbalik ang kapayapaan, ngunit hindi na ang dating kapayapaang kanilang natamo.

Tema: "Huwag suwayin ang utos ng diyos at Makuntinto kung ano ang meron ka"

You might also like